PAGKAMATAY NG INARESTONG TULAK, INIIMBESTIGAHAN

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang 22-anyos na lalaking inaresto dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, matapos na ideklarang  dead on arrival sa ospital sa Dasmariñas City, Cavite noong Huwebes ng gabi.   Dead on arrival sa Southern Tagalog Regional Hospital si John Glester Sereneo na naaresto dahil sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon sa ulat ni Corporal Fidel Querijero III ng Dasmariñas City Police, pasado alas-9:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust…

Read More

3 CRIME GROUP MEMBERS, NALAMBAT NG CIDG

TATLO katao ang nadakip nang salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – Calabarzon ang hide-out ng umano’y criminal group na nagtatago ng sari-saring armas at pampasabog sa Barangay Anastacia, Tiaong, Quezon noong Huwebes ng umaga. Sa bisa ng search warrant hinggil sa paglabag sa RA 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na inisyu ni Executive Judge Dennis Galahad Orendain ng Regional Trial Court, Lucena City, Quezon, nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ritzelda Herrera, 50; John Gilbert Herrera, 30, at Von Vincent Herrera,…

Read More

PUGANTE NAPATAY NG MGA PULIS

patay

LAGUNA – Patay ang isang tumakas na preso sa Cavite makaraang maka-engkwentro ang mga pulis sa Sta. Cruz, Laguna. Sinabi ni Laguna Police director, Col Cecilio Ison Jr., ang nakatakas  na suspek ay si Jeffrey Ochoa, nasabat ng mga awtoridad sa Sitio Bougainvilla, Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna. Nasukol ito ng mga awtoridad sa naturang lugar ngunit sa halip na sumuko ay bigla itong bumunot ng baril at nakipagbarilan. Base sa ulat, kasong theft lamang ang kinahaharap ng suspek. Nakatakas ito sa kanyang bantay na gwardiyang si John Michael Ferrera matapos paluin nito…

Read More

NAMBUDOL NG MGA ALAHAS, 2 BEBOT TIKLO SA NBI

kulong

KAPWA binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang babae sa isinagawang entrapment operation sa Batangas City makaraang mabudol ng mga ito ang isang domestic jewelry corporation. Kinilala ang mga suspek na sina Jean Suayan y Javier alyas “Cynthia Sy Uy”, at May De Torres, kapwa ng Lipa City, Batangas, Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong estafa sa ilalim ng Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at paggamit ng peke at pagtatago ng totoong pangalan sa ilalim ng Article 178 ng Revised Penal Code. Batay…

Read More

LOLONG RAPE SUSPECT NABITAG

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 71-anyos na lalaking rape suspect malapit sa bahay nito sa Anak Bayan St., Malate, Manila noong Huwebes. Kinilala ang suspek sa alyas na “Arsenio”,  jobless, may asawa, ng nabanggit na lugar. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol , commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-3:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek malapit sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Celestina Mangrobang, ng Regional Trial Court Branch…

Read More

Kauna-unahang gypsum board training center sa bansa, binuksan ng Knauf Philippines

BINUKSAN kamakailan ng Knauf Gypsum Philippines, isang nangungunang manufacturer ng gypsum board at jointing compound, ang kauna-unahang gypsum board training center sa Pilipinas. Ang “Knauf Academy” ay isang pasilidad na naglalayong punuan ang anumang mga kakulangan pagdating sa mga pangangailangan ng “skilled workers” sa industriya ng construction sa bansa. Ayon kay Mark Sergio, Knauf Philippines Managing Director, ang pagbubukas ng Knauf Academy ay isang malaking karangalan para sa Knauf bilang unang gypsum board training center sa Pilipinas. Binigyang-diin ni Sergio na ang layunin ng Knauf Academy ay mapataas pa ang…

Read More

LAUNCHING OF VOTER REGISTRATION FOR BRGY & SK ELECTION IN SM SUPERMALLS

SM Supermalls and Commission on Elections (COMELEC) have officially teamed up to provide voters with more registration venues at SM. After signing a Memorandum of Agreement for the Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Election last July 19, 2022 at the Event Center of SM City Manila, COMELEC has opened satellite registration centers in SM Supermalls nationwide. In attendance were Comelec Commissioner, Hon. Aimee P. Ferolino, Comelec Deputy Executive Director for Operations, Atty. Teopisto E. Elnas Jr., Comelec Director for Election and Barangay Affairs, Atty. Divina E. Blas-Perez, Comelec Director for…

Read More

P3.4-M SHABU NASABAT NG PDEA SA COTABATO CITY

TINATAYANG nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang crystal meth (shabu) ang nasabat sa inilunsad na anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bubong Road, Tamontaka 1, Cotabato City noong Miyerkoles ng madaling araw. Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang  high value target na kinilalang si Buhare Tutin Abusupian alyas “Warex Guinno Abusupian” at alyas Tutin/alias Misuari”, 22, may asawa, at residente ng Barangay Damablac, Talayan, Maguindanao. Si Abusupian ay siyang responsable umano sa pagpapalaganap ng illegal drugs sa kalapit na mga bayan sa Maguindanao at Cotabato City. Ayon…

Read More

Kasunod ng 7.3 magnitude quake ILANG KALSADA SA CAR, ILOCOS REGION BUKAS NA

MAAARI nang daanan ng mga motorista ang ilan sa pangunahing mga kalsada matapos na linisin ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) makaraang naapektuhan ng 7.3 magnitude quake ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region noong Miyerkoles ng umaga. Bandang alas-6 :00 ng umaga nitong Huwebes ay puwede nang madadaanan ang ilang mga kalsada, ayon na rin sa ulat mula kay DPWH Bureau of Maintenance at DPWH Secretary Manuel Bonoan. Kabilang sa maaari nang madaanan ang Abra – Kalinga Road, Abra – Ilocos Norte Road, at Abra – Cervantes…

Read More