FUEL SMUGGLING SILAT SA BATANGAS

SA gitna ng kabi-kabilang imbestigasyon hinggil sa malawakang smuggling sa bansa, timbog sa bayan ng Mabili sa lalawigan ng Batangas ang isang sasakyang-dagat sa tangkang pagpupuslit ng nasa 700,000 litro ng krudo. Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Batangas (BOC-Batangas), araw ng Martes nang makatanggap ng timbre mula sa isang impormante ang naturang distrito hinggil sa diumano’y paglalayag ng barkong MT Harmony Star patungo sa karagatang sakop Mabini. Sa bisa ng isang direktiba, agad na dinispatsa ni BOC-Batangas District Collector Atty. Maria Rhea Gregorio ang mga operatiba…

Read More

MODERNONG BOC, HAMON KAY RUBIO

WALANG bahid ng pagtutol ang isang prominenteng kongresista sa pasya ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr., na magtalaga ng bagong liderato ng Bureau of Customs (BOC). Gayunpaman, may hamon si House Ways and Means Committee chairman Rep. Joey Salceda sa bagong hirang na Customs Commissioner Bienvenido Rubio – alamin at bigyang solusyon ang makupad na pag-usad ng siento-por-sientong mo­dernisasyon ng kawanihang nangangasiwa sa pagpasok at paglabas ng mga kalakal sa mga pantalan at paliparan. “My first request to Commissioner Rubio would be to look into bottlenecks in implementing the BOC’s computerization,”…

Read More

17 DISTRITO, BUMIDA SA 121st ANIBERSARYO

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Bureau of Customs (BOC), binigyang pagkilala ang mga natatanging opisyales at empleyado ng kawanihan. Tampok ang parangal na iginawad sa BOC-Port of Batangas District kaugnay ng agresibong kampanya laban sa smuggling at katiwalian sa nasasakupang distrito. Maliban sa BOC-Batangas, pasok din sa talaan sina BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan at Deputy Port Collector Atty. Lourdes Mangaoang. Pinarangalan din ang Ports of Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Surigao, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri, Limay, Manila, San Fernando, Manila International Container Port,…

Read More

CONSIGNEE DAKIP SA P16.8M DROGA

TIMBOG sa isang operasyon kontra drug smuggling ang isang consignee kaugnay ng P16.8-milyong halaga ng drogang ikinubli sa balikbayan box na inilipad pa mula sa bansang Estados Unidos. Sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC), unang nabisto ang nasa 12 kilong ‘kush’ na isinama sa mga dapat sana’y pasalubong na karaniwang laman ng mga balikbayan box na nakalagak sa People’s Air Cargo (Paircargo) sa Lungsod ng Pasay. Batay sa rekord ng kawanihan, idineklarang ‘personal effects’ ang kargamentong lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula pa sa State of California,…

Read More

RUIZ OUT, RUBIO IN SA BOC

Ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng kabi-kabilang imbestigasyon sa malawakang illegal smuggling sa bansa, sinibak sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay ng anunsyo ng paghirang kay Bienvenido Rubio bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs (BOC). Sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO), walang inilahad na dahilan sa likod ng pasya ng Palasyo. Bago pa man itinalagang kapalit ni Ruiz, nagsilbi si Rubio bilang Director ng BOC Port Operations Service at officer-in-charge ng Assessment and Operations Coordinating Group ng nasabing kawanihan.…

Read More

SPEAKER ROMUALDEZ MAGBIBIGAY NG AYUDA SA TURKEY QUAKE VICTIMS

PERSONAL na magbibigay ng $100,000 o higit P5 milyon na ayuda si House Speaker Martin Romualdez para sa mga biktima ng lindol sa Turkey. Ayon sa Speaker, na kinatawan ng Leyte, “ang bansang Turkey ang isa sa pinakaunang bansa na nagpadala ng tulong sa amin nang tumama ang Yolanda sa Leyte”. “Marapat lamang na suklian natin ang magandang kaloobang ito ng Turkey na siya namang nangangailangan ng tulong natin ngayon,” ani Romualdez. Dagdag pa ng lider ng Kongreso,” naibsan ang sakit at pagdurusa ng mga biktima ng Yolanda sa Samar…

Read More

INVESTMENT NG JAPANESE ENERGY GIANT SA BANSA PINURI NI MARCOS JR.

TINUKOY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng liquefied natural gas (LNG) terminal facility ng Tokyo Gas at ng Lopez-owned First Gen  sa paglipat ng bansa mula sa fossil fuels tungo sa green energy. Sa isang pulong sa Tokyo na dinaluhan nina Tokyo Gas president at CEO Takashi Uchida at First Gen chairman at CEO Federico “Piki” Lopez, binigyang-pansin ni Marcos kung paano nagpasya ang Japanese energy giant na mamuhunan sa Pilipinas. “Even before it was decided that LNG would create this large role in our energy mix…

Read More

7 BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER NA-INTERCEPT SA NAIA

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pitong Pilipina habang papasakay sa kanilang Scoot Airways flight papuntang Iraq. Ayon sa report, ang pitong Pilipina ay paalis noong Enero 16 sa NAIA Terminal 1 via Singapore, nang ma-intercept ng mga tauhan ng Immigration, dahil sa kaduda-dudang kilos ng mga ito. At nadiskubre sa isinagawang imbestigasyon na magtatrabaho ang pitong Pinay bilang janitress sa Erbil, Iraq, at makatatanggap ng US$1,000 dollars monthly salary. Matatandaang kamakailan, ipinag-utos ng pamahalaan ang tinatawag na ‘long standing ban…

Read More

Sa gas station investment scam NBI NAGLABAS NG SUBPOENA VS LUIS MANZANO

BUNSOD ng umano’y kinasasangkutang gas station investment scam, naglabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa actor/TV host na si Luis Manzano. Nabatid sa ulat ng NBI, noong Biyernes nang ilabas ng NBI Criminal Intelligence Division ang subpoena matapos ireklamo ng mga investor ng Flex Fuel Petroleum Corp. ng kasong estafa ang nasabing kompanya at ang aktor. Nasa 15 overseas Filipino workers ang naghain ng reklamo sa NBI at mayroong 40 complainants sa Pilipinas. Nabatid sa salaysay ng mga nagreklamo, pumasok umano sa kanilang Zoom meeting si Manzano at…

Read More