P1.088-B SHABU NASABAT NG PDEA SA VALENZUELA

TINATAYANG mahigit isang bilyong pisong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang Chinese national, sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City noong Martes ng hapon. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Wilkins Villanueva ang arestadong mga suspek na sina Tianzhul Yu ng Fujian, China, at Meliza Villanueva ng Concepcion, Tarlac. Ayon kay Dir. Gen. Villanueva, dakong alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng pinagsamang mga tauhan ng PDEA Intelligence Service (PDEA-IS), PDEA Regional Office – National…

Read More

HARASSMENT SA FOREST RANGERS IPINABUBUSISI

HINIKAYAT ng environmental activist group na Kalikasan PNE, sa House of Representatives na magpulong para imbestigahan ang pag-atake laban sa forest rangers sa Masungi Georeserve. “The violence against environmental defenders like Masungi’s brave rangers have quadrupled during this first month of the elections. We urge Congress to exercise oversight over the situation by acting on the House Resolution filed by Bayan Muna to investigate the situation in Masungi,” ani Leon Dulce, ang national coordinator ng Kalikasan PNE. Noong Martes, ang Masungi Rangers ay ibinahagi sa Facebook post ang anila’y ang pangha-harass na…

Read More

‘Di tumugon sa imbitasyon ng pulisya JOURNALIST SA BAGUIO, PINAULANAN NG BALA

HINILING ng mga militanteng mambabatas sa House Committee on Human Rights na imbestigahan ang tangkang pagpatay umano sa isang mamamahayag sa Baguio City na hindi tumugon sa imbitasyon ng pulisya.   Sa House Resolution (HR) 2510 na inakda ng mga kinatawan ng Bayan Muna, iginiit ng mga ito na imbestigahan ang tangkang pagpatay sa presidente ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) na si Aldwin Quitasol.   Base sa impormasyong nakarating sa grupo ng mga mambabatas, naglalakad si Quitasol kasama ang kanyang asawa na si Kimberlie sa Barangay Quezon Hill nang…

Read More

BOC ELECTRONIC EXCHANGE BUMIDA SA ASEAN CUSTOMS

IBINIDA ng Bureau of Customs (BOC) ang pinaiiral na mekanismong gamit ng Pilipinas at mga karatig bansa sa mas maayos na kalakalan, at sabayang pagpuksa sa mga sindikato sa likod ng illegal smuggling activities sa timog-silangang Asya. Sa ginanap na ASEAN consultation and briefing session, pinangunahan ni Deputy Commissioner Allan Geronimo ng BOC Management Information System and Technology Group (MISTG), at Vice-Chair for Technical Matters of the National Single Window – Technical Working Group (NSW-TWG) ang talakayan para sa ASEAN Customs Declaration Document (ACDD). Giit ni Geronimo, malaking bentahe ang…

Read More

KULANG SA SENTIDO-KUMON

HINDI ikinatuwa ng Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) ang kastigong inilapat ng kawanihan  sa isang empleyadong buntis dahil hindi suot ang takdang uniporme para sa mga kababaihan. Ang totoo, angkop lang naman ang isang mahigpit na patakaran sa alin mang tanggapan ng pamahalaan. Subalit may mga pagkakataong dapat din naman maunawaan, bagay na arok lamang ng mga taong may sentido kumon (common sense). Ito mismo ang giit ng BOCEA sa kaso ni Gng. Darlence Aranas na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) at Subpoena ng tanggapan ni Donato San…

Read More

HANDA SA DAGSA NG KARGAMENTO

SA hudyat ng Inter-Agency Task Force for the Manage­ment of Emerging Infectious Diseases, inaasahan ang muling pagdagsa ng mga pasahero at kargamento sa Ninoy Aquino International Airport, bagay na pinaghandaan na ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa nasabing Paliparan. Pagtitiyak ni BOC-NAIA district collector Carmelita Talusan, handa ang mga BOC personnel na bahagi ng kanyang tanggapan sa hamong kalakip na inaasahang pagdagsa ng mga turista, overseas Filipino workers, balikbayan at ma­ging ng mga mangangalakal na dumadaan sa kanilang kawanihan. Katunayan aniya, nag­dagdag na sila ng mga tauhan sa…

Read More

Unang 6 na linggo pa lang yan! P769.7-M SMUGGLED GOODS KUMPISKADO

SA pagpasok pa lang ng unang anim na linggo ng 2022, agad bumulusok ang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga tangkang pagpuslit ng mga iligal na kargamentong nagkakahalaga ng tumata­ginting na P767 milyon, ayon mismo sa Department of Finance (DOF). Sa datos ng DOF, lumalabas na naging mas aktibo ang kawanihan sa paglulunsad ng 33 search and seizure ope­rations mula unang araw ng  Enero hanggang Pebrero 11. Kabilang sa mga nasabat ng BOC ang P420-milyong halaga ng mga sasakyan at mga piyesa, P221-milyong halaga ng mga sigarilyo,…

Read More

GAME OVER! MAY 9 ELECTION LABANAN NA LAMANG SA 2ND PLACE – KALYE SURVE

PAG-AAGAWAN na lamang para sa ikalawang pwesto sa darating na halalan sa Mayo 9 ng mga katunggali ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang inaasahan, matapos na naman siyang mamayagpag sa pinakahuling real-time, real-man-on-the-street survey at iba pang formal survey. Ito ay ayon sa SPLAT Communications, base sa kanilang analysis sa pinakahuling Kalye Survey na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Pebrero 24. “BBM has the majority in all the clusters nationwide. That, in itself, is proof that at this stage, he is…

Read More

DOH TUTOL SA NATIONWIDE ALERT LEVEL 1

WALA pa umanong batayan para ilagay ang buong bansa sa Alert Level 1 dahil sa mga lugar na hindi pa pasok sa metrics na kinakailangan, ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III. Reaksyon ito ni Duque sa panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na ilagay na ang buong bansa sa Alert Level 1 para lalong mapalakas ang ekonomiya at malabanan ang nangyayaring krisis sa mundo. “Hindi pa ngayon. Masyado pang…ayaw nating mawaldas natin ‘yung ating mga napagtagumpayan na. Kailangan mag-iingat tayo,” saad ni Duque. May plano naman…

Read More