INIULAT ng Commission on Audit (COA) na may P4.99-billion na inilaan para sa loan distribution sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng Bayanihan 2 Act ang naiwan at hindi nagamit. Sa pamamagitan ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program, ang Small Business Corporation (SB Corp.) ay nakatanggap ng P9.08-billion na ipamamahagi bilang collateral-free at 0% interest loans sa MSMEs. Nakasaad sa 86-page report ng COA, nagpalabas lamang ang SB Corp ng P4.09-billion o 45.04% ng P9.08-billion, naiwan at hindi nagamit ang P4.99-billion o 54.96% Ang SB…
Read MoreAuthor: admin 2
KITA NG OIL COMPANIES PUNTIRYA SA SPECIAL SESSION
SA gitna ng walang humpay na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, muling nanawagan ang isang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kagyat na pagpapatawag ng isang special session sa hangaring amyendahan ang oil deregulation law. Ayon kay House committee on economic affairs chairperson Rep. Sharon Garin, higit na angkop na matalupan ang aktuwal na halagang ginagastos ng mga kumpanya ng langis at ilahad ang paraan ng pagkukwenta ng kita sa kada litro ng mga produktong petrolyong ibinebenta sa merkado. “If and when, the House convenes a special session, there…
Read MorePASSPORT APPOINTMENT ALLOCATIONS SUSPENDIDO
IPINAG-UTOS ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na itigil ang alokasyon ng passport appointment slots sa recruitment agencies. Nakarating kasi sa kaalaman ni Locsin ang ginagawang pagbebenta ng ilang indibidwal at grupo ng passport appointment slots sa online. Tiniyak naman ng Kalihim na hindi maaapektuhan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kautusan niyang ito dahil pinapayagan niya ang walk-in para sa passport processing simula Marso 14 kahit pa walang appointments. “Recruiters will no longer be given passport slots. They will have to go online like everyone else. This…
Read MorePAGDEDEKLARA NG STATE OF ECONOMIC EMERGENCY PINAG-AARALAN NA
PINAG-AARALAN pa rin ng Malakanyang ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdeklara ng state of economic emergency sa gitna ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo dala ng Russia-Ukraine conflict. Nanawagan kasi ang ilang kongresista sa pangunguna ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Salceda kay Pangulong Duterte na magdeklara ng state of economic emergency at magpatawag ng special session sa Kongreso para talakayin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at para sa agarang pagbibigay ng ayuda sa transport sector. Sinabi ni…
Read More19% lang kumpara sa 61% ni BBM – Laylo Research ROBREDO BAGSAK DIN SA WOMEN’S VOTES
KASABAY ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, ipinakita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siya ang iboboto at pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga babae sa lahat mga kandidato at inilampaso rin niya ang kaisa-isang babaeng presidentiable na si Leni Robredo, sa mga survey na isinagawa ng Laylo Research nitong Enero at Pebrero. Ayon sa survey na isinagawa ng Laylo Research nitong Enero, nakakuha si Marcos ng 62% preference vote mula sa kababaihan habang malayong 19% ang nakuha ni Robredo o may malaking kalamangan na 43% pabor kay BBM. Nito…
Read MoreABRA SOLID BBM-SARA -GOV BERNOS
BUONG suporta ang ibibigay ng probinsiya ng Abra sa kandidatura ni presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at kanyang running mate na si vice presidential candidate Inday Sara Duterte sa darating na halalan. Ayon kay Abra Governor Ma. Jocelyn Valero Bernos, ang kanilang suporta ay nagmula sa kanilang paniniwala sa panawagang pagkakaisa ng UniTeam. “First, maganda yung call for unity kasi yun ang importante for governance. Kasi kahit sino hindi makaka-act as a leader (efficiently) kung walang unity,” sabi ni Bernos. “‘Yun ang the best reason why kami dito sa…
Read More3 TIMBOG SA ‘PAIHI, ILEGAL NA BARIL
LUCENA CITY – Tatlong kalalakihan ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa “paihi” at mga illegal na baril sa pagsalakay ng mga awtoridaad sa lungsod na ito, noong Marso 7 ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Pena, 38; Ian Toezel Custodio, 28, at Randy Marcelino, 42-anyos. Ayon sa report, nadakip ang mga suspek sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Quezon, Lucena Police at 405th RMFB 4A sa Purok Bagong Buhay, Barangay Ibang-Ibang Talim, Lucena City. Nakumpiska sa mga suspek ang…
Read More41 PAMILYA SA TAYTAY, HINDI NA ISKWATER
MATAPOS ang 30 taon, ganap nang naisalin sa pangalan ng 41 sa tinatayang 300 pamilyang benepisyaryo ang mga titulong patunay na kanila na ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay sa loob ng mahabang panahon. Sa isang kalatas, pormal nang ipinamahagi ang unang batch ng titulong sadyang nakalaan sa mga aktuwal na residente batay sa census na ginamit na batayan ng Taytay local government, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Laguna Lake Development Authority (LLDA), Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP), Department of Social Welfare and Development…
Read MoreSa pagkawala ng mga sabungero PNP, NBI PINAKILOS NG PALASYO
IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero sa bansa. Nakasaad sa ipinalabas na Memorandum ng Malakanyang na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang anomang resulta sa isasagawang imbestigasyon ng PNP at NBI ay isusumite sa Office of the President (OP) at Department of Justice (DoJ) sa loob ng 30 araw mula sa pagpapalabas ng nasabing kautusan. Inatasan naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na magsagawa ng pagsisiyasat…
Read More