ZAMBOANGA DEL NORTE – Dead on the spot ang isang poll officer ng Commission on Elections nang pagbabarilin sa bayan ng Piñan, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Zamboanga Del Norte PNP, Huwebes ng gabi ng likidahin si Maricel Peralta, 45, Comelec officer sa Mutia, ng nasabing lalawigan. Ayon sa mga awtoridad, nagmamaneho ng sasakyan at pauwi sa Dapitan City ang biktima kasama ang isang assistant election officer, nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa ginagawang tulay ng Barangay Lapu-lapu sa Piñan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo…
Read MoreAuthor: admin 2
OPTIONAL FACE MASK WEARING SA CEBU TABLADO
NAGBABALA kahapon ang Department of Interior and Local Government (DILG) na maari pa ring hulihin ng mga pulis ang hindi magsusuot ng face mask o lalabag sa pinaiiral na health protocol ng IATF sa lalawigan ng Cebu. Ayon sa DILG, hindi nito kikilalanin ang executive order ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na nagsasabing gawing optional na lamang ang pagsuot ng face mask kapag nasa labas. Sa statement ni DILG Sec. Eduardo Año, binigyang-diin nito na ipagpapatuloy pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang pagsita at paghuli sa mga violator…
Read More23 JOB FAIRS BUBUKSAN NG DOLE SA LINGGO
KASABAY ng pagdiriwang ng Independence Day sa Linggo, 122,985 job vacancies ang bubuksan sa publiko sa pamamagitan ng 23 job fair sites sa buong Pilipinas na maaaring makita sa ble.dole.gov.ph. Samantala, kabilang sa listahan ng ‘ in demand jobs” at maraming bakante sa iba’t ibang bansa at maging dito sa Pilipinas ang mga nurse. Sa Laging Handa public Briefing, sinabi ni Assistant Regional Director Alejandro Inza Cruz ng DOLE Region 3, bukod sa mga nurse, mataas din ang demand sa factory workers, household workers, karpintero, electrician, mason at cleaner. “Sa atin…
Read MorePASYENTE SA METRO HOSPITALS DUMAMI
BAHAGYANG napuno ang mga ospital sa Kalakhang Maynila sa mga kasong walang kinalaman sa COVID-19 o non-COVID–19 cases. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Bernadette Velasco, operations manager ng national patient navigation and referral center (dating One Hospital Command Center) na may mga chronic diseases ang nagagawa nang makapagpa-check-up at makapunta sa mga ospital dahil sa ulat na patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19. Sa nakalipas na dalawang taon aniya ay takot magpunta sa ospital ang mga tao na may ibang karamdaman dahil sa takot…
Read MorePAG-ARESTO SA 93 MAGSASAKA SA TARLAC KINONDENA
KINONDENA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aresto sa 93 agrarian beneficiaries sa Concepcion, Tarlac, isang araw bago ang ika-34 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). “We vehemently condemn the unlawful and mass arrest of 93 agrarian reform beneficiaries and advocates of land rights and human rights in Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac yesterday (June 9),” ani ACT Teacher Party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, nakibahagi lang ng “bungkalan” ang mga magsasaka para ihanda ang lupa para sa pagtatanim sa 200 ektaryang lupain na in-award sa mga ito ng…
Read MoreAWOL NA PARAK ARESTADO SA CARNAPPING
HINDI nakapalag ang isang pulis na Absent without Official Leave (AWOL) nang posasan at bitbitin mula sa harap ng barangay hall sa Sta. Mesa, Manila dahil sa kasong carnapping noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si P/Cpl. Richard Antonio y Lomboy, 32-anyos , binata, at dating nakatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Section (DPHAS) ng Manila Police District at residente ng Ang Buhay St., Sta. Mesa, Manila. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Dionelle Brannon, commander ng MPD-Sta. Mesa Police Station 8, bandang alas-9:00 ng gabi noong Huwebes nang…
Read More2 MWPs HULI SA QCPD
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, ang pagkaaresto sa tinaguriang no. 4 district level most wanted person at Northern Samar most wanted person, sa bisa ng warrants of arrest kahapon sa Quezon City. Ayon sa ulat ng District Special Operations Unit (DSOU), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Melgar Devaras, kinilala ang no. 4 district level most wanted person na si Marco Martirez, 42, residente ng Brgy. Batasan, Quezon City, at naaresto dakong alas-5:25 ng hapon, noong Hunyo 8, 2022 sa kanyang tirahan. Si Martirez ay may nakabinbing…
Read MoreTinalakay sa Marcos-Sherman meeting PHL-US ECONOMIC TIES PAIIGTINGIN
(CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL) NAGKITA sina United States Deputy Secretary of State Wendy Sherman at President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nitong Huwebes at tinalakay kung paano palalakasin ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa isang tweet, sinabi ni Sherman na ang ekonomiya, human rights, at free Indo-Pacific region ay kabilang sa mga paksa na tinalakay ng mga ito sa kanilang pulong. “I was pleased to meet and congratulate President-elect Marcos. We discussed strengthening our longstanding alliance, expanding people-to-people ties, deepening our economic relationship, advancing human rights, and preserving…
Read MoreREP. MARCOS BINATI SI PROF CARLOS
BINATI ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos si retired Professor Clarita Carlos sa pagkakatalaga bilang National Security Adviser sa ilalim ng administrasyon ng kanyang amang si incoming President Ferdinand Marcos Jr. Sa social media ipinabatid ng mambabatas ang pagbati sa pamamagitan ng ipinost na larawan nilang mag-ama kasama si Carlos. Isa rin aniyang karangalan na makilala si Carlos at umaasa siya na magkakaroon sila ng mas maraming pag-uusap kaugnay sa mga polisiya at state of geopolitics. Si Carlos na kilala bilang isang political analyst at retiradong Political Science Professor sa…
Read More