QUEZON – Patay ang isang konsehal ng bayan ng Dolores sa lalawigang ito, matapos na pagbabarilin nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Orlando Barsomo, 47-anyos, ng nasabing lugar. Batay sa inisyal na report ng Dolores Police, dakong alas-3:15 ng madaling araw, naglalakad ang konsehal hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Brgy. Dagatan sa nasabing bayan, nang pagbabarilin ito ng hindi pa matiyak na bilang ng mga armado. Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis namang tumakas…
Read MoreAuthor: admin 2
PETC OPERATORS UMAAPELA SA LTO
UMAAPELA sa Land Transportation Office (LTO) ang mga operator ng Private Emission Testing Center (PETC), kasapi sa Environmentalist group na Alagaan Natin Inang Kalikasan (AniKalikasan) para sa agarang pag-apruba sa paggamit ng Gas Analyzer and Diesel Fed Opacimeter na angkop para sa testing ng Euro IV and emission standard o ang higher tier standard. Ito ang minimum emission equipment required na pamamaraan para sa gasoline-fed vehicles. “We already wrote a letter to LTO Executive director Bona but until now we didn’t receive any reply, we are trying to get modern and high technology…
Read MorePERSONNEL, 2 MANANAYA ARESTADO SA ILLEGAL HORSE RACING
SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District at mga tauhan ng Games and Amusements Board (GAB) ang ilegal na karera ng kabayo sa Tondo, Manila. Naaresto sa operasyon sina Maria Angelica, 31, personnel; alyas “Almer”, 47, jeepney driver at Reynaldo, 66-anyos, na kapwa mananaya. Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, bandang 8:30 ng gabi nang salakayin nila ang illegal na bookies ng karera sa Franco St., Barangay 65, Zone 6 sa Tondo katuwang ang mga tauhan ng…
Read MoreDUWELO SA QC: TSUPER PATAY SA KAPWA TSUPER
TALIWAS sa karaniwang tagpo sa pelikula, maagap na nadakip ng pulisya ang isang tsuper na huli sa akto ng pananaksak sa kapwa drayber sa Barangay San Isidro, Quezon City. Bagamat naisugod pa sa pagamutan, agad din binawian ng buhay ang biktimang si Michael Adriano Pamandanan, 36-anyos na tsuper mula sa lugar ng pinangyarihan. Agad namang nadakip ang suspek na si Julius Labriaga, 28, binata, tricycle driver, tubong San Jose Del Monte, Bulacan at nakatira sa Sampaloc, Maynila. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District…
Read MorePASAHERO NAMATAY HABANG NAKAPILA SA NAIA
DEAD on arrival sa isang pagamutan sa Pasay City ang isang babaeng pasahero matapos mawalan ng malay habang nakapila sa Immigration area counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1. Ayon sa report ng Philippine National Police (PNP) AVSEGROUP, kinilala ang biktimang si Myrna Agnas, 68, residente ng Hamoraon, Minalabac, Camarines Sur. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, patungong Singapore ang biktima at nakasakay sa wheelchair patungong Immigration area counter nang makaramdam ng pagkahilo at nawalan ng malay dakong alas-3:15 ng madaling araw habang itinutulak ng attendant ang…
Read More2 BEBOT TIMBOG SA CYBERCRIME
SWAK sa selda ang dalawang babae makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT) sa Ermita, Manila matapos ireklamo ng isang 32-anyos na binatang estudyante hinggil umano sa pananakot na ipagkakakalat ang mga larawan at usapan nila ng kanyang kasintahan sa social media. Bandang alas-4:00 noong Miyerkoles ng hapon, pinangunahan ni Police Major Reynaldo T. Salim, hepe ng MDACT, ang ikinasang entrapment operation sa isang fastfood restaurant sa panulukan ng Taft Avenue at Pablo Ocampo Street laban sa mga suspek na sina alyas “Marie”, 19, at alyas…
Read MoreELECTION SUMMIT 2023 IKAKASA NG COMELEC
PINAGHAHANDAAN na ng Commision on Elections (Comelec) at iba pang election stakeholders ang pagdaraos ng Election Summit sa 2023. Sa pangunguna ni Chairman George Garcia, nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagdaraos ng summit kasama ang mga poll watchdog, civil society groups at non-government organizations. Kasama sa mga lumagda sa MOA ang National Movement for Free Elections (NAMFREL), Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, Legal Network for Truthful Elections (LENTE), at iba’t iba pang poll watchdogs at civil society organizations. “Nakipagkapit-bisig tayo sa lahat ng civil…
Read MoreRIDER BUMULUSOK SA TULAY, PATAY
CAVITE – Lumipad sa kanyang kamatayan ang isang rider nang bumulusok ang minamanehong motorsiklo sa isang tulay sa Imus City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa Imus Hospital ang biktimang si Marvin Arispe y Tubiera, nasa hustong edad, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police, dakong ala-1:40 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Daang Hari Road patungo sa direksyon ng Gen.…
Read MoreP1.5-M MARIJUANA, TIMBOG SA HVI SA ANTIPOLO
ANTIPOLO CITY – Nakumpiska ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), kasama ang PDEA Region 4A, at mga tauhan ng Antipolo City Police, ang P1.5 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa Brgy. San Roque, sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi. Base sa report ng Antipolo City Police, naaresto sa nasabing buy-bust operation sa kanyang bahay sa nabanggit na lugar ang high value individual (HVI) drug personality na si Lester De Borja, alyas “Kuya”. Nakumpiska sa suspek ang 13 plastic ng tinatayang 13 kilo ng marijuana…
Read More