PAGKAKAISA PARA SA PAMPUBLIKONG KALIGTASAN

Para mas paigtingin ang mga inisyatiba sa pagsusulong ng fire safety at prevention, pumirma ng memorandum of agreement kamakailan ang Meralco at BFP sa pangunguna nina Meralco President and CEO Atty. Ray C. Espinosa at BFP-NCR Regional Director CSUPT Gilbert D. Dolot PhD DSC. Upang isulong at mas mapangalagaan ang pampublikong kaligtasan, nagsanib pwersa ang Manila Electric Company (Meralco) at ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang paigtingin ang kapabilidad ng mga ito ukol sa emergency response sa mga lugar na nasasakupan ng operasyon ng BFP-NCR. Sa ilalim ng Memorandum…

Read More

Philippine Charity Sweepstakes Office: ON THE NOMINATION OF MR. MELQUIADES “MEL” ROBLES AS THE GENERAL MANAGER

The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomes the nomination by President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. of Mr. Melquiades “Mel” Robles as the General Manager of PCSO. The officials and employees shall work together and commit to live up to its mandate of raising funds to provide charitable services to the Filipino people across the country. #PCSOsupports UHC #IpaalamKayGM #PCSOGEDSI #ConqueringCOVID19 #Larong MayPuso €18+ PCSO 468

Read More

ROBIN: ALAMIN ANG TOTOO SA KWENTONG AQUINO AT MARCOS

IGINIIT ni Senador Robin Padilla na ang history o kasaysayan ay palaging may magkaibang kwento o interpretasyon. Reaksyon ito ni Padilla sa pahayag ng isang showbiz personality na ang ‘history ay parang tsismis’. “Ang salitang tsismis nagkaroon ng showbiz na meaning kasi kaya na-misinterpret ng iba. Ang history talaga, 2 narrative yan. Ang nasusulat lang na history depende kung sino ang nanalo. Pag ikaw natalo sigurado ang paglalahad mo, tago. Tago na yan, di na pakikinggan. Ang marinig na narrative, ang nanalo,” pahayag ni Padilla. “Ngayon natin nakita yan. Sa…

Read More

8 nagpakilalang taga-media ARESTADO SA EXTORTION

CAMP VICENTE LIM, Laguna- Timbog ang walong nagpakilalang kagawad ng media matapos umanong mangikil sa peryahan sa lalawigang ito. Ayon kay Laguna Police Provincial Director Col. Cecilio R. Ison Jr., natukoy ang mga suspek sa pangalang Anne Cortez, 32; Theresa Dela Cruz Regaza, 27; Eric Florez Floro, 32; Efren Dela Cruz Regaza, 22; Rosemarie Malazarte, 53; Benjamin Olino Javier Jr., 60, pawang residente ng Rodriguez, Rizal; Christopher Angeles Yu, 47 at Rodamy Llamazares Prado, 27-anyos. Sa ulat ng Calamba City Police Station, humingi ng tulong sa mga otoridad ang may-ari…

Read More

P2-M DROGA NASAMSAM SA BULACAN PNP SACLEO

BULACAN – Tinatayang mahigit sa P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa tatlong hinihinalang tulak sa isinagawang weeklong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lalawigang ito. Ayon sa report ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting director of Bulacan Police Provincial Office (PPO) kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director BGen. Matthew Baccay, ang nasabing operasyon ay isinagawa mula Hulyo 11 hanggang 17, 2022. Ayon kay Cabradilla, 109 na suspek ang nadakip sa serye ng anti-drug bust na isinagawa ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Unit (SDEU)…

Read More

KITA NG GASOLINAHAN, ITINAKBO NG 3 EMPLEYADO

CAVITE – Nadakip ang isang lalaki habang pinaghahanap ang dalawang kasamahan nito na pawang mga empleyado ng isang gas station, makaraang tangayin ang halagang P100,000 na kita ng gasolinahan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala sa pamamagitan ng Closed Circuit Television (CCTV) footage ang mga suspek na sina Resty Rotaquio, agad nadakip; George Barlizo at JM Febre, kasalukuyang pinaghahanap, pawang nasa hustong edad. Ayon sa salaysay ni Ronald Fernandez, ng Petro Gazz Station sa Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite, kay Corporal Menervin Castillo…

Read More

DALAGITA NALUNOD SA BAHA SA QC

HINIHINALANG nalunod sa baha sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan noong Linggo ng gabi ang natagpuang bangkay ng isang dalagita sa San Francisco River sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Inilarawan ang biktimang nasa edad 15-18, may taas na 5″0′, payat, nakasuot ng pulang t-shirt at short pants na may nakasulat na Sponge Bob. Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa San Francisco River…

Read More

BABAE TUMALON, SUMABIT SA HOOK NG GUSALI

MALAKING palaisipan sa mga imbestigador ng Quezon City Police District ang pagkamatay ng isang hindi pa kilalang babae na umano’y nahulog o tumalon mula sa Manhattan Heights Tower D sa Quezon City kahapon ng umaga. Sa sketchy report ng Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-7:00 ng umaga noong Hulyo 17 nang mangyari ang insidente sa Jogging Path sa 4th floor ng Manhattan Heights Tower D sa Gen. Romulo Ave., Araneta City, Brgy. Socorro, Cubao. Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Lemuel Escleto, isang…

Read More

GUN BAN SA NCR IPATUTUPAD PARA SA SONA NI PBBM

MAGPAPATUPAD ng 6-day gun ban sa National Capital Region bilang paghahanda sa isasagawang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Violators will face consequences that includes suspension or even disqualification from owning a firearm, aside from criminal charges that would be filed against them,” babala ni P/Major General Valeriano de Leon, PNP Director for Operations, sa mga lalabag sa gun ban. Bunsod nito, inatasan ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, Director ng Manila Police District, ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang nasabing kautusan.…

Read More