IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabilisang modernisasyon ng aviation safety system sa bansa para maiwasan ang ‘glitches’ na kahalintulad noong Enero 1 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang management agreement sa Sumitomo-Thales — maintenance provider ng Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) — ay pabibilisin din. “[Marcos] is very much aware of what happened and he supports our recommendation to implement…
Read MoreAuthor: admin 2
SAF 44 KINILALA NG MALAKANYANG
KINILALA ng Malakanyang ang kabayanihan ng 44 Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkwentro laban sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 taong 2015. “Ngayong ika-25 ng Enero, ating inaalala ang kabayanihang ipinakita ng 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) officers sa munisipalidad ng Mamasapano noong 2015,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa isang kalatas. “Ang kanilang sakripisyo ay ‘di malilimutan at mananatiling inspirasyon para sa bawat Pilipino,” dagdag na wika ng PCO. Matatandaang naging target ng operasyon na tinawag…
Read MoreRigodon sa BI hirit sa Senado KONTAK NG CHINESE MAFIA HUBARAN NG MASKARA
HINILING ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkoles ang masusing pagsisiyasat sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) upang matukoy na kung sino ang ginagawang contact ng Chinese mafia sa loob ng ahensya. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na malaki ang posibilidad na may koneksyon ang human trafficking syndicate sa loob ng ahensya dahil patuloy ang ulat ng outbound human trafficking ng Pilipino na pinilit magtrabaho bilang scammer ng cryptocurrency. Nanawagan din ang senador na sibakin ang contact ng sindikato sa BI sa lalong madaling panahon upang matiyak ang proteksyon…
Read MoreSolon: Agri-smugglers hindi masawata PBBM DAPAT MANAGOT SA KAPALPAKAN NG DA
(BERNARD TAGUINOD) DAPAT panagutin ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa walang habas na pagpasok ng big-time onion smugglers. Pahayag ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil mistulang nagsasamantala umano ang mga smuggler habang puro biyahe ang inaatupag ng Pangulo. “Habang puro biyahe palabas ang DA chief natin, todo pasok naman ang smuggled at misdeclared onions,” ayon sa mambabatas dahil ngayong Enero 2023 pa lamang ay nakapagtala na ng 18 kaso umano ng smuggling ng sibuyas, carrots at iba pang produktong agrikultura,…
Read More‘COP KILLER’ TIMBOG SA BATANGAS
BATANGAS – Makaraan ang 30 taong pagtatago, natimbog ng mga awtoridad ang tinaguriang most wanted person national level, na pinaghahanap ng batas dahil sa kasong pagpatay sa isang pulis sa lalawigang ito. Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, naaresto ng mga tauhan ng Tanauan City Police Station, Anini-y Municipal Police Station ng Antique Police Provincial Office, at Jordan Municipal Police Station ng Guimaras Police Provincial Office, ang suspek na si Cesar Andal, 61, tubong Tanauan City, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. East Valencia, Buenavista, Guimaras. Natimbog ito sa…
Read MoreMURDER SUSPECT TIMBOG SA CIDG RIZAL
RIZAL – Hindi na nakaporma sa mga tauhan ng CIDG Rizal ang isang lalaki nang madatnan sa kanyang bahay sa Aran St., Bagong Buwan, sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ni P/Maj. Leopoldo Cajipe, ng CIDG Rizal Office, si Mamerto Catong Dapusala Jr., alyas “Jun Cedar”, bilang wanted sa pagpatay at maraming kasong nakabinbin, at nahulihan ng tatlong baril, mga bala nito at isang granada sa kanyang bahay. Dala ng CIDG Rizal sa kanilang operasyon ang isang search warrant sa pagtungo sa isang…
Read More2 CASUALTIES SA BUMAGSAK NA AIR FORCE FIGHTER PLANE
ISANG Philippine Air Force fighter plane ang bumagsak kahapon ng umaga sa Pilar, Bataan at iniulat na may dalawang casualties na sakay, ayon sa hukbong panghimpapawid at Bataan PNP. Ayon kay Air Force spokesperson, Col. Ma Consuelo Castillo, isang SF 260TP Marchetti aircraft ang bumagsak bandang alas-10:34 ng umaga habang nagsasagawa ng recurrency/training flight sa area ng Pilar mula Sangley Point. May dalawang tauhan ng PAF ang sakay ng nasabing attack aircraft na nasa ilalim ng PAF 15th Strike Wing subalit tumanggi munang kilalanin ni Col. Castillo ang dalawang piloto at kung ano ang kanilang…
Read MoreHENERAL NA DAWIT PLAZA SLAY SIBAK
SA hangaring tiyakin ang patas na imbestigasyon hinggil sa pamamaslang sa isang prominenteng negosyante sa Davao City, sinibak na sa pwesto ang army general na una nang idinawit ng pulisya “person of interest.” Sa direktiba ni Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., laglag bilang Commander ng 1001st Infantry Brigade si Brig. Gen. Jesus Durante matapos lumutang ang kanyang pangalan sa talaan ng mga “persons of interest” sa pagpatay kay Yvonette Chua Plaza noong Disyembre 29 ng nakaraang taon. Bukod sa pagiging negosyante, kilala rin ang biktima sa larangan…
Read MoreTINGA ARESTADO SA P95K HALAGA NG SHABU SA TAGUIG
ANG suspek na si Bernardo Tiñga at ang droga at baril na nakumpiska umano sa kanya. DINAKIP ng mga tauhan ng Taguig City Police Sub-station 4 sa bisa ng search warrant ang isang umano’y miyembro ng Tiñga drug group kamakailan. Ang suspek na si Bernardo Tiñga ay sinilbihan ng search warrant na inisyu ng Taguig RTC Branch 15 ni Judge Byron San Pedro sa bahay nito sa P. Mariano St., Barangay Ususan. Nakuha sa 56-anyos na suspect ang isang kalibre .45 na baril, mga bala at diumano’y shabu na nagkakahalaga…
Read More