Pinabulaanan at tinawag ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri na malisyosong pagpaparatang ang kumakalat na video ngayon sa social media na diumano’y iniwasan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na itaas ang kamay ng kanyang ama na si Gov. Joe Zubiri sa ginanap na campaign rally ng UniTeam sa Malaybalay, Bukidnon. Sa isang Facebook post, sinabi ni Zubiri na nagkaroon lamang ng kalituhan sa pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa stage. Sinabi rin niya na ang pagkakaputol sa naturang video ay may layuning manlinlang lamang. “The truth is it’s just…
Read MoreAuthor: admin 2
106 Navoteño nagtapos ng tech-voc courses
UMABOT sa 106 Navoteño ang naging kwalipikadong skilled workers kasunod ng pagtatapos nila ng technical-vocational education and training sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. Sa nasabing bilang, 22 ang nagtapos ng Shielded Metal Arc Welding NC II; 24, Food and Beverage Services NC II; 23, Bread and Pastry Production NC II; anim, Tailoring NC II; at pito, Perform Manicure and Pedicure Leading to Beauty Care NC II. Bukod sa kanila, 10 trainees ang gumradweyt sa Basic Korean Language and Culture, habang 14 iba pa ang nagtapos ng Basic Visual…
Read MoreCALOOCAN COPS TINURUANG MAG-SIDELINE
ALINSUNOD sa paggunita sa Panahon ng Kuwaresma, lumahok ang Northern Police District (NPD) sa isinagawang Pastoral Visit at Holy Mass sa NPD Multi-Purpose Hall kamakailan. Pinangunahan ni Rev. Fr. P/Col. Arnulfo A. Castillo, Regional Chaplain, National Capital Region Police Office, ang nasabing misa. Sa nasabi ring bulwagan ay idinaos ng District Community Affairs and Development Division ang isang araw na livelihood seminar para karagdagang kita ng mga pulis, sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa naturang seminar ay tinalakay ni Jhon Jhon Batiancila, lecturer, ang proseso…
Read MoreASG LEADER, 10 TAUHAN SUMUKO; 12 BIFF SUMUKO RIN
SUMUKO si Abu Sayyaf Sub-Leader Abdullah Indanan, alyas “Guro” at sampu nitong miyembro sa militar sa Hadji Mohammad Ajul, Basilan. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WestMinCom) commander, Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., sumuko ang grupo ni Indanan kay Joint Task Force Basilan Commander Brigadier General Domingo Gobway sa Barangay Serongon. Ang grupo ni Indanan ay nagsasagawa ng operasyon sa Lamitan-Tuburan-Mohammad Adjul complex. Sumuko ang mga rebelde apat na araw matapos mapatay ang isa pang ASG sub-leader na si Radzmil Jannatul alyas “Khubayb” sa 15 minutong…
Read MorePula na at hindi dilaw ang Tarlac!
Ito ang napatunayan nang mainit na sinalubong ng libo- libong Tarlakenyo si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasama ang buong slate ng UniTeam na isang malaking sorpresa sa kasaysayan ng 2022 national elections. Ang pagbisita ng UniTeam ay isang linggo halos mula nang magpakita sa publiko si Kris Aquino upang i-endorso si Leni Robredo na nagsabing ang kanilang lalawigan ay nananatiling dilaw. Marami naman ang nagulat nang maglabasan sa kalsada ang mga Tarlakenyo upang ipakita ang mainit nilang pagsalubong kay Marcos na nagsagawa ng caravan. Ang motorcade na dapat…
Read MoreTodong suporta , proteksyon ibibigay ng BBM-Sara UniTeam sa mga OFWs, kanilang pamilya
Tiyak na proteksiyon at mas maraming benepisyo para sa kanilang mga pamilya ang pangako ng BBM-Sara UniTeam para sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Sa ginanap na miting de avance, isang online dialogue kasama ang mga OFWs, nilahad ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang kaniyang plano na maayos ang pagbalik ng mga modern-day heroes’ na siyang malaki ang kontribusiyon sa ekonomiya ng bansa. “Kailangang kilalanin natin ang paghihirap ng ating mga OFWs. Ang remittance nila ang bumuhay sa ating ekonomiya nitong pandemiya. Ang mga remittance…
Read MoreBUKIDNON TINODO SUPORTA SA BBM-SARA UNITEAM
‘DI mahulugang karayom sa dami ang mga taong pumunta sa rally ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running mate na si Inday Sara Duterte na ginanap sa capitol ground ng Malaybalay City, Bukidnon nitong Huwebes. Bago magtungo sa UniTeam grand rally nagkaroon muna si BBM ng maiksing caravan papunta sa Valencia City, Bukidnon upang pasinayaan ang bagong BBM-Sara UniTeam headquarters. Mula sa roadhouse kung saan nagsimula ang caravan inabangan na si Marcos ng kanyang supporters na todo ang hiyawan at sigawan. Tumagal ang caravan ng halos dalawang oras…
Read MoreBBM-SARA LANDSLIDE WIN SA LANAO DEL SUR Siniguro ni Gov. Adiong
WALANG pag-aalinlangan at buo ang suportang ipinakita ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr.kasama ang buong lalawigan sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice-presidential frontrunner Mayor Inday Sara Duterte. Sa ginanap na rally sa Lanao del Sur provincial gymnasium kamakailan ipinakita ng Lanaoeños na buo ang kanilang suporta para sa BBM-Sara UniTeam. Unang nagkaroon ng mini- rally ang UniTeam sa Marawi City gymnasium na dinaluhan ng libo-libong supporters. Sa talumpati ni Gov. Adiong ay sinabi nito na buo ang suporta ng Lanao del Sur…
Read MoreSUSPEK SA MASAKER SUMUKO SA ARMY
HAWAK na ng Sultan Kudarat PNP ang sinasabing prime suspect at isa sa tatlong armadong kalalakihan na walang awang namaril sa isang pamilya na ikinamatay ng apat katao kabilang ang dalawang menor de edad, sa bayan ng Lebak sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Kasalukuyang nakakulong sa Lebak Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Dinder Saludin Racman, 31, residente ng Sitio Tuka, Barangay Datu Karon, Lebak, Sultan Kudarat. Sa pakikipag-ugnayan ng 57th Infantry Battalion, Philippine Army, sumuko ang suspek kay Uztads Wahad Hussien, MILF-CCCH (Moro Islamic Liberation Front – Coordinating Committee on the Cessation…
Read More