LUCENA CITY – Dalawang siyudad at pitong bayan lang sa lalawigan ng Quezon ang isinailalim sa Alert Level 1 mula sa April 1 hanggang 15 sa patuloy na COVID-19 pandemic, dahil sa namamayani pa rin ng takot sa bakuna ng mamamayan. Ayon kay Governor Danilo Suarez, tinatayang nasa 61 hanggang 66 porsyento lang ang fully vaccinated sa populasyon ng 32 bayan na patuloy na nasa ilalim ng Alert Level 2 hanggang sa April 15. Batay aniya sa mga nakalap na impormasyon, marami sa mga tumanggap ng unang turok ng bakuna…
Read MoreAuthor: admin 2
TAAL VOLCANO NAGTALA NG 36 LOW FREQUENCY EARTHQUAKES
NAKAPAGTALA ng 36 low frequency volcanic earthquakes ang Bulkang Taal noong Biyernes. Ayon sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, dakong alas-8:00 ng umaga nitong Sabado, may nangyari ring upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater ng bulkan na lumikha ng plume o usok na may taas na 900 metro. Ang ibinugang sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 2,451 tonelada kada araw mula noong Abril 1. Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan at sa lagay na ito, ayon sa Phivolcs, ay nanunuot ang magma…
Read MoreBinuong SITG binalewala 6 KINASUHAN NG INFANTA MAYOR SA BIGONG AMBUSH
POSIBLENG mauwi sa wala ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) ng pulisya na nag-iimbestiga upang resolbahin ang bigong pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America noong February 27, 2022, dahil sa tila pagbalewala rito ng alkalde nang direkta itong magsampa ng kaso laban sa kanyang mga katunggali sa pulitika. Matatandaan na ang SITG ay mabilis na binuo ng pulisya alinsunod sa direktiba ni Phil. National Police chief Gen. Dionardo Carlos kay Calabarzon Police Director Brig. Gen. Antonio Yarra, isang araw makalipas ang pananambang kay America sa poblacion ng…
Read MoreOPERATOR NATUSTA SA BOOM TRUCK, 2 PA SUGATAN
QUEZON – Patay ang isang operator ng boom truck matapos na ang crane nito ay sumabit sa high tension wire sa project site sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Sugatan din ang dalawang kasamang trabahador nito na siyang nasa taas ng lift basket ng crane. Kinilala ng Sariaya Police ang biktimang namatay na si Jumar Lubon, 27, residente ng Rosario, Batangas. Sugatan naman ang mga laborer na sina Frederick Formento, 32, at Johnny Sta. Maria, 34, parehong taga Pitogo, Quezon. Batay sa report ng Sariaya Police, bandang alas-2:10 ng hapon,…
Read MoreMulta sa traffic violations kinupit? MAG-ASAWANG TAUHAN NG MTPB KINASUHAN
SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Section 3e ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at qualified theft ang isang mag-asawang kapwa empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang madiskubreng nawawala ang perang naipon ng traffic enforcers mula sa multa sa traffic violations, na nakalagak sa opisina ng nasabing ahensya sa Manila City Hall, Arroceros St., Ermita, Manila. Kinilala ang mag-asawang sina Ronald Costales, 38, traffic enforcer, at Jennilyn Costales, 31, MTPB OVR encoder, kapwa residente ng Brgy. 111, Tondo, Manila. Nabatid na nakipag-ugnayan si Rodel Delos Santos,…
Read MoreITOGON LGU SINITA NG COA SA PAGLABAG SA PROCUREMENT LAW
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang munisipalidad ng Itogon dahil sa umano’y ‘paglabag’ sa procurement law at ‘unaccounted’ relief goods o hindi nabilang na welfare goods na ipinamahagi umano sa mga residente noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa kanilang CY 2020 Audit Report, sinabi ng COA na pangunahin umanong ‘nalabag’ ng munisipalidad ng Itogon ang Section 10 ng Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Government Procurement Act (RA 9184) at ang mga probisyon ng Bayanihan Grant to Heal as One Act (RA 11469), at GPPB Circular…
Read MoreAYUDA SA PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS HILING NG TURISMO
HUMIRIT ang Turismo Isulong Mo Partylist sa nasyunal at mga lokal na pamahalaan na tulungan ang mga pamilya at mga manggagawa na maaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa. Ayon kay Wanda Tulfo-Teo, 1st nominee ng Turismo, marapat lamang na tulungan ang ating mga kababayan. Sinabi ni Teo na sukdulan na ang paghihirap ng maraming kasamahan sa sektor ng turismo dahil halos hindi na abot-kaya ang mga presyo ng bilihin. Sinusuportahan ng TURISMO ang panawagan ng publiko na suspendihin ang pagpapataw ng excise tax sa fuel…
Read MoreMGA REBELDE PINAGBABALIK-LOOB SA PAMAHALAAN
BINIGYANG DIIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng mas malakas na whole-of-nation approach sa pagtugon sa local insurgency sa bansa, kasunod na rin ng panawagan ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga miyembro ng armed wing nito na New People’s Army (NPA) na paigtingin pa ang kanilang recruitment, sa kanilang pagdiriwang ng ika-53 founding anniversary noong Marso 29. Nagpahayag ng pagkadismaya si Go sa naturang panawagan ng CPP at muling umapela sa mga rebelde na magbalik-loob at sumuko na sa pamahalaan. “Mayroon lang akong pakiusap, imbes…
Read MoreACT-CIS NAGPASALAMAT SA SUPORTA
NAGPASALAMAT ang ACT-CIS Partylist sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila matapos manguna sa latest survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa mga ibobotong partylist sa darating na halalan ngayong May 9, 2022. Nakakuha ng 8.23 % rating ang ACT-CIS na sapat para maging “top choice” na partylist ng mga botante. Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, nakatataba ng puso dahil pinili sila ng mga botante para muling maging kinatawan nila sa Kongreso. Taos-pusong nagpapasalamat si Yap sa tiwala sa kanila ng publiko at nangakong ipagpapatuloy ang magagandang…
Read More