(NI LOUIS AQUINO) MAGANDA na rin ang naging ending ng 12-taong karera sa PBA ni Doug Kramer matapos manalo ang kanyang Phoenix Pulse team sa pagtatapos ng kampanya ng koponan sa Governor’s Cup Si Kramer, 36, ay nagpahayag ng pagreretiro sa PBA bago ang game ng Phoenix Pulse kontra Blackwater noong Biyernes kung saan nanalo ang Fuel Masters sa overtime, 120-117. Sa kanyang huling laro sa Fuel Masters ay nakapagtala ng three points at 10 rebounds si Kramer. Maliban sa Phoenix Pulse, naglaro rin siya sa mga koponan ng Air21,…
Read MoreAuthor: Jet
HEALTH WORKERS SA BAWAT BARANGAY DARAGDAGAN NG BENEPISYO
(NI ABBY MENDOZA) HUMIHINGI ng suporta sa mga kapwa mambabatas si Iloilo City Rep. Julienne Baronda upang agad na maipasa ang panukala para sa pagtatalaga ng mga barangay health workers sa bawat barangay at dagdag benepisyong sa mga ito. Ayon kay Baronda, malaking papel ang ginagampanan ng mga barangay health workers sa mga komunidad, ang mga ito ang katuwang sa bawat barangay para makapaghatid ng health services ang gobyerno sa kabila ng kawalan ng maayos na benepisyo. Sa ilalim ng House Bill 1557 ni Baronda, inaatasan ang LGU ng pagtatalaga…
Read MoreVAPE SA KABATAAN HIHIGPITAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NABABAHALA si Senador Bong Go sa posibleng kaso ng E-Cigarette or Vaping Product Use-Associated Lung Injury (EVALI) sa bansa. Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may binabantayan silang ganitong kaso sa Central Visayas. “Bagama’t pinag-aaralan pa ito ng DOH at considered “probable cause” pa lang ang vaping, I echo Sec (Francisco) Duque’s advice for users to refrain from using vapes or e-cigarettes as the knowledge on the products is still limited,” saad ni Go. “Klaruhin ko lang po para sa kaalaman ng publiko…
Read MoreSOTTO KAY LENI: TIGILAN MUNA ANG PAGPAPA-MEDIA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINAYUHAN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III si Vice President Leni Robredo na tigilan ang paghahayag sa media ng kanyang mga plano at ginagawa sa anti-drug campaign. Ipinaliwanag ni Sotto na dahil sa pagsasapubliko ng mga plano ay posibleng makapaghanda ang mga sindikato ng droga. “Hindi ko naman masasabi yun, pero ang pinakamaganda tigilan mo muna ang media-media kasi nate-telegraph ang strategy eh. Dapat dyan submarine approach kailangan na under the radar ang tira, mga kilos. Yan ang magandang kilos and then later on lilitaw ang…
Read MoreBUILDING CODE, ISASAMA SA CURRICULUM NG ENGG COURSES
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala na isama sa curriculum ng Engineering courses ang National Building Code of the Philippines at maging isa rin sa topic sa licensure examinations. Sa Senate Bill 1154, nais ni Lapid na ituro sa Bachelor of Science Degree Programs sa Civil Engineering, Mechanical Engineering, Electrical Engineering, Sanitary Engineering, Electronics Engineering at Architecture ang Republic Act 6541. Ipinaliwanag ni Lapid na layon ng batas na magkaroon ng framework ng minimum standards at requirements para sa lahat ng gusali at istruktura sa pamamagitan…
Read MoreDAGDAG-BAWAS SA OIL PRICE NAKAAMBA
(NI ROSE PULGAR) MAY nakaamba na naman ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Batay sa abiso ng kumpanyang Unioil nasa P0.25 sentimos hanggang P0. 30 sentimos ang posibleng pagbaba kada litro ng kanilang diesel. Habang sa gasolina may dagdag na P0.80 hanggang P0.90 sentimos kada litro. Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa gasolina at rollback sa diesel ang mga kumpanya ng langis. Ang nakaambang dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Tuwing araw…
Read MoreBAGYONG ‘RAMON’ BUMAGAL; 1 PA NAKAABANG
(NI JEDI PIA REYES) NAPANATILI ng bagyong Ramon ang lakas nito habang mabagal na kumikilos patungong Cagayan area. Batay sa huling severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga tatama sa kalupaan ang bagyo sa dulong bahagi ng Cagayan province. Inaasahang babayuhin ng bagyong Ramon ang Northern Luzon sa Martes bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles. Ibinabala ng PAGASA ang mga pag-ulan simula sa Linggo hanggang Lunes. Huling namataan ang mata ng bagyo…
Read More4 KADETE NG PNPA KINASUHAN SA HAZING
(NI ROSS CORTEZ) PORMAL nang sinampahan ng kaso ang apat na kadete ng Phil National Police Academy, Camp Mariano Castaneda sa Silang Cavite, na sangkot sa hazing noong Oktubre batay sa inihaing reklamo ng 19-anyos na si Cadet 4th Class John Rafael Desiderio Ayon sa pahayag ni Police Major Resty Soriano, hepe ng Silang Municipal Police Station, sinampahan nila ng kasong paglabag sa Section 2 (a) ng Republic Act 11053 o mas bilang Anti Hazing Law, ang mga suspek na sina Cdt. 3rd class Jovan Sernat, Cdt. 2nd class CLARENCE…
Read MoreRICE TARIFF LAW PINAGKAKITAAN NG IMPORTERS – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong nakinabang sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law, ito ay ang mga rice importers dahil kahit bumaha ng imported na bigas sa bansa ay hindi bumaba ang commercial rice. Ito ang reklamo ng mga militanteng mambabatas sa Kamara kaya nararapat na anilang ibasura ang nasabing batas dahil bukod sa pinapatay nito ang mga local na magsasaka ay hindi walang naging pakinabang dito ang mga consumers. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kahit aabot sa 3.1 million metric tons ang imported rice na…
Read More