TAGA ISINUKLI SA PAYO

SA halip na pasasalamat, itak ang isinukli ng kapitbahay na pinayuhan lamang na kalingain ang nanghihinang lola, sa bayan ng Mendez sa lalawigan ng Cavite. Suwerte namang hindi napuruhan ang biktimang kinilalang si Joel Mariño, 48-anyos at residente ng Barangay Panungayan 1 ng nasabing bayan, Kwento ng biktimang nananatili pa rin sa pagamutan, nakaupo umano siya sa balkonahe ng kanyang tahanan nang dumating ang suspek na si Mario Montaño na walang sabi-sabing hinalibas siya ng hawak nitong itak. Sa imbestigasyon, lumalabas na nauwi sa pagtalo ang ginawang pagpapayo ni Mariño…

Read More

FACE MASK MAGIGING BAHAGI NA NG PAMUMUHAY

NANINIWALA si Senadora Imee Marcos na magiging bahagi na ng pamumuhay kasama ang COVID-19 ang pagsusuot ng face mask. Subalit, ito anya ay para sa mga crowded enclosed spaces upang matiyak pa rin ang kaligtasan sa anumang sakit. Binigyang-diin pa ni Marcos na maraming bansa ang nagpatuloy sa pagsusuot ng face mask matapos ang SARS at pananalasa ng iba pang karamdaman. Sinabi naman ni Senator-elect JV Ejercito na kung nais na gawing optional ang pagsusuot ng face mask ay dapat palawakin pa ng Department of Health (DOH) ang kampanya para…

Read More

PDU30 NABABAHALA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte  ukol sa seguridad ng pagkain sa bansa para sa mga susunod na taon. Ang katuwiran ng Pangulo, baka mahirapan ang bansa sa usapin ng food security dahil sa  ilang mga kadahilanan gaya ng patuloy na  paglobo ng populasyon o pagdami ng mga tao at  patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Nauna rito, hinikayat ng Population Commission ang susunod na administrasyon na maging consistent sa pagpapatupad ng adbokasiya tungkol sa family planning. At sa nalalapit na pagtatapos ng Duterte Administration, lumabas din…

Read More

LISENSYA NG NANAGASANG SUV DRIVER KANSELADO NA

KANSELADO sa loob ng 90 araw ang driver’s license ng nanagasang motorista sa Mandaluyong City kamakailan. Sa ulat, kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Jose San Vicente kaugnay ng kanyang hindi paglutang matapos sagasaan ang isang security guard sa Mandaluyong City. Sa pahayag ng LTO, epektibo sa loob ng 90 araw ang preventive suspension. Batay rin sa beripikasyon ng LTO, mayroon nang record si San Vicente ng tatlong apprehensions for reckless driving noong 2010, 2015, at 2016. Nakita rin na responsable ito sa kasong reckless driving at…

Read More

LAUDIANGCO MANANATILI BILANG COMELEC SPOX

MANANATILING tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) si Director John Rex Laudiangco. Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Acting Comelec Chairperson Socorro Inting na may petsang Hunyo 10 ngunit inilabas lamang nitong Lunes, Hunyo 13. Si Laudiangco ay nagsilbing tagapagsalita ng Comelec sa sandaling panunungkulan ni dating Comelec chief Saidamen Pangarungan. Si Pangarungan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 9 ngunit ang kanyang appointment at apat na iba pa ay na-bypass ng Commission on Appointments. Si Inting ang itinalagang acting poll chairperson bilang pinaka-senior sa mga nakaupong…

Read More

198 LIVE TARANTULAS NASABAT SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 198 pirasong live tarantulas na tinangkang palusutin nang walang permit mula sa pamahalaan. Ayon sa report, ang endangered species (tarantulas) ay idineklara bilang mga thermos mug, at nakatakdang dalhin sa bansang Italy. Ngunit sa isinagawang 100 percent examination ng X-ray Inspection Project ng Customs Enforcement and Security Services (ESS), nadiskobre na taliwas ang naging deklarasyon ng exporter, sapagkat ang laman ng package ay iba’t ibang klase ng tarantulas. Agad na isinailalim sa seizure and forfeiture proceedings ang…

Read More

PDU30 WALA NANG TALK TO THE PEOPLE

SINABI ng Malakanyang na hindi na mapapanood pa ang regular na public address o Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na karaniwang ginagawa tuwing Lunes ng gabi. Dito personal na iniuulat ng Punong Ehekutibo ang kanyang mga aktibidad habang nagbibigay rin ng direktiba sa ilan niyang mga gabinete. Hunyo 6 nang huling humarap si Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People kasama sina DILG sec Eduardo Año, DOH Secretary Francisco Duque, NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr at NDRRMC Executive Dir Ricardo Jalad.…

Read More

Tagahakot ng raliyista sa Maynila HIGH RANKING CTG OFFICIAL, TIMBOG

LAGUNA – Isa na namang high-ranking official ng Communist Terrorist Group (CTG) New People’s Army ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Brgy. Burgos, sa bayan ng Pakil sa lalawigang ito, noong Sabado. Kinilala ang arestado na si Vertudes  Macapanpan y Gonzales alyas “Lola Kits Tyan”, kabilang sa Southern Tagalog Regional Party Committee. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arnelo C. Mesa ng Regional Trial Court, Branch 65 ng Infanta, Quezon noong Mayo 23, 2008…

Read More

BAHAY INULAN NG BALA, 2 PATAY

patay

COTABATO CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang dalawang lalaki habang anim na iba pa ang malubhang nasugatan nang paulanan ng bala ang kanilang bahay sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office, ang mga napatay ay kinilalang sina Ato Malindatu at isang alyas “Mugia”. Sugatan naman sina Amar Piang, Nando Malindatu, Datu Nilan Agar, Datu Norman Pasawilan, Mohaymim Ali at Datu Ali Balabaran, pawang mga residente ng Barangay Kalanganan 2, Cotabato City. Lumitaw  sa imbestigasyon ng Cotabato City PNP, bandang…

Read More