UNANG hinagupit ng Super Bagyong Karding ang extreme Northern Quezon kabilang ang mga islang bayan sa Polillo Group of Islands at ang Real, Infanta at General Nakar (Reina) Area. Ayon kay Quezon PDRRMO head Dr. Mel Avenilla, dakong alas-3 ng hapon nang magsimulang lumakas ang hangin na may kasamang pag-ulan sa mga islang bayan ng Polillo, Panukulan, Patnanungan Burdeos at Jomalig na pawang nasa karagatan na nakaharap sa dagat Pasipiko. Sa bayan ng Jomalig, halos 80 porsyento na ng mga residente ng 5 barangay ang nasa mga evacuation center. Ang…
Read MoreAuthor: admin 2
MAG-INA, PAMANGKIN HULI SA P1.6-M DROGA
RIZAL – Arestado ang mag-ina at pamangkin makaraang makumpiskahan ng P1.6 milyong halaga ng ilegal na droga sa anti-illegal drugs operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A – Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Joana Babasa y Cielo alyas “Joan”, high value individual; Ana Mae Oliva y Babasa, at Neavie Guzman y Babasa, pawang nakatira sa Brgy. Ampid sa nasabing bayan. Ayon kay…
Read MoreP612K DROGA NASABAT SA TULAK, ADIK SA RIZAL
RIZAL – Kalaboso ang 9 na katao makaraang makumpiskahan ng 150 gramo ng umano’y shabu sa anti-drug operation ng mga operatiba ng Cainta PNP noong Sabado sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A – Regional Director, P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Mary Claire Gamoza Rivera, Leslie Atienza Noche, Manuel Tutal Hibay, Alexie Paolo Santos Nilo, Jean Michael de Jesus Ealdama, Erwin Tudla Naval, Erwin Mina Angeles, Joy Dait Bernabe at…
Read MoreIkinulong ng employer? 2 CHINESE, NAGPASAKLOLO SA CAVITE POLICE
CAVITE – Nagpasaklolo sa Cavite Police ang dalawang Chinese national na umano’y ilegal na ikinulong sa kanilang pinagtatrabahuan at hindi pinapasuweldo ng halos limang buwan sa Bacoor City, noong Linggo ng madaling araw . Kinilala ang mga biktimang sina Hao Chen, 30, at Jiaxin Liu, 34, kapwa customer service ng Brickhartz Technology Inc. sa Shuanama Industrial Park, Bacoor Boulevard, Brgy. Niog III, Bacoor City, Cavite Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes Jr. ng Bacoor City Police, nabunyag ang nasabing aktibidad dahil sa reklamo nina Vanessa Joy Bayog at Jackie Casas…
Read MoreILEGAL NA SUGAL SA MINDORO ‘DI MASUGPO NI GEN. HERNIA?
PATULOY ang operasyon ng ilegal na sugal partikular ang jueteng sa lalawigan ng Oriental Mindoro sa kabila ng isinagawang panghuhuli kamakailan ng mga tauhan ni Police Regional Office (PRO4B) Regional Director PBGen Sidney Hernia. Ayon sa mga nagrereklamong residente, matapos ang hulihan ay ilang araw nahinto ang bolahan ng jueteng na ang ginagamit ay Peryahan ng Bayan. Ngunit ngayon ay tuloy na naman umano ang ligaya sa ilegal na sugal sa labing-apat na bayan at isang siyudad sa Oriental Mindoro. Banggit pa ng mga nagrereklamo, ang jueteng na nakatago sa…
Read MoreBAGONG PCP SA PORT AREA, MANILA PINASINAYAAN
PINANGUNAHAN ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang inagurasyon ng bagong Police Community Precinct sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Binasbasan ni Fr. Asis Bahaw ng Baseco Sto. Niño Church ang itinayong Riverside PCP sakop ng MPD- Station 13 sa Blk. 15 Brgy. 649 Baseco, bandang 9:00 ng umaga. Dumalo sa okasyon sina PCol. Raul M Tacaca, Deputy Director for Administration, PCol. Arnold Thomas Ibay, chief Directorial Staff at si PCol. Igmedio Bernaldez. Naroon din sina PLt. Col. Rodel Borbe, Station Commander ng MPD- Station…
Read More2 ARESTADO SA ‘BUGAWAN’ SA FB
NASADLAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa umanong bugaw makaraang bitbitin ng mga tauhan ng NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) sa Antipolo City dahil sa human trafficking. Sa nasabing pagsalakay ay nasagip ang walong kababaihan kabilang ang limang menor de edad. Nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2002 ang dalawang suspek na kinilalang sina Ronneth Tolentino at Rent Tumbali. Base sa ulat na isinumite ng NBI-AVAWCD kay NBI Director Medardo De Lemos, ang mga suspek na gumagamit ng pangalang “Trixie Tolentino”…
Read MoreVALENZUELA COVID VACCINATION, KANSELADO DAHIL SA BAGYO
ISINAILALIM na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 2 ang Metro Manila na nakasasakop sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area dahil sa Bagyong Karding. Bunsod nito, nagdeklara ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ng Red Alert. Bilang precautionary measure, kinansela ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang lahat ng COVID-19 vaccination activities para sa Setyembre 25. Sa kaugnay na kaganapan, naglabas ng high tide alert ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa Setyembre 25 sa 1.6 meters sa oras na…
Read More2 WANTED ARESTADO SA MPD SACLEO
DALAWANG wanted person ang magkasunod na nadakip sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng MPD Moriones Police Station 2, ayon sa direktiba ni Manila Police District- Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at sa Sampaloc, Manila, noong Sabado. Unang inaresto bandang alas-10:30 ng umaga sa tapat ng Pasay City General Hospital ang suspek na si John Robin Padilla, 31, ng Brgy. 4, Zone 2, Pasay City. Ayon kay Police Lieutenant Harry Ruiz Lorenzo III, station commander, ang suspek na si Padilla…
Read More