13% lang ang tumugon PINOY DEDMA SA BOOSTER SHOT

LABIS na nababahala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion hinggil sa mababang ‘booster uptake’ sa bansa. Kaya naman ipinanukala nito na i-redefine o muling tukuyin kung ano ang taong ‘fully vaccinated.” “As of mid-March, our total fully vaccinated individuals is 73%, but those who have received their booster shots is only 13%,” ayon kay Concepcion. Tinukoy nito ang data mula sa National Vaccination Operations Center. Aniya, maging sa highly vaccinated National Capital Region, pumalo lamang sa 30% ng eligible population ang boosted individuals. Sa mga lalawigan na may fully…

Read More

KRISTIYANO AT MUSLIM LUMAGDA SA KASUNDUAN NG PAGKAKAISA SA MAYNILA

NILAGDAAN nina Manila Mayoralty bet Atty. Alex Lopez, Vice Mayor aspirant Raymond Bagatsing ang isang kasunduan sa kinatawan ng Muslim Community Masjid, na naglalayong magkaisa ang mga ito at mga kristiyano. Kasabay ng kanilang paglagda na ginanap sa Bayleaf, Intramuros, Manila nitong Huwebes ng hapon ay tiniyak ng mga lider at kinatawan ng Muslim Community sa Maynila ang kanilang buong suporta sa tambalang Alex at Raymond sa darating na 2022 elections. Itinataguyod ng mga nasabing grupo ang layunin ng UniTeam sa pangunguna ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos para sa pagkakaisa…

Read More

Deklarasyon ni Elizabeth Oropesa MGA ARTISTA KAY BBM HINDI BAYARAN

“IPAPUPUTOL ko ‘yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM!” Ito ang sinabi ni multi-awarded actress Elizabeth Oropesa bilang reaksyon sa mga naglalabasan sa social media na ang mga artistang sumasali sa campaign rally ng BBM-Sara UniTeam ay mga bayaran. Ayon kay Oropesa, ang ginagawa niyang pagtulong kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ay boluntaryo at kahit kailan ay hindi siya nagpapabayad para lamang suportahan ang nangungunang presidentiable. “Nakita n’yo naman siguro kahit sa mga caravan at…

Read More

UAAP Season 84 men’s basketball QUADRUPLE TREAT

UMAATIKABONG aksyon ang matutunghayan sa quadruple-header na pagbabalik ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament, ngayon sa SM Mall of Asia Arena. Agad sasalang ang defending champion Ateneo de Manila University Blue Eagles ni SJ Belangel at University of the Philippine Fighting Maroons ni Ricci Rivero sa alas-4 ng hapon. Matatandaang noong Season 82 noong 2019 ay nakamit ng Blue Eagles ang kanilang three-peat championship, habang kinapos na makasampa sa finals ang Fighting Maroons na nagkasya sa ikatlong pwesto. Ngunit bago ito, unang didribol ang FEU Tamaraws ni L-Jay Gonzales…

Read More

NCAA Season 97 men’s basketball DOBLENG PASABOG

DALAWANG pares na teams ang buena mano sa pagbabalik ng NCAA Season 97 men’s basketball tournament tampok ang hosts De La Salle-College of Saint Benilde Blazers ni Prince Carlos at reigning champion Colegio de San Juan de Letran Knights ni Fran Yu, ngayon sa SM Mall of Asia Arena. Didribol ang ­Blazers kontra sa Season 95 champion Knights sa ­unang laro sa alas-3:30 ng hapon. Magugunitang nasungkit ng Letran ang titulo habang kinapos na tungo sa Final Four ang Blazers. Sa ikalawang game ay maghaharap ang San Beda University Red…

Read More

GINEBRA NAMUMURO SA FINALS

HINDI nakalaro para sa Barangay Ginebra si Japeth Aguilar dahil sa injury, ngunit bigo ang NLEX Road Warriors na samantalahin ito nang yumuko sa ikalawang pagkakataon sa Gin Kings, 104-94, Biyernes sa Mall of Asia Arena. Dahil sa panalo, isa na lang ang kailangan ng Ginebra upang tuluyang umusad sa PBA Governors’ Cup Finals. Gaya nang inaasahan, bumandera para sa Gin Kings sina resident import Justin Brownlee at guard Scottie ­Thompson na sinandigan ng team upang mabura ang ­double-digit deficit tungo sa ikalawang pagwawagi sa best of five semifinals, at…

Read More

LIBRENG CREMATION SA NASAWI SA COVID TULOY SA CALOOCAN

MAHIGIT 405 residente ang napagserbisyuhan ng cremation services program ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan simula nang maipatayo ang Sangandaan Crematorium Facility. Ipinatayo ng City Hall ang nasabing pasilidad gamit ang buwis ng mamamayan bago pa man magsimula ang COVID-19 pandemic. Sa kasagsagan ng pandemya noong Marso 2020, binuksan ang crematorium upang umagapay sa mahihirap na pamilya sa Caloocan na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemya. Sa pamamagitan ng mababang presyo ng cremation, natutulungan ang mga residente na mabigyan ng disenteng huling hantungan ang mga yumaong kapamilya na naging…

Read More

Kagawad biniktima ng e-sabong adik NAGBASAG KOTSE PARA SA BISYO

HUMANTONG sa karsel ang isang 58-anyos na lalaking ipinalalagay na lulong sa e-sabong, matapos na basagin ang salamin at pagnakawan ang kotse ng isang kagawad ng barangay sa Valenzuela City para umano may maipambayad sa mga utang. Swak sa hoyo at nahaharap sa kasong theft ang suspek sa si Robert Leonardo, ng Barangay Bagbaguin, Caloocan City, na natiklo sa follow-up operation noong Marso 23. Ayon sa pulisya, sa nasabi ring araw, binasag ang salamin at pinagnakawan ng suspek ang Mitsubishi Montero ng biktimang si Jim Ajero, 47, barangay kagawad, habang…

Read More

BI, 82% NANG NASA AUTOMATED SYSTEM

IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC), nasa 82 porsyento na ng kanilang mga sistema ang ‘automated o computerized’ sa ilalim ng kanilang programa sa modernisasyon, dahilan para tumaas ang kanilang koleksyon kahit ngayong pandemya. Nasa 139 sa 170 proseso nito ang ‘computerized’ na, na naisagawa sa loob ng anim na taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, noong 2020, umabot sa P537.69 bilyon ang kanilang naging koleksyon na nahigitan ang target nila na P506.15 bilyon. Noong 2021 naman, umabot sa P643.56 bilyon ang kanilang…

Read More