BATANGAS – Patay ang isang 18-anyos na dalagang estudyante na bibili ng almusal nang masagasaan ng isang pampasaherong jeep sa Maharlika Highway, Brgy. San Juan, Sto. Tomas City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Andrea Mae Hernandez, residente ng naturang barangay. Ayon sa report ng Sto. Tomas Police, nasa gilid ng kalsada ang biktima at bumibili ng pagkain nang bigla na lamang itong salpukin ng rumaragasang jeep dakong alas-6:20 ng umaga. Dumanas nang grabeng pinsala sa katawan ang biktima na unang isinugod sa isang ospital sa San Pablo City. Pagkaraan…
Read MoreAuthor: admin 2
DATA ANALYST DINUKOT, 3 CHINESE TIMBOG
CAVITE – Arestado ang tatlong Chinese national na responsable sa umano’y pagdukot sa isang babaeng data analyst na kanilang kababayan, sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Huang Jun, 31; Huang Chen Bo, 24; at Chang Yu Pen, 22, pawang Chinese nationals, at mga residente ng Maryhomes Subdivision, Brgy. Molino 4, Bacoor City, umano’y kabilang sa grupong dumukot sa biktimang si Tong Wu, 28, dalaga, single, data analyst at residente ng Neijiang City, Sichuan, China Ang pag-aresto sa mga suspek ay bunsod ng sumbong na natanggap ng…
Read MoreManila Water announces desludging schedule for the 1st quarter of 2023
As the new year opens, Manila Water renews its commitment in providing wastewater services that are easily available to its customers, as it announces the schedule of its monthly desludging caravan for the 1st quarter of 2023. This January, Manila Water’s desludging services will be available in Barangay 765, 767, 775, 790, 791, 796, and 798 in the City of Manila, Barangay Bagong Ilog in Pasig City, Barangay Batingan and Mahabang Parang in Binangonan and Barangay Mahabang Parang in Angono, Rizal. For the month of February, the desludging caravan will go…
Read MoreSuspended Mayor, Daughter clashes with Cops as they enter Municipal Hall
The suspended Mayor of Bonifacio, Misamis Occidental and his daughter—a mayor herself as well—found themselves in a heated exchange with police officers who were allegedly preventing them from entering the municipal hall. The altercation was caught on video, where Bonifacio Mayor Samson Dumanjug and Tambulig, Zamboanga Del Sur Mayor Charlotte Dumanjug-Panal can be seen loudly telling off the officers. The latter can be heard threatening to file a VAWC (Violence Against Women and Children) case. Dumanjug-Panal seemed agitated in the video because the officers requested them to step out of…
Read MorePASSENGER VAN SUMALPOK SA UTILITY VAN, 17 SUGATAN
LUCENA CITY – Umabot sa 17 ang sugatan matapos na sumalpok ang isang pampasaherong van sa likuran ng sinusundang utility closed van sa Maharlika Diversion Highway sa Brgy. Bocohan sa lungsod na ito, noong Martes ng umaga. Ayon sa Lucena City Police, galing sa bakasyon sa Cataingan, Masbate ang mga sakay ng van at pauwi na sa Metro Manila nang mangyari ang aksidente dakong alas -6:30 ng umaga. Batay sa report ng Lucena PNP, magkasunod na tumatakbo ang dalawang sasakyan patungo sa direksyon ng Maynila nang mawalan ng preno ang pampasaherong van. Bumangga…
Read MoreHALOS 200K PAMILYA NAPINSALA SA SHEAR LINE
PUMALO na sa 170,970 ang bilang ng pamilya na apektado ng malakas na pag-ulan at pagbaha dahil sa shear line. Sa update report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na may katumbas na 681,493 indibidwal ang pamilyang apektado ng malakas na pag-ulan at pagbaha. Ang mga pamilyang ito, ayon sa NDRRMC ay nakatira sa 1,132 barangay sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ang pamilya na nananatili sa…
Read MoreFAVORITISM SA PHILMECH ITINANGGI NI DIR. ALVINDIA
ITINANGGI ni Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director IV Dr. Dionisio Alvindia, ang napaulat na “favoritism” sa PhilMech. Ayon kay Dir. Alvindia, ang bagong assignment ng walong PHilMech personnel sa mataas na position ay nararapat lamang dahil sila ang nakapagbigay ng mahusay at dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang trabaho sa PHilMech para sa kanilang stakeholders. Sinabi ni Dir. Alvindia, highly qualified at competent ang walo sa kanilang bagong position bilang Deputy Director at Division chiefs at ang mga ito ay lahat PHilMech employees at may mataas na…
Read MoreVLOGGER ARESTADO SA RAPE
CAVITE – Hawak na ng pulisya ang isang blogger at itinuturing na most wanted person (MWP) regional level dahil sa kasong rape sa Gen. Trias City makaraang madakip noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Daniel Butas y Tambulogan, 25, ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Si Butas ay kilala bilang Khifer Brosse sa kanyang “Khifer Official Vlog”. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang inaresto ang suspek sa kanyang bahay sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu…
Read More12 KILONG SHABU NASABAT SA NAIA
MILYON-MILYONG halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay, Huwebes ng hapon. Dinakip ang hindi muna pinangalanang babae na sinasabing courier ng droga na nakalagay umano sa initan ng tubig. Base sa ulat ng Bureau of Customs na nakabase sa NAIA, bandang alas-4:00 pasado nang tangkain umanong ipuslit ang droga. Sa pagbeberipika ng airport authorities ay nadiskubre ang nasa 12 kilong hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P6.8 milyon. Nasa kustodiya na ng BOC ang suspek habang isinasailalim sa patuloy na imbestigasyon…
Read More