KALABOSO ang isang 40-anyos na babae nang makumpiskahan ng P170,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City. Inaresto si Jocelyn Otano alyas “Josephine”, sa operasyon sa Riverside, Phase 12, Brgy. 188, ng lungsod, matapos ingusong nagtutulak umano ng shabu. Isang undercover cop ang nakaiskor ng P7,500 halaga ng umano’y shabu mula sa suspek kaya dinamba ito ng mga parak. Nakuha sa pag-iingat ni Otano, ang 25 gramo ng hinihinalang shabu, at buy-bust money. (ALAIN AJERO) 530
Read MoreAuthor: admin 2
Buking sa pagkuha ng police clearance NAIS MAKI-TUPAD WANTED ARESTADO
NAGWAKAS sa bangungot sa karsel ang pangarap ng isang lalaki na makasali sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng pamahalaan, nang damputin makaraang mabuking na may warrant of arrest nang tangkaing kumuha ng local police clearance sa Navotas City. Ibinalibag sa selda si Kenneth Cubos Lozada, 22, ng M. De Vera St., Brgy. Sipac-Almacen, ng lungsod, na kasama sa talaan ng most wanted persons sa siyudad. Nabatid, nag-apply para sa police clearance si Lozada sa Navotas Police Station sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen subalit nabuking na mayroon…
Read MoreRIDER KRITIKAL SA TUMBOK NG TAXI
KRITIKAL sa pinagdalhang pagamutan ang isang hindi pa kilalang rider makaraang makasalpukan ang isang taxi sa pagitan ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita, Manila Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property ang driver ng taxi na si Artemio Talacay. Base sa ulat na nakarating kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa intersection ng United Nations Avenue at Romualdez Street sa Ermita. Ayon sa imbestigasyon ng Traffic…
Read More7 TIKLO SA SUGAL, BARIL SA MAYNILA
PITONG kalalakihan ang nadakip sa ilegal na sugal, isa sa mga ito ay nakumpiskahan ng baril, sa ikinasang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District kaugnay sa ipinatutupad na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Sta. Cruz, Manila nitong Sabado ng umaga, Isa sa mga suspek na naaktuhan habang nagsusugal ng cara y cruz, ang nakumpiskahan ng .38 kalibreng baril na kinilalang si Enrique Ilanan, 46-anyos, electrician, at residente ng Sta. Cruz, Manila. Bukod sa kasong paglabag sa Presidential Degree 1602 …
Read MoreGINANG PATAY SA 2 HOLDAPER
BULACAN – Patay ang isang 55-anyos na ginang matapos holdapin at pagbabarilin ng isa sa dalawang armadong robbery suspects noong Biyernes ng umaga sa Barangay Malis, sa bayan ng Guiguinto sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Jowilouie Bilaro, hepe ng Guiguinto Police, ang biktimang si Imelda Cabigting, may asawa, vendor, residente ng Brgy. Malis ng nasabing bayan. Arestado naman sa isinagawang pursuit operation ng Guiguinto Police, ang mga suspek na sina Juan Mejica alyas “Bakal” ng Phase 2, Northville 7, at Leonard Manota, residente ng Sta. Clara Estate, Guiguinto.…
Read MoreMISSING CAFGU BANGKAY NA NAHUKAY SA QUEZON
QUEZON – Makaraan ang ilang araw na pagkawala ng isang miyembro ng CAFGU, natagpuan ang bangkay nito na nakabaon sa magubat na lugar sa Barangay Masalukot III, sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Biyernes ng tanghali. Batay sa report ng Candelaria Police, isang barangay tanod ang nadiskubre sa bangkay na nakabaon sa isang mababaw na hukay sa Sityo Trenta y Siete Ilaya sa nasabing barangay. Kinilala ito na si Joven Borja Non, residente ng Barangay Masalukot, isang CAFGU na nakatalaga sa Patrol Base ng 2nd Platoon ng 8th CAA…
Read More2 ARAW NA SPECIAL VACCINATION DRIVE, INANUNSYO NG DOH
INANUNSIYO ng Department of Health (DoH) ang isasagawang dalawang araw na special COVID-19 vaccination drive na tinawag na “Bakunahan Bayan II”. Magsisimula ang nasabing vaccination drive sa Disyembre 5 hanggang Disyembre 7 na ang target ng bakuna ay ang mga bata na nasa edad lima hanggang 7 taong gulang. “Ang target po natin dito ay more of the 5-11 years old and the first booster. Para ma-reach natin ‘yung target natin for 5-11 and the booster doses,” pahayag ni Health Usec. Nestor Santiago. Base sa datos ng DoH, nasa 73.6…
Read MoreVALENZUELA NAKIISA SA WORLD TOILET DAY
NAKIISA ang Valenzuela City sa pag-alala sa Araw ng Kubeta o World Toilet Day nitong Sabado, Nobyembre 19. Ayon sa pamahalaang lungsod, batay sa United Nations (UN) Water, 3.6 bilyong tao pa rin sa buong daigdig ang walang ligtas na napamamahalaang sanitasyon. Ang taunang pag-alala ng UN ay nagtatampok sa pandaigdigang krisis sa sanitasyon, sa gitna nang patuloy na banta sa kalusugan at kapaligiran ng hindi sapat na sanitasyon, lalo sa mahihirap na mga komunidad “Let us continue to champion safe sanitation for all – we all deserve kuBETTER! #WorldToiletDay,”…
Read MoreHalos P150-M shabu nakumpiska; 5 suspek arestado sa Muntinlupa
Limang katao ang arestado habang umaabot sa halos P150 milyon ang halaga ng mga hinihinalang shabu na nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs Manila International Container Port-Intelligence and Investigation Service (BOC MICP-CIIS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa magkasunod na operasyong ikinasa sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City kamakalawa ng hatinggabi. Ayon kay PDEA Assistant Secretary at officer-in-charge Gregorio R. Pimentel, na nanguna sa pagsalakay, nag-ugat ang operasyon sa natanggap nilang…
Read More