CAVITE – Bangkay na nang maiahon ang pito pang mga biktima ng pagguho ng tulay na bakal sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi makaraang marekober ang mga ito noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang pito na sina Jasper Uy y Mangoang, 15; Angeline Villanueva y Perez, 17; Wally Reneda y Perez, 17; John Lester Wee y Sumayod, 15; Haslen Vinas y Mirabel, 15; Jericho Batin Nepomuceno; 13, at Cyrus Lagrimas y Tolentino, 15; pawang residente ng Sitio Talisayan, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite. Ang mga biktima ay pawang…
Read MoreAuthor: admin 2
DOJ dumistansya DESISYON SA KASO NI DE LIMA IPINASA SA MUNTINLUPA RTC
INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, ang Muntinlupa Regional Trial Court ang may solong awtoridad para magbaba ng desisyon sa kaso sa ilegal na droga na kinahaharap ni dating Senador Leila de Lima. Ito ay bilang tugon sa inihaing resolusyon nina Senador Koko Pimentel at Risa Hontiveros na humihikayat sa DOJ na iatras ang isinampang kaso laban kay De Lima makaraan ang pag-atras ng testimonya ng mga pangunahing testigo sa drug cases at palayain na ito mula sa pagkakakulong. Sinabi ni Remulla, ang Muntinlupa RTC na ang may…
Read MoreACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA, 188; NAVOTAS, 21
UMAKYAT sa 188 ang active COVID cases sa Valenzuela City, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Ayon sa CESU, hanggang alas-11:59 ng gabi noong Hulyo 27 ay 155 sa active cases ang naka-home quarantine, 29 ang nasa isolation facility at apat ang nasa ospital. Pumalo na sa 44,680 ang cumulative confirmed cases sa lungsod matapos na 32 ang nagpositibo sa virus, habang 43,553 naman ang recovered matapos na may 18 gumaling, at mapalad na nanatili sa 939 ang COVID casualties. Noon ding Hulyo 27 ay…
Read MoreNATIONAL “BOOSTER DRIVE” INILUNSAD NG DOH
NAGLUNSAD ang Department of Health (DOH) ng pambansang “booster drive” campaign na layong maturukan ng booster vaccine kontra COVID-19 ang 50% ng eligible population ng bansa sa loob ng unang 100 araw ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Romualdez “Bongbong ” Marcos Jr. Target ng DOH na maturukan ang nasa 23.8 milyong indibidwal sa kampanya na tinawag na “PINASLAKAS” drive. Inilunsad ito kahapon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange. Layon din ng kampanya na gawing immune kontra sa virus ang 90% ng target na senior citizen population ng bansa. Sinabi ni Undersecretary…
Read MoreSEARCH & DESTROYS OPS VS DENGUE PINATUPAD SA QC
IPINATUPAD na ng lokal na pamahalaang Lungsod Quezon ang iba’t ibang istratehiya kasama na ang citywide “search and destroy” operations para pigilan at makontrol ang dengue sa siyudad. Ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Health Department (QCHD) na pangunahan nito ang nasabing operasyon kasama ng barangay officials at mga residente ng iba’t ibang barangay sa Lungsod Quezon. Partikular na prayoridad sa nasabing programa ang mga barangay na may maraming bilang ng mga kaso ng dengue. “Our goal is to ensure that our citywide anti-mosquito protective measures are implemented and…
Read MoreIBALIK ANG LEGAL, SUGPUIN ANG ILLEGAL E-SABONG!
ILANG buwan na rin mula nang tuluyang ipasara ng Duterte administration ang operasyon ng electronic sabong (e-sabong) sa Pilipinas. Kilala rin ito sa tawag na online sabong. Mula nang mamayagpag ito, aba’y dumami ang mga pekeng sites. Ginaya ang e-sabong sites ng Pitmaster Live ni Boss Charlie “Atong” Ang. Ang masaklap, nang magkaroon ng kontrobersiya, ang legal na sites ang tinanggal. Kung sino pa ‘yung nagbabayad nang maayos ng tax sa gobyerno at nagdo-donate ng bilyun-bilyon sa iba’t ibang sektor ay siya pang ipinasara. At nang mawala na nga ang…
Read MoreCMG CARGO NAILABAS NA, SA WAKAS!
NAGSIMULA nang kumilos ang Bureau of Customs para maipamahagi na ang mga inabandonang kargamento ng ALL WIN, CMG at Kabayan na matagal nang natengga sa Manila International Container Port (MICP). Nauna nang inilabas ang mga container ng kontrobersiyal na CMG at dinala sa warehouse ng Atlas Shippers Delivery Services sa Gerona, Tarlac. Binuksan dito ang anim sa pitong container na pinangunahan ni bagong talagang BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasama si MICP District Collector Romeo Rosales at ang pangulo ng Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) na Joel Longares.…
Read MoreMGA PLANO NG MARCOS ADMINISTRATION INIHAYAG
INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na agad aaksyon ang Kamara de Representantes sa mga panukalang batas na binanggit ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang State of The Nation Address (SONA). Ayon kay Speaker Romualdez, kanilang susuportahan ang inilatag na road map ng punong ehekutibo. Sinabi pa ni Romualdez, malinaw na ang gusto ni PBBM ay buhayin ang ekonomiya at malaking bahagi nito ay ang pagpaparami ng produksyon ng pagkain sa bansa. Samantala, inihayag din ni Pangulong Marcos na nais niya ring magkaroon ng malalaking ospital sa labas…
Read MoreDMW TAHANAN NG MGA BAGONG BAYANI
LABIS-LABIS ang kagalakan ng mga bagong bayaning OFW sa mga binitiwan na salita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) na may kinalaman sa kalagayan ng mga OFW. Maaga pa lamang ay nagtipon-tipon na ang mga OFW sa isang Zoom meeting na pinangunahan ng bagong talagang Undersecretary ng Department of Migrant Workers (DMW) na si Atty. PY Caunan. Sa nasabing zoom meeting ay tinalakay ang iba’t ibang mga programang nakalatag at mga kasalukuyang ginagawa ng DMW sa pamumuno ni Secretary Susan “Toots” Ople.…
Read More