CONCEPCION: DI NA KAILANGANG ITAAS ANG ALERT LEVEL KUNG MABABA NAMAN ANG BILANG NG NAO-OSPITAL

Sa gitna ng posibleng pagbabalik sa Alert Level 2 status ng National Capital Region (NCR), sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na maaaring di na kailangan pang itaas ang alert level kung mananatiling kaunti lang ang mga naoospital dahil sa Covid. “If our Covid cases are not ending up in hospitals, then there is no need for higher alert levels,” sabi niya. Ito ay kasunod ng mga ulat ng unti-unting pagtaas ng mga nahahawa sa Covid. Noong Hunyo 13, nakapagtala ang Pilipinas ng 386…

Read More

FACE MASK MANDATE TATALAKAYIN NG LEAGUE OF PROVINCES

PAG-UUSAPAN ng League of Provinces of the Philippines kung gagawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19 kapag nasa labas. “Hindi pa namin talaga napag-uusapan. But I look forward kasi itong Biyernes meron kaming gaganapin na term-ender meeting at sana doon, plano ko rin po makipagkuwentuhan at makipagtanungan sa aming mga kasamahan kung ano ang kanilang pananaw dito sa isyu na ito,” ayon kay League of Provinces of the Philippines National Chairman at Quirino Governor Dakila Cua sa Laging Handa public briefing. “Nakikita po natin na may LGUs…

Read More

DE LIMA, SASALANG SA MAJOR OPERATION

SASALANG sa major operation si Senadora Leila de Lima ngayong buwan. Kinumpirma ni Atty Filibon Tacardon, legal counsel ni De Lima na kailangang tanggalin ang ilang bahagi ng uterus ng mambabatas. Sinabi ni Tacardon na hiniling na nila sa dalawang korte na humahawak ng kaso ng senadora na pagbigyan ang kanilang petisyon para sa medical leave mula Hunyo 19 hanggang Hunyo 25 para maisagawa na ang surgery. Pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang petisyon noong Lunes, habang hindi pa nagdedesisyon ang Branch 256. “It is about the…

Read More

SENATOR-ELECT PADILLA, HANDA NA SA DEBATE SA SENADO

SUMAILALIM na sa briefing ng Senado si Senator-Elect Robin Padilla bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagtupad sa bagong tungkulin sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Nagtungo sa Senado si Padilla at sumalang sa briefing ni Senate Deputy Secretary for Legislation Edwin Bellen, nitong Martes ng umaga. Samantala, muling kinumpirma ni Padilla na ang panukala para sa pagbabago ng saligang batas partikular ang pagsusulong ng Pederalismo ang kanyang prayoridad sa 19th Congress kasabay ng paghimok sa publiko na yakapin ang charter change dahil ito na ang kailangan ng bansa kung…

Read More

PAGGAMIT NG ORGANIC FERTILIZER ISINUSULONG NI VILLAR

SANHI ng masasamang gawain na nakapagpababa ng 38% sa sustansya ng lupa, isinusulong ni Sen. Cynthia A. Villar ang composting at paggamit ng organic fertilizer upang pangalagaan  ito. Sa kanyang video message sa 71st anniversary ng Bureau of Soils and Waste Management (BSWM), binigyan diin ni Villar ang paggawa ng organic fertilizer mula sa agricultural residues gaya ng tangkay ng palay at mais, dumi ng mga hayop, at iba pang bagay na maaaring ipalit sa inorganic/synthetic o chemical fertilizers. “You are one with us in actively promoting organic  farming methods…

Read More

ANTI-OVERLOADED TRUCK SCHEME IPATUTUPAD SA MANILA NORTH ROAD

(ELOISA SILVERIO) Mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa anti-overloading truck scheme ang unang pagtutuunan pansin ni Bulacan Fifth District Congressman-elect Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. ng Guiguinto, Bulacan para masolusyunan ang pagkasira ng national highways. Sa panayam kay Cruz, pangulo ng Bulacan Mayors League, sinabi nito na magsasagawa siya ng isang dialogue kasama ang samahan ng mga hauler o truckers association partikular na yaong mga dumadaan sa Manila North Road kilala bilang dating Macarthur Highway upang talakayin at resolbahan ang dulot nitong problema sa pagkasira ng mga kalsada. Nauna rito…

Read More

P36-M GIANT CLAMS NASABAT NG COAST GUARD

TINATAYANG may P36 milyon ang halaga ng giant clam na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa ikinasang entrapment operation sa Daanbantayan, Cebu. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, 12 katao ang inaresto matapos makumpiskahan ng 133 piraso ng broken giant clam shells o taklobo sa naturang bayan. Una rito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Coast Guard Intelligence Group Central Visayas, Criminal Investigation Group at Philippine Air Force laban sa mga suspek. Agad namang ipinasa ang mga nakumpiskang giant…

Read More

“TINANG 83” LAYA NA

PANSAMANTALANG nakalaya ang 83 magsasaka na tinaguriang “Tinang 83”, isang land reform advocates group matapos makapaglagak ng kanilang piyansa. Nanindigan naman si PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao na kumilos lamang nang naayon sa batas ang mga pulis nang arestuhin nila ang mahigit 90 indibidwal na nagsagawa umano ng panggugulo sa Hacienda Tinang. Paliwanag ni Lt. Gen. Danao, ang mga inaresto ay isinailalim sa kustodiya dahil sa alegasyon ng Malicious Mischief, Direct Assault, Disobedience and Resistance to Persons in Authority, Obstruction of Justice, at Illegal Assembly. Sinasabing binatay ito sa…

Read More

BULKANG BULUSAN AYAW MANAHIMIK

WALA pang nakikitang senyales na pwede nang magbigay katiyakan sa kaligtasan ng mga residente sa mga barangay na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon. Sa pinakahuling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot sa 69 volcanic quakes ang naitala sa nakalipas na 24-oras. Sa naturang bilang, 56 ang pasok sa kategorya ng “volcanic tremors” na tumagal naman ng 19 minuto. Bukod sa mga pagyanig ng lupa, nagtala na rin ng dalawang pagsabog ang naturang bulkan. Umabot naman sa 4,627 tonelada ng sulfur dioxide ang…

Read More