MATUTUWA ang followers at fans ni Nadine Lustre dahil balik-showbiz ang actress. Muling gagawa ng pelikula ang aktres na kinasabikan ng kanyang fans dahil siya ang bibida sa psychological thriller film na Deleter na ididirek ni Mikhail Red. Matagal ding nanahimik sa industriya si Nadine, magmula nang magkaroon siya ng contract problem sa kanyang management (Viva Artist Agency) tapos nasabay pa sa pandemic. Kaya naman nang maayos ang kanyang problema agad itong bumawi, bukod sa Deleter bibida rin si Nadine sa isa ring suspense-thriller na Greed. Ayon sa aktres eversince…
Read MoreAuthor: admin 2
BARBIE INAMING NAGING BF SI KIKO
SUMAILALIM sa lie detector test si Barbie Forteza nang tanungin ni Bea Alonzo sa kanyang showbiz career, love life at iba pang personal na bagay. Na-curious si Bea kung sino ‘yung actor na kinaiinisan ni Barbie na nakatrabaho nito sa huling show na Mano Po Family Fortune. Finally, inamin ni Barbie na nagkaroon sila ng relasyon ni Kiko Estrada na nakasama niya sa That’s My Amboy, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagmamahalan at hindi naging maganda ang kanilang break-up kaya hindi na sila friends hanggang ngayon. Inamin din ni…
Read MoreUMUWING LASING ‘DI UMABOT NANG BUHAY SA BAHAY
CAVITE – Pinaniniwalaang bunsod ng kalasingan kaya nahulog ang isang lalaki sa creek naging dahilan ng pagkamatay nito sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Pagara”, residente ng Brgy. Olivarez, Tagaytay City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Boyet Soriano ng Alfonso Police Station, alas-8:40 ng gabi noong Lunes nang nakatanggap sila ng tawag hinggil sa isang lalaking walang malay sa isang creek sa Brgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite. Agad nagresponde ang mga awtoridad ngunit naabutang wala nang buhay ang lalaki. Huling…
Read More10 BAHAY WINASAK NG BUHAWI SA QUEZON
QUEZON – Nawasak ang 10 na bahay matapos tamaan ng buhawi ang bahagi ng tabing dagat ng Sitio Scuba at Sitio Pantay ng Barangay Abuyon, sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Nakuhanan pa ng video ng isang residente ang pananalasa ng buhawi na nagwasak ng mga pananim at mga kabahayan. Ayon sa mga residente, pasado alas-5:00 ng hapon nang magdilim ang kalangitan na inakala nilang nagbabadyang pag-ulan lamang. Subalit mula sa karagatan, napansin ng mga residente ang umiikot na tubig hanggang sa lumakas ang hangin. Sa…
Read MoreSUNDALO PATAY, 5 SUGATAN SA LAND MINE NG CPP-NPA
MULING ipinakita ng Communist Party of the Philippine at ng kanilang armadong galamay, ang New People’s Army, ang tahasang paglabag sa umiiral na Ottawa Convention at International Humanitarian Law hinggil sa paggamit ng landmine gaya ng ginawa sa Northern Samar na ikinamatay ng isang sundalo at malubhang ikinasugat ng limang iba pa. Ayon sa ulat ng militar, bandang alas-9:25 noong Lunes ng umaga, isang anti-personnel mines ang sumabulat sa Brgy. Osang, sa bayan ng Catubig, target ang CSP Teams ng 20th Infantry (We Lead) Battalion na nagsasagawa ng combat patrol operation. “The…
Read MoreCHINESE NAT’L INARESTO SA KIDNAPPING
SINILBIHAN ng mga awtoridad ang isang 48-anyos na Chinese national ng warrant of arrest sa loob ng Pasay City Jail dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Zhong Hang, alyas “Lucas Tan Anita”, may asawa, negosyante at nanunuluyan sa Legacy Village, BF Homes, Parañaque, nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention (RPC Art. 267 na inamiyendahan sa Republic Act 18 at Republic Act 1084). Base sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District – Malate Police Station…
Read MorePAGGAMIT NG VCMs SA BRGY. ELECTIONS BUBUSISIIN
BUBUSISIIN ng Commission on Elections (Comelec) kung magkakaaberya ang gaganaping barangay election sa Disyembre 5 sakaling matuloy ang pagpapatupad nito. Bukod dito, masusi ring tinatalakay ang posibleng paggamit sa mahigit 97,000 vote counting machines (VCMs) sa nasabing halalan. Ayon kay Acting Poll Body Chairperson Socorro Inting sa isang forum kamakailan, sa mahigit 107,000 VCMs na ginamit noong May 2022 election, mahigit 97,000 ang ginamit sa mga naunang halalan “I am not prematurely deciding or influencing the policy direction of the Comelec en banc but I think everyone will agree to a meticulous discussion…
Read MoreMULTA AT KULONG SA PABAYANG EMPLOYERS
BUBUGBUGIN ng multa na may kasamang kulong ang mga pabayang employer na nagiging dahilan ng disgrasya at kamatayan ng kanilang mga empleyado. Kahapon ay inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Bill (HB) No. 2126 para amyendahan ang Republic Act (RA) No. 11058 o Occupational Safety and Health Standards Law. Ginawa ang nasabing panukala dahil patuloy na binabalewala umano ng karamihan sa mga employer ang nasabing batas na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 17, 2018. Patunay umano rito ang Integrated Survey on Labor and Employment (ISLE)…
Read More20K PULIS IKAKALAT SA SONA NI PBBM
TINATAYANG mahigit sa 20,000 pulis ang ikakalat para pangalagaan ang seguridad sa gaganaping kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ayon sa pamunuan ng Philippine National Police. Base umano sa official plan na iprinisinta ng (PNP-National Capital Region Police Office), nangangailangan sila ng mahigit 15,000 pulis. Subalit kung idaragdag pa umano ang force multiplier mula sa military, mula sa Presidential Security Group, at Metropolitan Manila Development Authority, posibleng umabot sa mahigit 20,000 ang manpower na ide-deploy, ayon kay PNP Director for Operations P/MGen. Valeriano de Leon.…
Read More