7 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO 1; ‘RAMON’ LUMAKAS PA

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA) MAS lumakas pa ang bagyong Ramon na isa nang tropical storm kung saan pitong  lalawigan ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 1. Nasa ilalim ng tropical storm warning signal No 1 ang Eastern Samar, Northern Samar, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon. Ang bagyo ay huling namataan sa Catarman Northern Samar, taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na 70kph. Asahan umano na magiging maulan sa nasabing lugar kaya ibinabala ng PAGASA na maaaring magkaroon ng landslides at pagbaha.…

Read More

ECONOMIC CRIME VS AABUSO SA RICE TARIFFICATION LAW

rice

(NI BERNARD TAGUINOD) MAAARING kasuhan economic crime ang mga mambabatas at opisyales ng gobyerno na nasa likod ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law na nagpalugmok sa sektor ng pagsasaka. Ito ang ibinabala ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao dahil ang mga magsasaka sa ibang bansa ang kanilang binuhay dahil sa nasabing batas kung saan mas marami na ang inaangkat na bigas ang Pilipinas kaysa sa China na may 1.4 bilyon populasyon. Ayon kay Casilao, kung magpapatuloy ang walang habas na pag-angkat ng Pilipinas ng bigas sa…

Read More

PAGRE-REGULAR SA BRGY DAY CARE WORKERS IGINIIT

(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAWIN nang regular workers ng gobyerno ang mga day care workers sa lahat ng mga barangay sa buong bansa kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa House Bill (BH) 5287 na inakda Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe, sinabi nito na malaki ang kontribusyon ng mga day care workers sa paghubog sa mga paslit na ipinakakatiwala sa kanila ng mga magulang para turuan. “However, despite the important role that these workers play in carrying our children’s needed care and learning experience, they…

Read More

NADINE, KATHRYN INISNAB NG LUNA AWARDS

(NI JERRY OLEA) INISNAB ng 37th Luna Awards sina Nadine Lustre (Never Not Love You), Kathryn Bernardo (The Hows of Us) at Gloria Romero (Rainbow’s Sunset)! Ang mga nominadong Best Actress sa kanilang awards night ay sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Ai Ai de las Alas (School Service), Anne Curtis (Sid & Aya), at Agot Isidro (Changing Partners). Ang Nominees’ Night ng 37th Luna Awards ay gaganapin sa Nobyembre 20, Miyerkules, 6:30  PM sa Delgado 112, Sct. Delgado St., QC, samantalang ang Awards Night ay sa…

Read More

BODY CAMERA EPEKTIBO SA ANTI-DRUG OPERATIONS – PNP

(NI AMIHAN SABILLO) NANINIWALA ang Philippine National Police (PNP) na mas maraming advantage ang pagkakaroon ng body cameras ng mga operatiba sa tuwing maglulunsad ng anti-illegal drug operations. Ito paniniwala ni  PNP spokesperson PBGen. Bernard Banac matapos sabihin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tutol siya na kailangan sa lahat ng oras ang paggamit ng body cameras sa tuwing maglulunsad ng anti-illegal drug operations. Paliwanag ni Banac, makatutulong ang body cameras upang mas lalo pang maging transparent ang kanilang mga ikakasang operasyon. Maliban dito, sinabi rin ng opisyal na…

Read More

21 SA SOCCSKSARGEN TEAM KINASUHAN NI PACQUIAO NG GAME FIXING

(NI ESTONG REYES) INIHAYAG  ni Senador Manny Pacquiao na tuluyan nang kinasuhan ang 21 katao kabilang ang mastermind, coaching staff at players ng SOCCSKSARGEN team na naglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Department of Justice (DOJ). Sa press conference na ginanap sa Sofitel Hotel sa Pasay City, sinabi ni Pacquiao, founder and chairman ng MPBL, na binuo niya ang naturang liga dahil bukod sa passion niya ito, gusto niyang makatulong na lumikha ng trabaho. “Unprofessional ang ginagawa nila. Dapat makapagbibigay tayo ng trabaho sa kanila, ngunit sinira nila ang integridad…

Read More

GO: TAO LANG ANG PANGULO, KAILANGAN NG PAHINGA

(NI NOEL ABUEL) BINIGYANG-diin ni Senador Christopher Bong Go na tao lang si Pangulong Rodrigo Duterte at kailangan ng pahinga kasunod ng ibinigay na tatlong araw na ‘rest’ sa kanyan gbahay sa Davao City. Sinabi ni Go na mas pinili ng Pangulo na magpahinga muna ng  3 araw sa Davao City dahil itinuturing nitong itong comfort zone kung saan siya nakakatulog nang mahimbing. Sa kabila nito, sinabi ni Go na bagama’t pinagpapahinga ang Pangulo ay hindi pa rin ito tumitigil sa mga paper works. Sa katunayan aniya ay nakatakda silang…

Read More

DEPT. OF WATER LUSOT SA HOUSE PANEL

water

(NI BERNARD TAGUINOD) INAPRUBAHAN na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbuo ng Department of Water and Resources (DWR) na mangangasiwa sa usapin ng tubig sa buong bansa, hindi lamang para matiyak na may sapat na maiinom at patubig sa mga pananim. Sa mosyon ni Baguio City Rep. Mark Go, lumusot sa committee level sa Joint hearing ng House committee on public works at committee on government reorganization ang consolidated bill mula sa 35 panukala para magtayo ng nasabing departamento. Base sa nasabing panukala, lahat ng mga attached agencies ng…

Read More

DOLE SA PRIVATE SECTOR: PANTAY NA BENEPISYO SA SENIORS, PWDs IBIGAY

(NI DAHLIA S. ANIN) NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pribadong sektor sa pantay na sweldo at benepisyo sa manggawang senior citizens at Persons With Disability (PWDs). Ito ang pahayag ni Labor Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez matapos mag-viral sa social media sites ang larawan ng mga senior citizens na nagtatrabaho sa ilang fastfood chains at restaurant sa Maynila. Ayon pa sa opisyal mahusay ang pag-unlad ng mga kompanya na tumatanggap ng senior citizens at PWDs ay dahil sa adbokasiya ito ng pamahalaan. Ngunit, nais niyang ipaalala…

Read More