PUMANGATLO ang City of Manila sa mga Highly Urbanized Cities (HUCs) sa bansa na may pinakamalaking Gross Domestic Product (GDP) noong 2025, batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, umabot sa ₱1.06 trilyon ang GDP ng Maynila noong 2025, dahilan upang mapanatili nito ang posisyon bilang isa sa pinakamalalaking city economies sa bansa.
Batay sa ulat ng PSA na inilabas noong Oktubre 6, 2026, nanguna ang Quezon City at Makati City, habang pumangatlo ang Maynila.
Malaki ang ambag ng services sector sa ekonomiya ng lungsod, na bumubuo ng 77.4 porsyento ng kabuuang GDP nito, habang 22.6 porsiyento naman ang nagmula sa industry sector.
Kabilang sa mga nangungunang industriya sa Maynila ang wholesale at retail trade, kabilang ang repair ng motor vehicles, manufacturing at public administration.
Ayon sa datos, malaki rin ang naging ambag ng Maynila sa economic activity ng buong Metro Manila, na nagtala ng 14.6 porsiyentong paglago ng ekonomiya.
Ipinapakita umano nito ang mahalagang papel ng Maynila bilang isa sa pangunahing sentro ng economic activity sa Kalakhang Maynila.
(JESSE RUIZ)
89 