Guilty sa P780-M graft charges KULONG AT PERPETUAL DQ KAY PICHAY

PINATAWAN si outgoing Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay ng 18 taon hanggang 30 taong pagkakabilanggo at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng pwesto sa gobyerno. Ito’y matapos mahatulang ‘guilty beyond doubt’ ng Sandiganbayan Fourth Division ang kongresista sa kasong graft (3 counts) kaugnay ng P780 milyong pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA) taong 2009 bilang Chairman. Sa 66-pahinang desisyon ng anti-graft court, hinatulang “guilty of gross inexcusable negligence” si Pichay dahil sa iregular na pagkuha sa 60% shares ng Express Savings Bank Inc. (ESBI), na aabot sa halagang…

Read More

TAGUIG CITY SCIENCE TERMINAL AND EXHIBIT CENTER PINASINAYAAN

PINASINAYAAN nitong Huwebes ang Taguig City Science Terminal and Exhibit Center sa loob ng DOST compound, General Santos Ave., Bicutan, Taguig City. Pinangunahan ni Senator-elect Alan Peter S. Cayetano ang groundbreaking ceremony na isa sa mga proyekto ng Dept. of Science and Technology at city gov’t. Ang 5-storey building ay may basement at roof deck upang maorganisa ang transport system sa isang lugar para sa komportable at maginhawang lugar para sa mga commuter at pedestrian. Makatutulong din ito upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa naturang bisinidad sa pamamagitan ng…

Read More

Sa pagkamatay ng empleyado KOMPANYA SA C. VISAYAS SINUSPINDE NG DOLE

patay

NAGPALABAS ang Department of Labor and Employment- Central Visayas Pro-7  ng temporary work stoppage order laban sa kumpanya ng pagkain at inumin (food and beverages) sa Mandaue City matapos mamatay ang isa nitong manggagawa habang naglilinis ng pulverizing machine. Ayon kay Marites Mercado, hepe ng Tri-City Field Office ng DOLE-7, nagpalabas ng work stoppage order laban sa Universal Robina Corp. (URC) noong Lunes, Hunyo 6, dahil paglabag sa safety protocols para sa kanilang mga manggagawa na nagresulta sa pagkamatay ng isang Stephen Corilla noong Hunyo 2. Namatay si Corilla makaraang mahigop sa pulverizing machine…

Read More

P49-M SHABU, NASABAT SA 13 TULAK SA CAVITE

CAVITE – Mahigit P49 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong 13 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operations sa Dasmariñas City at Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles. Sa buy-bust operation sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, kinilala ang mga arestado na sina Sandro Llanos Toledo 35, at Cecille Pilar Pakingan, 40; habang sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City ay kinilala ang mga arestado na sina Said A. Ungpe, 39, at Ali D. Masinger, 22; sa Brgy. Maliksi 3, Bacoor City kinilala ang…

Read More

SERYE NG BOMBINGS SA MINDANAO, BINUBUSISI NG NBI

MASUSING iniimbestigahan ng ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nangyaring sunod-sunod na pambobomba sa Yellow Bus Line, Inc. (YBLI), Mindanao Star Bus, at Rural Tours sa Mindanao. Lumitaw sa inisyal na ulat na nakarating kay NBI Director Eric Distor, extortion at pananakot ang motibo ng mga terorista sa anim na bombing attacks sa bus lines sa nagdaang dalawang taon. Kaugnay nito, nananawagan si Distor sa mga regional director at opisyal ng NBI na makibahagi sa nasabing imbestigasyon. Nagsimula ang serye ng pambobomba noong Enero 7, 2021 sa YBLI Office sa…

Read More

PROF CARLOS AT CONG ESTRELLA EXCELLENT CHOICES, AYON SA ILANG SENADOR

INILARAWAN ng ilang senador bilang excellent choices sina Professor Clarita Carlos at Cong. Conrado Estrella bilang National Security Adviser at kalihim ng Department of Agrarian Reform. Sinabi ni Senate President Vicente Tito Sotto III na naniniwala siya sa kakayahan ng dalawa para gampanan ang mga bago nilang posisyon. Sa panig naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Migz Zubiri, ipinaliwanag na eksperto si Carlos sa geopolitics at hindi rin dapat maging kwestyon ang kanyang gender para sa male-dominated position dahil kilala niya ang tapang at talino nito. Kinumpirma naman ni…

Read More

MEGAFARM PROJECT NG DAR SUPORTADO NG TF MAPALAD

UPANG maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, suportado ng Task Force Mapalad (TFM), isang federation ng agrarian reform beneficiaries ng mga magsasaka, ang plano ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ipatupad ang mega farms project. Sinabi ng TFM dapat na agad ayusin ni DAR Secretary Bernie Cruz ang konsepto, na nangangailangan ng pagsasama-sama ng maliliit na lote ng sakahan sa mega farms para sa produksyon ng palay. Sa isang telephone interbyu, sinabi ni Lanie Factor, national deputy coordinator ng Task Force Mapalad (TFM) na ang papasok…

Read More

Laban sa human trafficking BIYAHENG JAPAN HINIGPITAN

IPINAG-UTOS ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang inspectors na nakatalaga sa international airports na higpitan ang pagsasala sa mga Pilipino na paalis papuntang Japan bilang bahagi ng kasalukuyang pagsisikap ng ahensya na masawata ang illegal recruitment at human trafficking. Sa memorandum kamakailan, iniutos ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa Immigration inspectors sa ports of exit ang “due attentiveness” para sa Filipino passengers na papuntang Japan. Iniutos din ni Morente sa BI personnel na ipatupad ang dobleng pag-iingat sa pagsasala sa departure ng mga Pilipino na may visas para sa ‘intra-company transferee, short-term…

Read More

ACTRESS-POLITICIAN NIREGALUHAN NG BALA

NAKATANGGAP ng death threat ang actress-politician na si Angelika dela Cruz, lagpas isang linggo matapos likidahin ng riding in tandem ang chairman ng Barangay Tonsuya sa Malabon City. Inilahad ni Dela Cruz na kapitana ng Barangay Longos, sa social media ang larawan ng sulat at apat na punglong ipinadala sa kanya, nakasaad ang pangalan ng apat na opisyal, kabilang siya, na umano’y itutumba. Magugunitang noong Mayo 28, pinagbabaril at napatay si Felimon Villanueva, 68, barangay chairman ng Tonsuya, habang nakaupo sa harap ng kanyang bahay sa #1 C. Perez Street.…

Read More