Kurdapyo ni Toto Nabaja
NANINDIGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa kanyang pahayag na sangkot ang grupong True Brown Styles (TBS) sa recruitment ng mga menor de edad na ginagamit sa krimen.
Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, matapang na sinabi ni Remulla na ang mga recruit na menor de edad ay inuutusang magnakaw sa mga convenience store bilang bahagi ng kanilang ritwal. Ang saklap, ‘di ba?!
Aba’y sobrang nakababahala kung ganun, lalo pa nga at mga kabataan ang target ng grupo, kaya hindi dapat magpatumpik-tumpik ang ating mga awtoridad sa panganib ng grupong TBS. Tama ba, Sec. Remulla, sir? Mismo!
Ay abaw ah! Galing mismo kay DILG Sec. Remulla na kalat na sa 78 probinsya ang mga galamay ng TBS. Ambot sa bakang biyuda.
Alam n’yo ba, mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya? Nagsimula ang grupong TBS sa California sa Estados Unidos bago ito nakarating sa Pilipinas.
Nag-umpisa ito bilang isang maliit na grupo na kalaunan ay naging malawak na street gang sa iba’t ibang probinsya, 25 taon na ang nakalilipas.
Bukas naman daw ang DILG sa hiling na diyalogo ng ilang miyembro ng TBS, hehehe, biglang ninerbiyos sa banta ni Remulla na iisa-isahin sila at ipakukulong. Mismo!
Paanong hindi nenerbyusin, mga Ka-Toto, e mabilis pa sa kidlat na kumilos itong si Police Regional Office 3 (PRO3) PBGen. Jess Mendez, para lansagin ang papausbong na robbery group sa Bataan, Olongapo at Zambales. Aray Naku! Pakak!
Unang nasampolan ang lungga ng mga suspek sa Castillejos, Zambales at hindi na nakapalag pa ang grupo nang salakayin ng mga bata ni Gen. Mendez, at take note, mismong ang heneral ang nanguna sa operasyon. Salute sa ‘yo sir!
Pitong klase ng iba’t ibang kalibre ng baril, mga bala at isang granada ang nakumpiska sa mga suspek. Buti nga sa inyo, hahaha.
Mabuti na lang at maagap itong mga tauhan ni Gen. Mendez, dahil bago pa lumawak ang grupo ay nabuwag na ito dahil sa maingat at matiyagang intelligence-driven operation laban sa mga suspek!
Kaya naman may panawagan si Kurdapyo sa mga magulang na bantayang maigi ang inyong mga anak at paalalahanan, dahil ang target ng grupo ay mga binatilyo at dalagita. Aray Naku! Pakak!
Oops teka lang… Congratulations nga pala kay PBGen. Jess Mendez… Sir!
48 