PATAY ang dalawang batang magkapatid sa insidente ng sunog sa Valenzuela City nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang magkapatid na sina Linea Deocacion, 9, at Leana Casey Deocacion, 3-anyos. Ayon sa ulat, kalahating oras lamang tumagal ang sunog sa Urrutia St., Brgy. Gen. T. De Leon, ng lungsod, na kumitil sa buhay ng mga batang nakulong sa banyo ng kanilang nasusunog na bahay. Faulty electrical wiring ang sinasabing ugat ng sunog na umabot sa ikalawang alarma. Lumabas umano ang ina ng mga bata na si Leny Rose Deocacion upang patayin ang…
Read MoreAuthor: admin 2
Businesswoman nakipagbarilan sa mga pulis KASAMBAHAY PATAY SA CROSSFIRE
HINIHINALANG namatay ang isang 20-anyos na kasambahay nang maipit sa pakikipagpalitan ng putok ng kanyang among 35-anyos na negosyante habang lulan ng Ford Ranger pick-up, sa nagrespondeng mga pulis sa Mindanao Avenue malapit sa Mindoro St. sa Sampaloc, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng pulisya, pinagbabaril umano ni alyas “Kirstie”, dalaga, ng San Carlos Heights, Irisan, Baguio City, ang bahay ni P/Major Rommel Purisima ng Manila Police District. Bunsod nito, nagresponde ang mga tauhan ng Station Tactical Motorized Riding Unit (STMRU) ng Sampaloc Police Station ngunit…
Read MoreA LITTLE DISKARTE GOES A LONG WAY WITH BAJAJ!
As the end of 2022 fast approaches, the tradition of gift-giving with our friends and family comes alive. Yet, a much more fulfilling way to celebrate this tradition is if you gift yourself with Bajaj Maxima Z, an investment for extra income and a multi-purpose diskarte in your livelihood. The Torrecmocha family, who hails from Bohol, started with a traditional tricycle. This husband-wife tandem quickly recognized the opportunity of earning more with the right partner in diskarte. They needed a multi-purpose three-wheeler that is flexible and durable for their hustles.…
Read MoreP6B NG DOF 2023 BUDGET INILAAN SA BOC – DIOKNO
GANAP nang inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukalang P30.57 bilyong budget ng Department of Finance (DOF), ayon mismo kay Finance Secretary Benjamin Diokno kasabay ng isang pahayag ng pasasalamat sa metikuloso subalit mabilis na proseso sa deliberasyon ng mga kongresista. “Many thanks to the Committee on Appropriations and our legislators for their careful deliberation of our budget. This will allow us to modernize our main revenue agencies and push for key economic reforms for robust and inclusive growth,” ani Sec. Diokno. Sa kinatigang P30.57 billion DOF budget para sa…
Read MorePUSLIT DROGA SA SUBIC, SA BUTAS NG KARAYOM DADAAN – COLLECTOR MARTIN
MISTULANG butas ng karayom ang pagdaraanan ng mga sindikato sa mga tangkang pagpuslit ng droga sa Port of Subic, babala ni District Collector Marites Martin ilang saglit matapos ang pulong kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa naturang pag-uusap, kapwa pinaboran ng Bureau of Customs – Port of Subic at PDEA ang mas malalim na ugnayan at koordinasyon sa hangaring tuluyan nang tuldukan ang mga sindikato sa likod ng drug smuggling sa bansa. Kabilang naman sa mga ibinida sa naturang pulong ang Trace Detection System na gamit ng POS…
Read MoreEXPRESS LANES PARA SA MGA DIGNITARYO
SA hangaring paigtingin ang ugnayan ng Pilipinas sa iba pang estado, isang mekanismo ang binalangkas ng Bureau of Customs (BOC) para sa mas pinabilis na proseso ng mga kargamento at bagahe ng mga dayuhang dignitaryo at embahadang nakabase sa Pilipinas. Sa kalatas ng BOC, inatasan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) na itaguyod sa tulong ng Informal Entry Division ang One-Stop-Shop sa 19 BOC collection district offices sa iba’t ibang panig ng bansa. Una nang napagkasunduan sa isang pulong na dinaluhan ng Department…
Read MoreDELIVERY NG NATENGGANG BALIKBAYAN BOX PASPASAN
ALINSUNOD sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, paspasan at puspusan na ang isinasagawang pagre-release ng Manila International Container Port (MICP) sa mga nakatambak na balikbayan boxes na natengga bunsod ng kapalpakan ng mga pribadong consolidator na nakabase sa ibang bansa. Sa datos ng MICP, 19 na containers na naglalaman ng mga balikbayan box na padala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa kani-kanilang pamilya na lang ang hindi pa nadadala sa nakatalang tirahan ng mga kaanak. Una nang inatasan ni Ruiz ang mga kinauukulang tanggapan na madaliin ang…
Read MoreSa pagtatapos ng 2022 HALOS P1-TRILYON PUNTIRYA NG BOC
Ni JOEL O. AMONGO KUMBINSIDO ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na higit pa sa itinakdang P733-bilyong target collection ang kanilang maitatala sa pagtatapos ng kasalukuyang taon. Sa isang pulong-balitaang kamakailan, buong kumpiyansang sinabi ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na aabot sa P968 bilyon ang malilikom na pondo ng kawanihan sa puspusang implementasyon ng mga angkop na reglamentong kalakip ng dagsang kargamento sa nalalabing 75 araw ng taong 2022. “We can definitely hit our target, we can exceed it by around 30 to 32 percent,” ani Ruiz sa…
Read MoreP15M BENTA TARGET NG 24TH LIKHA NG CENTRAL LUZON
ANG Likha ng Central Luzon trade fair ngayong taon ay nagnanais ng P15-milyon na benta ng produkto mula sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Ang ika-24 na edisyon ng Likha ay nakatakda sa Oktubre 26-30 sa MegaTrade Hall B ng SM Megamall kung saan inaasahang lalahok ang hindi bababa sa 143 MSMEs. Sinabi ni DTI Small and Medium Enterprise Development Division chief Warren Serrano na ang aktibidad ngayong taon ay magkakaroon ng mas maraming non-food na kalahok sa Rehiyon 3.…
Read More