PFIZER BOOSTER VACCINE SA EDAD 12-17 APRUB NA

INAPRUBAHAN na ng Department of Health (DoH) ang pagbibigay ng unang Pfizer booster sa edad 12 hanggang 17 taong gulang. Ito ang pagkumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang tanungin ng mga mamamahayag kung aprubado na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng nasabing booster shot na Pfizer sa mga menor de edad. Ayon kay Vergeire, binabalangkas na ng DOH ang guidelines nito at sa lalong madaling panahon ay mailalabas na. Maalala na ang paggamit o pagtuturok ng Pfizer vaccine para sa booster shots ng nasabing age group ay…

Read More

DAR SEC. CRUZ NAIS PAMUNUAN ANG PEACE PROCESS OFFICE

PARA magkaroon ng kapayapaan, muling sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na nais niyang pamunuan ang Peace Process office ng incoming administration. Sa telephone interview, sinabi ni Cruz na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ni President Ferdinand Marcos Jr., tiniyak nito na makatutulong siya para sa peace process at gusto niyang pamunuan ito upang matapos na ang gulo. Magtatapos ang termino ni Cruz bilang DAR chief sa darating na Hunyo 30, ang huling araw rin ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Nais kong pamunuan ang peace…

Read More

2.8M SENIORS ‘DI PA BAKUNADO

MAHIGIT 2.8 million senior citizens sa Pilipinas ang hindi pa nababakunahan ng COVID-19 vaccines bukod sa milyon-milyon umano ang hindi pa tumatanggap ng booster shot. Ito ang nabatid mula kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanez kaya umapela ito sa kanyang mga kapwa senior na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon at tuluyang makawala ang bansa sa pandemya. “There are still 23% of the A2 population (senior citizens) who are not fully-vaxxed and many more not boosted, according to the latest DOH (Department of Health) data,” ayon sa mambabatas. Base…

Read More

PBBM PANSAMANTALANG UUPONG AGRI CHIEF

bbm

INANUNSYO ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pansamantala muna siyang uupo bilang agriculture secretary sa oras na mag-take over ang kanyang administrasyon sa Hunyo 30. Ang anunsyong ito ni Marcos ay ilang linggo matapos magbabala ang Department of Agriculture ng food crisis sa second half ng 2022. “We are spoke at length about the measures that we will have to take because we are forecasting that there will be a increase in food prices in the next quarters that will come because of the outside forces that’s impacting our…

Read More

K-12 PROGRAM NAIS REPASUHIN NI PBBM – VP SARA

IPINAG-UTOS ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagrerepaso at pagrerebisa sa implementasyon ng K to 12 program. Sinabi ni Vice President-elect at incoming Education Secretary Sara Duterte sa isang panayam sa Davao City, na ang bagay na ito ay kailangang talakaying mabuti. “That is something na kailangan pag-usapan, na it cannot be decided overnight… but initially it is something na napag-usapan din namin ni President Marcos and he already give instructions with regard to the review of the implementation of K-12 program of the Department of Education,” ayon kay…

Read More

PUBLIKO HINIKAYAT NI PBBM NA MAGPA-BOOSTER

HINIMOK ni incoming President Bongbong Marcos Jr., ang publiko na makibahagi sa mga hakbang na makatutulong upang maiwasan ang panibagong surge ng COVID-19. Kabilang dito ang pagpapaturok ng booster dose laban sa nasabing sakit lalo pa’t muling nakapagtatala ngayon ang Department of Health ng bahagyang pagsipa ng mga kaso sa ilang lugar. Binigyang diin ni Marcos Jr. na kailangan ng dagdag na proteksyon lalo’t may ilang COVID variants na resistant sa first at second dose ng bakuna. Ipinaalala rin ng susunod na Pangulo na dapat ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod…

Read More

RET. COP UMAWAT SA AWAY, PINATAY

QUEZON – Patay ang isang retiradong pulis matapos na barilin ng inaawat niyang nagwawalang lasing sa Brgy. Amot, sa bayan ng Burdeos sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Isang tama ng bala sa kaliwang dibdib ang ikinamatay ng biktimang si Orlando Bantucan, 66-anyos, residente ng Barangay Poblacion. Batay sa report ng Burdeos Police, inaawat ng biktima ang lasing na si alyas “Arcel Metong” habang tinututukan ng baril ang kaaway nito na si Jonamay Vergenisa. Subalit sa hindi malamang dahilan, ang retiradong pulis ang napagbalingan ng suspek at siyang binaril…

Read More

NEGOSYANTE NIRATRAT SA KOTSE

BATANGAS – Patay ang isang negosyante matapos na ratratin ng riding in tandem suspect habang pauwi sa kanilang bahay sakay ng SUV sa bayan ng Mabini sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Marlon De Torres Olla, 47-anyos, residente ng Brgy. San Francisco, at may-ari ng Jhulimar junkshop and hauling services. Batay sa report ng Mabini Police, dakong alas-8:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang SUV na Hyundai Sta. Fe pauwi at tinatahak ang Bauan-Mabini national highway. Ngunit pagsapit sa Barangay…

Read More

1 PATAY, 2 SUGATAN SA ATAKE NG PINSAN

CAVITE – Bunsod nang matagal ng kinikimkim na galit, pinagsasaksak hanggang sa napatay ng isang 27-anyos na lalaki ang kanyang kamag-anak at dinamay pa ang dalawa nitong pinsan kabilang ang isang 14-anyos na menor de edad sa Cavite City noong Linggo ng umaga. Pawang isinugod sa Bautista Hospital ang mga biktimang sina Jan Angelo Cabaquit, 52;   Mark Allan Cabaquit, 21, at isang 14-anyos na binatilyo na  pawang residente ng Brgy. 32, Cavite City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dakong alas-6:45 ng umaga si Jan Angelo. Arestado naman ang suspek…

Read More