11TH OFWs AND FAMILY SUMMIT DINAGSA

DINAGSA ang 11th OFW and Family Summit ngayong Biyernes sa The Tent sa Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City. Bukas ang summit sa lahat ng overseas Filipino workers at kanilang pamilya, na inaasahang magbibigay ng pagkakataon na makatuklas ng iba pang oportunidad na maaaring pagkakitaan tulad ng negosyo at iba pang investments. Ang lahat ng nagparehistro ay may pagkakataong manalo ng house and lot mula sa Camella, motorcycle, grocery package, at iba pang gift prizes. May mga booth din dito para sa mga problema ng OFWs upang…

Read More

PBBM NANAWAGAN SA WORLD LEADERS PARA SA DIGITALIZATION NG MSMEs

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng world leaders na palakasin ang suporta para sa digitalisasyon ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs),  na aniya’y prayoridad ng kanyang administrasyon. Sa kanyang naging interbensyon sa  isinagawang  APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) Retreat Session, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang  “importance of adapting to e-commerce” kasabay ng pagtukoy sa papel ng MSMEs  na gagampanan sa muling  pagbuhay sa  ekonomiya, paglikha ng  employment opportunities, at pagpapagaan sa kahirapan. “However, they continue to face systemic problems and structural challenges heightened by the…

Read More

Sa pagbisita ni US VP Harris MPD NAKAALERTO VS KILOS-PROTESTA

BUONG puwersa ng Manila Police District ang naka-alerto kaugnay ng posibleng kilos-protesta hinggil sa pagbisita ni US vice President Kamala Harris sa bansa. Ayon kay MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, kasado na ang kanyang mga tauhan sa pagbisita ng bise presidente ng Estados Unidos, at nakaantabay na ang District Mobile Force Battalion, sa pangunguna ni Police Colonel Julius Anoñuevo. Iniutos nito ang mahigpit na pagbabantay hinggil sa posibilidad na pagsasagawa ng kilos-protesta mula sa hanay ng militanteng grupo. Gayunman, sinabi ng heneral na ipatutupad ng mga awtoridad…

Read More

ANOMALYA SA FDA MULING PINUNA

MULING kinalampag ni Senador Raffy Tulfo ang Food and Drugs Administration (FDA) kaugnay sa mga isyu ng katiwalian sa ahensya partikular sa pag-iisyu at renewal ng certificate of product registration. Sa impormasyon ni Tulfo, nasa P5 milyon hanggang P20 milyon ang naging ‘asking price’ mula sa  isang pharmaceutical firm  para mapadali ang renewal ng CPR mula sa FDA na natengga na ng tatlo hanggang limang taon. Aminado naman ang bagong talagang FDA director general Samuel Zarate, na nakakadismaya ang naturang impormasyon at nangako na agad itong paiimbestigahan. “Kung ‘yan po…

Read More

‘EARTH-SHAKING REFORMS’ HAMON SA CHED

HINAMON ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Biyernes ang Commission on Higher Education (CHED) na lumikha ng panibagong “earth-shaking” reforms sa higher education sector upang gawing mas competitive ang mga unibersidad kasama ang college graduates ng bansa kumpara sa mga kasabayan nito sa Asya. Sa isang manifestation sa Senate debate hinggil sa 2023 CHED budget, nanawagan si Cayetano sa opisyal ng komisyon na sikaping gumawa ng mas makabagong polisiya para sa sektor ng edukasyon, katulad aniya ng Unified Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST). “We want to challenge CHED,…

Read More

P149.6-M shabu nasamsam FRENCH, CANADIAN AT PINOY ARESTADO SA DRUG LAB SA POSH RESIDENTIAL AREA

SINALAKAY ng Philippine Drug Enforcement Agency led  joint anti-illegal drug operation ang isang drug laboratory, katuwang ang military at pulisya, na nagresulta sa pagkakadakip sa isang Canadian, isang French national at isang kasabwat na Pilipino nitong Biyernes sa isang posh residential area sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City. Tinatayang 22 kilograms ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na P149,600,000, ang nakumpiska ng multi-agency law enforcers kahapon ng madaling araw sa nasabing upscale neighborhood sa  Ayala-Alabang Village. “This group used a modified setup for manufacturing shabu. The…

Read More

KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE SA F2F CLASSES PINATITIYAK SA CHED

BAGAMA’T suportado ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang panibagong memorandum ng Commission on Higher Education laban sa full online classes sa tertiary level, muling iginiit ng senador na dapat iprayoridad pa rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante. Kumpiyansa si Go na nakabatay sa good science ang desisyon ng CHED at dapat tiyakin na hindi rin maipapasa sa mga estudyante ang responsibilidad na matiyak ang maayos  na mga hakbangin sa pagbabalik sa normal ng pag-aaral. Muling binigyang-diin ng senador na dapat manatili pa ring sumunod sa health protocols at…

Read More

5 PATAY SA SUMABOG NA PAGAWAAN NG PAPUTOK SA CALAMBA, LAGUNA

LIMA ang kumpirmadong nasawi sa pagsabog ng isang bahay na ginawa umanong ilegal na pagawaan ng paputok sa   Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa Calamba City police, pasado alas-10:15 ng umaga nang mangyari ang pagsabog na sinundan ng sunog sa Sitio Majada In, Brgy. Canlubang na isang residential area. Kinilala ang mga nasawi na sina Leticia Corral, 83-anyos; James Delluson, 22; Ryan James Gutierrez, 18; Kenneth Buebo, 24. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ikalimang biktima. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire out dakong…

Read More

P1-M SHABU NASAMSAM SA HVI

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Michael Angelo Ricanor Cecilio, alias “Ducay”, 30, binata, isang window blind installer, at residente ng Brgy. Pulang Lupa II, Las Piñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang pwersa ng RPDEU 4A, PDEU CAVPPO, Bacoor CPS Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at PDEG SOU4 sa…

Read More