LINGGUHANG PAGTAAS NG COVID-19, DUMOBLE SA NCR

TULOY-TULOY ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) makaraang makapagtala ng 1,600 bagong impeksyon noong Linggo, Setyembre 25, ayon sa OCTA Research Group. Ang naturang numero ay mas mataas sa peak na 1,502 kaso noong Agosto 7, saad pa ni OCTA fellow Dr. Guido David. Tumaas din ang ‘one-week growth rate’ sa Metro Manila sa 25% noong Setyembre 25 na halos doble ng 13% noong Setyembre 18. Maging ang ‘reproduction number’ ay tumaas din sa 1.30 nitong Setyembre 22 mula sa 1.21 noong Setyembre…

Read More

PNP KINALAMPAG SA TALAMAK NA PERYAHAN NG BAYAN

pnp

KINALAMPAG ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na ipatigil ang operasyon ng Peryahan ng Bayan o PnB at arestuhin ang mga sangkot sa naturang ilegal na aktibidad. Sa liham ni PCSO General Manager Mel Robles sa PNP na may petsang 29 August 2022, hiniling niyang sugpuin ang operasyon ng PnB numbers game na kumakalat umano sa buong bansa bagaman malaon na itong pinatigil ng PCSO, alinsunod sa Board Resolution No. 51, Series of 2016. Napag-alaman na ang Peryahan ng…

Read More

3 PROVINCIAL MWPs DINAKMA SA CAVITE

CAVITE – Dinakma ng mga tauhan ng Cavite Police ang tatlong most wanted persons (MWPs), kabilang ang isang menor de edad, sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Aljon Borlagdaton y Marteja, 24, isang alyas “Jay”, 17, kapwa construction worker, at Victorious Baylosis y Blanca,  29, isang security guard. Si Borlagdaton at alyas “Jay” ay naaresto dakong alas-6:00 ng gabi sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, ng mga operatiba ng RID 4A-RIT/RSOU (lead unit), RMFB 4A-HQ at Dasmariñas CPS, dahil sa kasong homicide.…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA BAGYONG KARDING SA QUEZON

NAGTALA ng isang nasawi at isa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Karding sa lalawigan ng Quezon. Batay sa report mula sa Quezon PNP, nasawi ang 70-anyos na si Eli Alberto matapos matabunan sa landslide sa Sityo Subok, Barangay Aluyon, bayan ng Burdeos, dakong alas-7:30 ng gabi. Narekober ng mga tauhan ng Burdeos PNP katulong ang mga barangay official ang katawan ng biktima nitong Lunes ng umaga. Samantala, sugatan ang barangay kagawad na si Jonathan Santoalla matapos na mahulog mula sa bubong ng kanyang bahay sa Barangay Bañadero sa bayan…

Read More

P15K PRODUCTION SUBSIDY PINAHAHABOL SA DA BUDGET

NAIS ng dalawang militanteng mambabatas sa Kamara na ihabol sa budget ng Department of Agriculture (DA) ang P15,000 production subsidy sa mga magsasaka lalo na ang mga sinalanta ng bagyong Karding. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, tinataya ng DA na 1.7 milyong ektarya ng pananim na ang nasalanta ng bagyong Karding noong Linggo kung saan 1.5 milyon dito ay palayan. “Dapat hanapan ng pondo ang signipikanteng production subsidy sa ating mga magsasaka. Malaki ang nalugi sa kanila sa Rice Tariffication Law at mahal na presyo ng langis, at…

Read More

SIKLISTA SA MAYNILA SINURO NG SUV

HALOS hindi makagalaw ang isang 23-anyos na binata makaraang tumilapon sa kalsada nang masagi ng isang sports utility vehicle (SUV) sa eastbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa panulukan ng V. Mapa Street sa Sta. Mesa, Manila. Isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Diosdado Tagalog y Delatado, residente ng Sampaloc, Manila. Habang isinasailalim naman sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng kotseng Lexus na may plakang NCO-1380, na si Gerwin Bryan Go y Ang, residente ng San Juan City. Base sa ulat…

Read More

3 SUGATAN SA BANGGAAN NG TREN AT CRANE

TATLO ang sugatan, kabilang ang isang pasaherong matandang babae, makaraang magbanggaan ang PNR train, at ang isang crawler crane sa northbound lane ng Antipolo railroad track malapit sa G. Tuazon Street, Sampaloc, Manila nitong Lunes ng umaga. Isinugod sa Chinese General Hospital ang mga biktimang sina Esperanza B. Mozo, 68, biyuda, pasahero; Ronnel Jay Bajaro, konduktor ng tren, at Melfarzar Delos Santos y Sisno, operator ng tren. Base sa imbestigasyon ni P/Cpl. Eric Jay Despabiladero ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nangyari ang insidente bandang alas-8:35 umaga sa nabanggit…

Read More

246 VALENZUELANO TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE

UMAABOT sa 246 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng livelihood assistance sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD). Ang Livelihood Assistance Grant (LAG) ay isa sa mga pagsisikap sa rehabilitasyon at tulong ng pambansang pamahalaan sa mga karapat-dapat na mga indibidwal na ang kabuhayan ay naapektuhan ng pandemyang COVID-19. Ito ang mga gustong magtayo ng proyektong pangkabuhayan o mayroon nang microenterprises at maliliit na negosyo ngunit kapos sa puhunan o naubos ang kanilang kapital habang nilalabanan ang pandemya. Ang LAG ay…

Read More

BF HOMES, HINDI PWEDENG ISARA – LAS PINAS RTC

MANANATILING bukas sa mga residente ng lungsod ng Las Piñas ang kalsadang sakop ng isang private subdivision makaraang palawigin ng korte ang Temporary Restraining Order (TRO) para sa mga motoristang mayroong “friendship stickers” na batay sa ordinansa ng lungsod. Ayon kay Sen. Cynthia Villar, pinalawig ng 20 araw (mula sa 72 oras) ng Las Pinas Regional Trial Court (RTC) ang pagpasok ng mga motorista sa Onelia Jose Street na nagdurugtong Zapote, Cavite Expressway  sa kabila ng pagtutol ng bagong pamunuan ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI). Ani Villar,…

Read More