FULL F2F CLASSES TARGET NI VP SARA

TARGET ni Vice President-elect Sara Duterte, uupo rin bilang Kalihim ng Department of Education na ipatupad ang “full face-to-face classes” sa mga eskuwelahan sa Agosto. “We are targeting that,” ayon kay VP Sara sa isang panayam sa  Davao City nang tanungin kung kinokonsidera nito ang  full face-to-face classes para sa mga estudyante sa darating na Agosto. Ayon kay VP Sara, siya at si outgoing Education Secretary Leonor Briones ay nagkaroon na ng ilang written communications para sa transition ng tanggapan. Sinabi pa ni VP Sara na nakatakda siyang magkaroon ng…

Read More

SOLON NAGBABALA SA HINDI MAKONTROL NA PRESYO NG AGRI PRODUCTS

INAASAHANG mas lolobo pa ang presyo ng agri-products sa merkado kabilang ang lokal na karne ng baboy at manok dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa na halos umabot sa 40%, bunsod na rin ng giyera sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia. Ito ang inamin ni AGAP Party-list at Presidente ng Federation of Pork Producers of the Philippines, (The Agricultural Sector Alliance of the Philippines) Congressman Nicanor Briones. Sinabi ni Cong. Briones na malala ang pagkalugi ng mga nag-aalaga ng baboy at manok dahil nahaharap ang…

Read More

KOREANO TIMBOG SA TELCO FRAUD

NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang arestadong South Korean na pugante at wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa telecommunications fraud. Ayon sa report kay BI Commissioner Jaime Morente ng bureau’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang Koreanong 42-anyos na si Jung Inhyeok, naaresto noong Hunyo 13 sa Brgy. Poblacion, San Fernando, Cebu. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of deportation na inisyu ni Morente ayon sa summary deportation order ng BI board of commissioners na ipinalabas laban kay Jung noong nakaraang taon. Ayon sa…

Read More

150 PAMILYA HAGIP NG SUNOG SA PARAÑAQUE

TULIRO ang nasa 150 pamilya matapos lamunin ng apoy ang isang malawak na kabahayan sa lungsod ng Parañaque kahapon ng madaling araw. Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dalawa katao ang iniulat na nasaktan sa insidenteng tumupok sa tinatayang 80 bahay na pawang yari sa light materials sa Barangay San Isidro, sa kahimbingan ng tulog ng mga residente bandang alas-2:00 ng madaling araw. Pasado alas-4:00 ng madaling araw nang idineklarang “fire-out” ng nagrespondeng mga bumbero ang naturang sunog. Pansamantala naman inilagak ang mga pamilyang nawalan ng bahay…

Read More

Papasok na pamunuan ng DepEd suportado ni Gatchalian; krisis sa edukasyon tututukan

Upang matugunan nang maigi ang krisis sa sektor ng edukasyon, ipinahayag ni Senador Win Gatchalian ang kanyang buong suporta kay Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na nakatakdang mamuno sa Department of Education o DepEd. Nanumpa si Duterte-Carpio bilang Pangalawang Pangulo kahapon, Hunyo 19, sa Davao City. Para kay Gatchalian, ang pangunahing prayoridad dapat ng DepEd ay ang pagbangon ng sektor ng edukasyon mula sa pinsalang dulot ng pandemya ng COVID-19. Aniya, kailangan ding tutukan ang pagpapaigting sa performance ng mga mag-aaral sa bansa. Upang masimulan ang pagbangon ng sektor ng edukasyon,…

Read More

VP SARA NANUMPA NA

NANUMPA na bilang ika-15 Bise Presidente ng Pilipinas si Sara Duterte-Carpio. Sa seremonyang ginanap sa San Pedro Square in Davao City, si Duterte-Carpio ay nanumpa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando. Suot ni Duterte-Carpio ang green Filipiniana na dinisenyo ni Davao-based designer Silverio Anglacer. Kasama niya sa kanyang panunumpa ang amang si President Rodrigo Duterte, inang si Elizabeth Zimmerman at asawang si Atty. Manases Carpio. Dumalo rin si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. “Ako po si Inday Sara. A proud…

Read More

ARMY MAJOR PINATAY, SUSPEK NA ARMY CAPTAIN NAG-SUICIDE

CAMARINES SUR – Patuloy na iniimbestigahan ng Bicol PNP at ng pamunuan ng Philippine Army ang motibo sa pagpaslang sa isang Philippine Army major sa loob ng Camp Weene Martillana at pagkaraan ay nag-suicide ang suspek na isang Army captain noong nakalipas na linggo sa bayan ng Pili sa lalawigang ito. Habang isang non-commission officer ang nasugatan sa nasabing shooting incident sa loob mismo ng military camp, na kinilalang si Sgt. Manuel Colico Jr. Ayon sa inisyal na ulat na ibinahagi ni Maj. John Paul Belleza, Army’s 9th Infantry Division Public Affairs Office…

Read More

Dike nagiba sa high tide BARANGAY SA OBANDO, VALENZUELA BINAHA

LUMUBOG mula sa isa hanggang apat na talampakang tubig baha ang ilang barangay sa bayan ng Obando sa Bulacan, at sa Lungsod ng Valenzuela matapos masira ang floodgate at dike na pumipigil sa tubig na nagmumula sa Manila Bay. Personal na nakipag-ugnayan si Mayor-elect Ding Valeda ng Obando, Bulacan kina Bulacan Governor Daniel Fernando, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at incoming Mayor Wes Gatchalian gayundin sa tanggapan ng Second Bulacan District Engineers Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH), upang mabigyan ng agarang solusyon ang idinulot na pagbaha sa…

Read More

PINOY NURSE NA GUSTONG MAGTRABAHO SA US DUMARAMI

PARAMI nang parami ang mga Filipino registered nurse ang gustong magtrabaho sa United States (US) kung saan mas malaki ang sahod kumpara sa Pilipinas. Ayon kay Cebu Rep. Eduardo Gullas, umabot sa 3,713 ang kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan. Mas mataas umano ito ng 147 percent kumpara sa 1,501 na kumuha ng NCLEX sa parehong panahon noong 2021 kahit pa nagbabayad ang mga ito ng US$200 bilang exam fees. “Since passing the NCLEX is usually the final step in America’s nurse licensure…

Read More