Sindikatong tanga, bulilyaso sa BOC P17-M SMUGGLED ONION IKINUBLI SA UKAY-UKAY!

Ni CREMA LIMPIN HINDI nakalusot ang panibagong tangkang pagpupuslit ng mga produktong agrikultura ang isang sindikato matapos masabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P17-milyong halaga ng mga sibuyas mula sa bansang Tsina, matapos ikubli sa likod ng isa pang ilegal na kargamento. Sa kalatas ng BOC, tinangkang palusutin sa Port of Manila ang tatlong dambuhalang container na nakatala sa dalawang kumpanya – ang SB Express Logistics at Business Solution Inc. Batay sa mga dokumentong kalakip ng mga nasabat na containers, idineklarang mga segunda-manong…

Read More

DRUG TEST PINANGUNAHAN NI PMGEN. ESTOMO

PINANGUNAHAN ngayong Biyernes ng hapon ni NCRPO Regional Director PMGEN Jonnel Estomo ang pagsailalim sa mandatory drug test kasama ang mga 3rd level officer ng Philippine National Police (PNP) sa Hinirang Multi-purpose Hall sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig. Layon ng nasabing aksyon ng mga ito na ipakita sa publiko na suportado nila ang adhikain ni DILG Secretary Benhur Abalos na linisin ang hanay ng pulisya laban sa mga protektor ng illegal drugs. Ipinagmalaki rin ni Estomo na 67 opisyales ng NCRPO ang nagpakita ng suporta kay Chief PNP Gen.…

Read More

MAGKUMPARE TIKLO SA SHABU

IBINALIBAG sa selda ang magkumpareng tulak matapos makumpiskahan ng umano’y shabu sa Caloocan City. Kalaboso ang mga suspek na sina Nasip Dipatuan y Acmad Saavedra, 28, at Roger Esplana y Alcala, 28, kapwa ng Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City. Natimbog ang dalawa sa operasyon ng mga awtoridad sa Camaro St., Barangay 175, Camarin, Caloocan City dakong alas-9:30 ng umaga noong  Enero 5, 2023. Umabot sa 10 gramo ng umano’y shabu na may presyong P68,000 ang nasamsam sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of…

Read More

TOP 7 MWP SA CALOOCAN NASAKOTE

SINAKOTE ng Caloocan City Police ang top 7 most wanted person na pinaghahanap dahil sa kasong rape, at 15 taon nang nagtatago, ayon sa pulisya. Dinamba ng mga awtoridad ang suspek na si Richard Salmorin y Divina, 32, sa Brgy. 178, Camarin, Caloocan City dakong dakong alas-11:30 ng gabi noong Enero 3, 2023. Dinakip si Salmorin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez y Briones, ng Family Court Branch 1, Caloocan City, na may petsang Oktubre 24, 2022. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso…

Read More

ARMY ENGINEERING BATTALION MINOBILISA PARA SA APEKTADO NG LPA

MINOBILISA ni Philippine Army chief, Lt. General Romeo Brawner ang lahat ng humanitarian assistance and disaster response units ng Hukbong Katihan para magbigay ng tulong sa mga komunidad sa Metro Manila at ilang bahagi ng Eastern Visayas na maaaring naapektuhan ng malakas na pag-ulan dala ng nararanasang Low Pressure Area o LPA. Ayon kay Army Spokesperson  Col. Xerxes Trinidad, pinakilos ng 525th Engineer Combat Battalion, 51st Engineer Brigade ang kanilang dalawang light urban search-and-rescue team para sa posibleng pagsasagawa ng  humanitarian assistance and disaster response para sa mga lugar na…

Read More

LALAKI TIMBOG SA P23K SHABU

RIZAL – Mahigit P29,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-drug operation sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito, noong Huwebes. Arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng Binangonan PNP ang suspek na si Geraldo De Jesus y Gabor alyas “Buwaya”, sa kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal. Nakumpiska sa suspek ang isang black coin purse na naglalaman ng 4 heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at P200 cash na ginamit bilang buy-bust money. Nasa kustodiya na ng Binangonan PNP ang suspek…

Read More

48,439 SENIORS SA ANGELES CITY TATANGGAP NG P1K CASH AID

UMABOT sa 48,439 registered senior citizens mula sa 33 barangays ang makatatanggap ng ₱1,000 cash assistance at Vitamin C mula sa city government ng Angeles City simula sa buwan ng Marso. Ayon kay Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., personal niyang pangungunahan ang isasagawang house-to-house distribution kasama ang Office for the Senior Citizens Affairs sa pamumuno ni Eduardo Torres, at Gender and Development Office head Mina Cabiles. Nabatid na ito na ang ika-4 na taon na ang lahat ng registered senior citizens sa lungsod ay tatanggap ng regular ₱1,000 cash assistance…

Read More

LPG TANK SUMABOG, MAG-AAMA SUGATAN

BATANGAS – Sugatan ang mag-aama nang sumabog ang LPG tank sa loob ng kanilang bahay sa Francisco Village, Brgy. 2, Lipa City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ng Lipa City Police ang mga biktimang sina Loreto Gutang, 40-anyos; ang 16-anyos na dalagita at isang 7-taong gulang na batang lalaki na parehong anak nito. Batay sa report, dakong alas-6:45 ng umaga, magluluto ng almusal ang ama nang biglang sumabog ang LPG tank nang buksan nito. Sa lakas ng pagsabog, nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima. Isinugod ang…

Read More

EQUIPMENT OPERATOR NADAGANAN NG PAYLOADER, PATAY

BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang heavy equipment operator nang madaganan ng kanyang minanehong payloader sa Brgy. Sawang, sa bayan ng Lobo sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Noel Lopez, 43, residente ng Brgy. Laiya, San Juan, Batangas . Batay sa report ng Lobo Police, dakong alas-1:30 ng hapon, minamaneho ng biktima ang payloader at patungo sa pag-rescue sa dump truck ng kanilang kompanya na nabalaho sa putikang bahagi ng kalsada. Subalit habang paakyat  ang payloader sa matarik at madulas na daan, hindi ito kinaya ng sasakyan…

Read More