HININGAN ng komento ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang National Vaccination Operations Center (NVOC) at Health Technology Assessment Council (HTAC) kung bakit ang ikalawang COVID booster ay ibinibigay lamang sa piling grupo. Sa kanyang liham, binigyang-diin ni Tiangco na maraming Navoteño na payag masaksakan ng second booster shot ngunit hindi pa “eligible” ayon sa mga panuntunan ng Department of Health (DOH). Nakasaad sa DOH Memorandum No. 2022-0206 na bukod sa immunocompromised individuals, tanging senior citizens at frontline healthcare workers ang maaaring bigyan ng second booster ng Moderna at Pfizer vaccines.…
Read MoreAuthor: admin 2
AYUDA NG ACT-CIS TULOY-TULOY
TULOY-TULOY lang ang ayuda ng ACT-CIS Party-list sa mahihirap at mga nangangailangan na kababayan. Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, “hindi titigil ang pagbibigay ng ayuda ng grupo kahit wala na sa ACT-CIS si Sir Erwin Tulfo.” Matatandaang si Tulfo ay itinalaga ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay Yap, Si Cong. Jeff Soriano na ang magpapatakbo ng ACT -CIS Action Center. Ani Yap, “tuloy ang pagbibigay nila ng mga gamot, hospital and burial assistance”…
Read MoreBAGONG COVID-19 CASES PUMALO SA HALOS 600
TALIWAS sa inaasahan, mas maaga pa sa pagtataya ng mga dalubhasa ang naitalang paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, batay na rin sa datos ng Department of Health (DOH). Sa 585 bagong kumpirmadong kaso inilabas ng DOH nitong nakalipas na araw ng Sabado – ang pinakamataas mula Abril – nangunguna ang National Capital Region (NCR) kung saan lagpas pa sa target ang pasok sa kategorya ng bakunado. Kabilang rin sa mga may mataas na bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), Western…
Read More3 KALABOSO SA DROGA AT BOGA SA RIZAL
RIZAL – Kalaboso ang tatlo katao kabilang ang tinaguriang “lady pusher” nang masakote sa ilegal na droga at boga sa anti-drug operation sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito. Sa ulat ni PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay sa tanggapan ni PRO4A-Calabarzon Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga naaresto na sina Gloria Animas y Taroballes alyas “Glo” umano’y tulak, Wifredo Laguerta y Garing alyas “Jerry Gata” at Racky Sanchez y Teopiz, kapwa ng Brgy. Sta. Ana ng nabanggit na, bayan. Ayon sa ulat, alas-3:45 ng hapon noong Hunyo…
Read MoreTarget na anak,1 pa hindi mahagilap GINANG DINUKOT NG PULIS, 5 PA
CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite Police ang anim na kalalakihan, kabilang ang isang pulis, matapos tangayin ang isang 44-anyos na ginang sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Hunyo 9, 2022 Kinilala ang biktimang si Gladys Bundalian Rodriguez, 44, tubong Tondo, Manila at residente ng Metrogate Silang Estate, Brgy. Adlas, Silang, Cavite Tukoy naman ang isa sa mga suspek na si Jomar Villanueva, alyas “Salem Guardian” ng Amparo Chapter ng Dapdap Amparo, North Caloocan City, habang inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pang mga suspek na pawang may takip ang…
Read MorePamilya humihingi ng hustisya MAG-IINA SINALPOK NG VAN, PATAY
LUCENA CITY – Nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ng mag-iina na namatay matapos na ang sinasakyang tricycle ng mga ito ay masalpok ng pampasaherong van sa Maharlika Highway sa lungsod na ito. Ayon sa mga kaanak, dapat managot ang driver ng van na si Carlos Santiago Grutas Jr., 37-anyos, na nitong nakaraang araw ay pinalaya ng pulisya base sa rekomendasyon ng piskalya. Batay sa report ng Lucena PNP, nangyari ang insidente dakong alas-10:00 noong Sabado ng gabi, Hunyo 11, habang ang tricycle na patungo sa bayan ng Pagbilao ay biglang pumasok…
Read More4S’ IPINAALALA KONTRA DENGUE
BINALAAN ang publiko ng pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) hinggil sa dulot ng mapanganib na dengue fever ngayong tag-ulan at pinayuhan ang mga Pilipino na mag-ingat, gayundin ay makipagtulungan sa mga interbensyon sa kalusugan upang maiwasan ang mga hotspot. Paalala ng PRC sa publiko na sundin ang “4S” protocol laban sa dengue: “search and destroy” mosquito-breeding sites, employ “self-protection measures, “seek early consultation” and “say yes to fogging/spraying operations.” “(For) search and destroy: cover water drums and pails; replace water in flower vases once a week; clean gutters of leaves…
Read MoreAGRICULTURAL MODERNIZATION NAKASALALAY SA NIA
NAKASALALAY sa National Irrigation Administration (NIA) ang agricultural modernization sa bansa na panlaban umano sa makulimlim na ekonomiya ng mundo. Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, kailangang maisaayos ang pamamalakad sa NIA upang mapalawak ang coverage nito at magkaroon ng tuloy-tuloy na supply ng tubig sa mga irigasyon sa bansa. “The main problems in the Philippine agriculture sector are that there is not enough good irrigation and water management in the country, and that resources and government support are not devoted to the proper sectors,” ayon…
Read MorePCOO ASEC, 4 PA KINASUHAN
TINULUYAN nang sinampahan ng kaso ng dating actor/model ang isang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at apat na kasamahan nito dahil sa kabiguan ng mga itong bayaran ang P2.9 milyong kontrata sa isang proyekto noon pang 2018. Kamakalawa ay isinampa ng negosyante at dating actor/model na si Karl Ipong sa tanggapan ni Manila RTC Asst. City Prosecutor Gerald Co ang kasong estafa laban kay PCOO Asec. Ramon Cualoping III at sa mga kasamahan niyang sina Karl Louie Fajardo, Mary Joy Javines at Luz Cabrera at ang dating tauhan ni…
Read More