GAMIT ang petisyon na isinampa ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema, ipinahinto ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang kanilang Memorandum of Agreement (MOA) sa online news website na Rappler. Sa isang memorandum na inisyu kay Comelec spokesman James Jimenez, binanggit ni acting Chairperson Socorro Inting ang mga isyu na inilabas ng OSG laban sa Rappler kaya niya ipinag-utos na ipatigil ang kasunduan. “Given the allegations against Rappler and the subsequent filing of the Petition with the Supreme Court, it is judicious for the Commission…
Read MoreAuthor: admin 2
DATING PACC CHIEF GRECO BELGICA NANGAKONG AALISIN ANG AMILYAR, LUPA IBALIK SA MGA PINOY
Nangako si dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na aalisin niya ang amilyar at ibabalik ang lupa sa tao kung manalo man siya sa pwesto sa Senado sa eleskyon ngayong Mayo 2022. Sinabi ni Greco Belgica na ang amilyar ay dagdag pasanin lang sa taumbayan. Ibinigahi rin ni Belgica na hindi na dapat binabayaran ng mga tao ang amilyar dahil ang natural na may-ari ng lupa at hindi ang gobyerno. “Ang lupa ay binigay ng Diyos sa tao, hindi sa gobyerno. Pero bakit pati lupa na binili mo na, babayaran mo…
Read MorePANIC BUYING
ISA sa hindi na-anticipate (o alam nila pero ‘di agad kumilos) ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno lalo na ang Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) sa pagsirit ng presyo ng krudo, ang panic buying. Sabagay hindi na ako nagulat dahil puro reactionary lang naman ang mga opisyales ng gobyerno. Parang wala silang advance planning sa mga problemang darating at saka lang magre-react kapag nandyan na ang problema at apektado na lahat. Napansin ko kasi, maraming motorista ang nag-panic kaya pinilahan nila ang mga gasolinahan…
Read MoreCOMELEC-RAPPLER MOA, INSULTO SA NPC AT KBP
HINDI lang insulto kundi sampal sa dalawang malalaking samahan ng mga mamamahayag sa bansa na Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Press Club (NPC) ang ginawang kasunduan ng Commission on Elections (Comelec) at Rappler na may kinalaman sa darating na May 9, 2022 national and local elections. Ang tinutukoy po ng PUNA ay ang pinasok na pakikipagkasundo ng Comelec sa Rappler kamakailan na magtutulungan sila sa pagbabantay sa darating na eleksyon. Layunin daw kuno ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Comelec at Rappler na magkaroon…
Read MoreWALANG TABLA, PURO TALO LANG
SA gitna ng hindi maawat na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing mga bilihin, walang ano mang paggalaw sa antas ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon. Pagtitiyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra, mananatili sa P9 ang minimum fare sa mga pampasaherong dyip sa kabila ng halos dobleng halaga nito kumpara sa unang bahagi ng nakaraang taon. Ang totoo, matagal nang sadlak sa kahirapan ang mga pobreng tsuper ng mga pampasaherong dyip na ang tanging kita ay ang baryang labis…
Read MoreHORNETS NASUKOL NG NETS
SIYAM na three-pointers at season-high 50 points ang kinamada ni Kyrie Irving para tulungan ang Brooklyn Nets na putulin ang four-game skid via 132-121 win kontra host Chartlotte Hornets, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Napasama si Irving sa 22 players sa NBA history na nakapagtala ng limang 50-point games, ayon sa Basketball Reference. Ang kanyang career high 57 points ay naitala noong Marso 12, 2015 nang talunin sa overtime ng Cleveland Cavaliers ang San Antonio Spurs. Dinomina naman ni Andre Drummond ang loob, tumapos na may 20 points at…
Read MoreSAMBO, MARATHON SA TOPS
MAKABULUHANG usapan ang muling matutunghayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, ganap na 10:00 ng umaga via Zoom. Isyu sa sports na sambo, isa sa sumisikat na martial arts sa bansa, ang tatalakayin ni Paolo Tancontin, pangulo ng Pilipinas Sambo Federation Inc., sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), at PAGCOR. Ibabahagi naman ang pinakabagong kaganapan sa Laban ng Lahi Platoon Run Challenge ni Mr. Joenel Pogoy sa programang mapapanood via live streaming sa TOPS officials Facebook page…
Read MoreOBIENA, PATAFA DEADLOCK
WALANG susuko. Ganito ang kapwa paninindigan ni world no.5 at Asia pole vault record holder Ernest John “EJ” Obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa isinasagawang mediation ng Philippine Sports Commission (PSC). Ayon sa isang reliable source, nagmatigas ang national athletics federation sa desisyon nitong hindi iendorso si Obiena sa nakatakdang Southeast Asian Games na gaganapin sa Mayo 12 hanggang 23 sa Hanoi, Vietnam. Maliban sa SEA Games, malabo na rin makalahok si Obiena sa world indoor championships sa Marso 18 hanggang 20 sa Belgrade, Serbia;…
Read MoreMONABESA-VAYSON FIGHT DINEKLARANG ‘NO CONTEST’
IDINEKLARA ng World Boxing Council (WBC) na ‘No Contest’ ang naganap na laban sa pagitan ni Pinoy Jayson Vayson at reigning International Light Flyweight champion Tibo Monabesa ng Indonesia noong Pebrero 27 sa Holywings Night Club sa Jakarta. Sa sulat ni WBC president Mauricio Sulaiman kay Indonesian Boxing Association president Manahan Situmorang na may petsang Marso 7, 2022, hindi kinikilala ng world boxing governing body ang ‘split decision win’ ni Monabesa matapos ang ‘review’ sa laban. Kaugnay nito, ipinag-utos ang ‘rematch’ para maresolba ang isyu. “The 10 judges who evaluated…
Read More