Sa inagurasyon ni Marcos OPERASYON NG PASIG RIVER FERRY LIMITADO

LILIMITAHAN ang operasyon ng Pasig River Ferry Service mula sa Pinagbuhatan Station hanggang Sta. Ana, Manila Station sa Huwebes. Paliwanag ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo, ang “No Sail Zone” ay parte ng seguridad para sa inagurasyon ni PBBM. Alinsunod dito, ipagbabawal ang lahat ng uri ng “water transportation modes” sa loob ng 3 nautical miles ng Ilog Pasig at Manila Bay. Nag-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Pasig River Ferry Service na “No Sail Zone” sa ilang parte ng Ilog Pasig sa nasabing araw.…

Read More

LIBRENG SAKAY DAPAT ITULOY NI PBBM – SOLON

HINILING ng isang kongresista sa Kamara kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ituloy ang libreng sakay sa mga pampublikong transportasyon upang matulungan ang mga commuter na pawang manggagawa. Mula sa Biyernes, July 1, ay ititigil na ang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) 3 kasabay ng pagtatapos ng termino ni President Rodrigo Duterte. “I hope that the new administration of BBM would be able to find ways of continuing to fund the Libreng Sakay program even at least until the end of the year,” pahayag ni Camarines Sur…

Read More

PAMILYA NILOOBAN NG GAPOS GANG

QUEZON – Pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek ang isang bahay sa bayan ng Calauag at iginapos ang limang nakatira kabilang ang dalawang kasambahay, noong Lunes ng umaga. Batay sa report ng Calauag Police, dakong alas-6:00 ng umaga, biglang pumasok ang dalawang armado ng baril sa bahay ng 52-anyos na negosyanteng si Bienvenida Rosas sa Brgy. Poblacion 4. Iginapos ng mga suspek ang ginang at ang dalawang anak nito gayundin ang dumating na mga kasambahay na sina Jenalyn Agapay, 34, at Jackielyn Ardevela, 25. Kinulimbat ng mga suspek ang mga alahas na P600,000 ang halaga, P7,000…

Read More

RIDER NAGULUNGAN NG HI-ACE VAN, PATAY

CAVITE – Patay ang 24-anyos na rider nang magulungan ng isang Toyota Hi-Ace van makaraang tumilapon ang katawan nito matapos na mabangga ang isang nagbibisekleta sa bayan ng Silang noong Lunes ng umaga. Kapwa isinugod sa Estrella Hospital sina Jose Villanueva, isang factory worker at Jaime Austria, 49, ng  Brgy. San Jose, Tagaytay, subalit idineklarang dead on arrival ang una dahil sa pinsala sa katawan. Arestado naman ang driver ng Toyota Hi-ace van na may plakang DAZ-8682 na si Abubacar Pangulamen Camar, 32, ng Bauan, Batangas. Ayon sa ulat ni Corporal Ralph…

Read More

LGU SINISISI SA FISH KILL SA BATANGAS

BATANGAS – Tinamaan na naman ng fish kill ang ilog sa bayan ng Lian sa lalawigang ito, at nagsipaglutangan sa tubig ang iba’t ibang klase ng mga patay na isda. Base sa Facebook post ng Lian LGU, nangyari ang fish kill noong Linggo ng tanghali sa nasabing ilog na nasa boundary ng Lian at bayan ng Nasugbu. Agad ding nag-imbestiga ang lokal na pamahalaan at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at kumuha ng sample ng tubig para malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda. Pansamantala…

Read More

Tutol sa May-December affair ng anak MAG-ASAWA PINATAY SA TAGA

patay

BATANGAS – Patay ang isang magsasaka at ang kinakasama nito habang sugatan naman ang tinedyer na anak ng ginang matapos na ang mga ito ay pagtatagain  ng isang driver habang nasa kanilang bahay sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Jovencio Magsino, 71-anyos, habang nalagutan ng hininga sa ospital ang ka-live in nito na si Rodela Cajila. Sugatan ding isinugod sa ospital ang 15-anyos na anak ni Rodela na si alyas “Nora”. Batay sa report ng Laurel Police, bandang alas-7:20 ng gabi, nasa…

Read More

All set for Marcos’ simple, solemn inauguration

bbm

THE inauguration of incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. on June 30 will be solemn and simple. Franz Imperial, who is one of the heads of the preparation committee for the momentous event, said except for some minor details that are still being finalized, the program is all set. “The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,’” he said. The inauguration of the President of the Republic of the…

Read More

Mandatory ROTC dapat araling mabuti

Samantala, naniniwala si Tulfo na kailangang pag-aralang mabuti ang pagsusulong ng panukalang pagbabalik ng mandatory Reserved Officers Training Corps sa kolehiyo. Sinabi ni Tulfo na kailangang balansehin ang mga buti at hindi buting maidudulot ng panukala. Gayunman, inihayag ni Tulfo na sa kanyang inisyal na pag-aaral, nakikita niyang maaaring ikonsidera ang pagbabalik ng mandatory ROTC. “Pag-aralan muna dapat ‘yan nang mabuti. Kasi may mga pros and cons dyan. Para sa akin, siguro pwede, in the name of nationalism, maging nationalistic ang ating mga kabataan. Mas maganda naman kesa naman natetengga…

Read More

Para kay Senator-elect Tulfo MIDDLE CLASS ‘DI PA KAILANGANG BIGYAN NG FUEL SUBSIDY

WALA pang nakikitang dahilan si Senator-elect Raffy Tulfo upang saklawin ng ibinibigay na ipinamimigay na ayuda sa transport sector ang mga miyembro ng middle class. Sinabi ni Tulfo na kaya pang umagapay ng mga middle class sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ang higit anyang nangangailangan ay ang mga miyembro ng komunidad na hindi pa rin tumatanggap ng minimum wage. Sa datos anyang nakarating sa kanya nasa walong milyong Pinoy pa ang mga below minimum wage ang tinatanggap at sila ang dapat na makakuha ng ayuda…

Read More