NAGBABALA ang Malakanyang sa publiko laban sa pagbili at pagbebenta ng boto dahil ito ay malinaw na election offenses. Pinaalalahanan ni Acting deputy presidential spokesperson Kristian Ablan ang publiko na huwag masangkot sa bagay na ito lalo pa’t 45 araw na lamang bago ang halalan sa bansa. “The Palace reminds the Filipino people that vote-buying and vote-selling are prohibited acts under the Omnibus Election Code so bawal po tumanggap at bawal din po bumili ng boto,” ayon kay Ablan. “Anyone found guilty of these prohibited acts under the Omnibus Election…
Read MoreAuthor: admin 2
MUNISIPALIDAD PWEDE NA RIN SA ALERT LEVEL 1
ISINAMA na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga munisipalidad sa lokalidad na maaaring ma-downgrade o maibaba sa Alert Level 1 sa COVID-19 risk classification. Sinabi ni acting deputy presidential spokesperson Kristian Ablan na inamyendahan na ng IATF ang rekomendasyon ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center (NVOC). “Sinama ang municipalities sa maaaring ma-deescalate sa Alert Level 1,” ani Ablan. Matatandaang tanging ang mga lungsod, lalawigan at rehiyon ang in-assess para sa COVID-19 alert levels. Idinagdag pa ni Ablan na ang low-risk total bed utilization rate…
Read MoreMSMEs PANALO SA PROGRAMA NI BBM
KUMPIYANSA ang founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion na kapag nanalo si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa darating na eleksyon sa Mayo 9, 2022, lalago ang mga lokal na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) dahil sa kanyang mga inihandang programa. Ayon pa kay Concepcion na isa ring business tycoon at kasalukuyang Presidential Adviser for Entrepreneurship, si Marcos ay isa sa mga kandidatong nakakaunawa kung paano papaunlarin ang sektor ng MSME ng bansa. “Judging from the platforms they have presented on Go Negosyo’s KandidaTalks forum, both…
Read MoreSANA ‘DI DUMANAK ANG DUGO
PORMAL nang nagsimula ang kampanya ng local candidates mula congressman, governor, mayor hanggang sa sangguniang bayan (SB) kahapon, Marso 25. Sa report ng Commission on Elections (Comelec), 18,023 posisyon ang paglalabanan sa local election. May mga posisyon na tatlo hanggang 5 kandidato ang naglalaban lalo na sa congressional, gubernatorial at mayoralty seat. Mas marami ang kumakandidato sa sangguniang bayan dahil may mga lugar na hanggang 38 ang naglalaban sa 7 upuan sa konseho. Kaya karaniwan na nating naririnig, nababasa at napapanood na kapag panahon ng kampanya, marami ang namamatay as…
Read MoreBBM-SARA UNITEAM SUPPORTERS DARAMI PA SA SIMULA NG LOCAL CAMPAIGN
HINDI na mapipigilan ang lalo pang pagtaas ng suporta ng taumbayan kina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Mayor Inday Sara Duterte dahil sa kaliwa’t kanang suporta sa kanila ng iba’t ibang partido at organisasyon. Naniniwala si Partido Federal ng Pilipinas General Counsel Atty. George Briones, tataas pa ang bilang ng mga susuporta kina Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte sa darating na eleksyon 2022 dahil sa pag-endorso sa kanila ng PDP-Laban. Ayon kay Atty. Briones, malaking tulong ang pormal na endorso mula sa partido dahil ito ang…
Read MoreGABAY SA PAGPILI NG KANDIDATO
SA hudyat ng Commission on Elections (Comelec), nagsimula na ang mas pinaigting na antas ng kampanya sa mga kandidatong lokal na pwesto ang puntirya. Oktubre pa lang ng nakalipas na taon marami na ang pumupustura. May mga nag-iikot sa iba’t ibang barangay para magpakilala, meron din namang mga dumadalo sa mga pagtitipon para dumulog ng suporta, gayundin ang mga namumuhunan sa paraan ng pera at ayuda. Hindi rin naman nagpapaiwan ang mga trapong diskarte ay paninira sa kapwa kandidato, ang mga politikong magaling lang mangako at iyong pupuntahan ka lang…
Read MoreDefensor nangunguna rin sa Pulso ng Pilipino survey BBM RATSADA NA SA 51%
LALONG lumalabo ang posibilidad na makahabol pa si Vice President Leni Robredo kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. halos apatnapung araw na lamang bago ang halalan sa darating na Mayo 9. Bawat araw ay nadaragdagan ang kalamangan ni Marcos kay Robredo base sa iba’t ibang survey. Sa inilabas na datos kamakalawa ni Ed Malay, director ng The Issues and Advocacy Center, base sa resulta ng kanilang Pulso ng Pilipino Survey ay nakapagtala si Marcos ng 51% habang kulelat naman sa 21% si Robredo. Ang survey ay ginawa noong Marso…
Read MoreMSMEs LALAGO SA BONGBONG ADMIN
KUMPIYANSA ang founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion na kapag nanalo si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa darating na eleksyon sa Mayo 9, 2022, lalago ang mga lokal na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) dahil sa kanyang mga inihandang programa. Ayon pa kay Concepcion na isa ring business tycoon at kasalukuyang Presidential Adviser for Entrepreneurship, si Marcos ay isa sa mga kandidatong nakakaunawa kung paano papaunlarin ang sektor ng MSME ng bansa. “Judging from the platforms they have presented on Go Negosyo’s KandidaTalks forum, both…
Read MoreHindi rally at socmed engagement – Data expert PULSO NG BOTANTE SINASALAMIN NG SCIENTIFIC SURVEY
WINASAK ng chief data scientist ng Publicus Asia Inc. ang paniwala ng ilang kampo na ang paghahakot at pagbabayad ng mga tao para dumalo sa kanilang campaign rally at magmukhang marami silang taga-suporta ay makatutulong sa kanilang kampanya. Ipinaliwanag ni Dr. David Yap Jr., chief data scientist ng Publicus Asia Inc. na ang malaking bilang ng tao na dumadalo sa mga rally ay hindi nangangahulugan na malaki na rin ang kanilang makukuhang boto. Giit niya ang totoong barometro ng sentimyento ng mga tao ay nakabase sa mga resulta ng scientific…
Read More