63% ni Bongbong bandera sa Laylo Research survey; 46% ang layo sa kasunod na kandidato

bbm

PUMALO pa sa napakataas na 46% ang lamang ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban sa kanyang malayong karibal sa karerang pampanguluhan, ayon sa survey ng Laylo Research na isinagawa mula Pebrero 14 hanggang 21, 2022. Ito’y matapos magtala si Marcos ng solidong 63% na voter preference mula sa 3,000 respondents sa survey. Patunay na suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang kanyang kandidatura, dahil 6 sa 10 botante ang pinili siya kumpara sa ibang kandidato. Samantala, si Marcos ay namintene ang milya-milyang layo kay…

Read More

WARRIORS NILAPA NG WOLVES

KAMAKALAWA, top scorer si D’Angelo Russell pero game winner ang tres ni Karl-Anthony Towns laban sa Cleveland Cavaliers. Nitong Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila), nagbaliktad ang dalawang manlalaro dahil top scorer naman si Towns, 39 points at may nine rebounds, habang 22 puntos ang ambag ni Russell sa panalo ng Minnesota Timberwolves kontra Golden State Warriors, 129-114, sa Minneapolis. Tumulong din sa T’Wolves si Malik Beasley, 20 points buhat sa 6-of-9 sa 3-point range. Lamang ang Minnesota, 54-42 points on paint, laban sa Warriors na walang maisagot sa bawat…

Read More

MANLALARO, ‘DI TAGAPALAKPAK

NAKABIBINGI raw ang sigaw ng Pinoy fans sa Araneta Coliseum sa laro ng Gilas Pilipinas kontra New Zealand sa 2023 FIBA Asia World Cup qualifiers. Alam na natin ang resulta ng nasabing laro, panalo ang Kiwis, 88-63. Ano ang isinigaw ng fans? Ibalik si Tab Baldwin bilang head coach ng Gilas Pilipinas. Pero, hanggang doon lang iyon. Hindi naman pakikinggan ng pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang gusto ng fans. Hindi rin daw apektado si coach Chot Reyes. Sa halip, mas nais niyang magpokus sa susunod na kompetisyong…

Read More

PAGSISIKAP NI OBIENA MAPUPUNTA SA WALA

Ni ANN ENCARNACION NANGANGANIB hindi makalahok si world’s No. 5 pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa 2022 World Athletics Indoor Championship sa Marso 18-20 sa Belgrade, Serbia. Ito’y makaraang hindi siya makakuha ng kinakailangang endorsement mula sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Ayon sa liham ng PATAFA  Board of Trustees na pirmado ni NCR ­Regional at National Training Director Reynato Unso, hindi nila mae-endorse ang Pinoy pole vaulter habang hindi natatapos ang mediation ng Philippine Sports Commission (PSC). Pinayuhan pa ng Board of Trustees si Obiena na…

Read More

Nakalusot sa walong bala LGU EXEC INAMBUSH

MARILAO, Bulacan – Hindi maipaliwanag ng isang 54-anyos na opisyal ng lokal na pamahalaan kung paano niya nalusutan ang aniya’y tiyak na kamatayang kalakip ng pananambang ng isang armadong salarin sa Sitio Tibagan, sakop ng Barangay Sta. Rosa-2 kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang 54-anyos na malapusang biktima bilang si Wilfredo Diaz na tumatayong municipal administrator ng bayan kung saan naganap ang pananambang. Sa paunang ulat, sakay ng kanyang Mitsubishi Montero patungo sa kanyang tanggapan sa munisipyo ang biktima nang biglang sumulpot sa harapang bahagi ng kanyang sasakyan ang…

Read More

P103-M MARIJUANA SINUNOG SA KALINGA

TINATAYANG P103 milyong halaga ng marijuana ang sinunog kasunod ng isinagawang anti-illegal drug operations (marijuana eradication) sa bayan ng Tinglayan sa lalawigan ng Kalinga. Ayon kay Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., nagsagawa ng anti-illegal drug operations ang kanyang mga tauhan kasama ng Joint Task Group Peace and Justice, mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at local police, sa Brgy. Tulgao East at Mt. Chumanchil, Brgy. Loccong, pawang nasa Tinglayan, Kalinga. Agad na ipinag-utos ang agarang pagsunog sa 485,900 fully grown marijuana plants (FGMP), 72,000 grams…

Read More

CARNAP GROUP MEMBER HULI SA P103K SHABU

CAVITE – Makaraang magpahinga sa carnapping, sa ilegal na droga luminya ang isang miyembro ng Arevalo carnapping group ngunit nasilat at naaresto sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng mahigit P103,000 halaga ng ilegal na droga sa Imus City noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Henry Bella y Flores, 50, may asawa, residente ng Imus City. Ayon sa ulat ni Corporal Marnol Cunanan ng Imus City Police, alas-7:30 ng gabi noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PIU/PDEU Cavite PPO, at Imus CPS sa…

Read More

Pag-atake kinondena ng Bicol PNP PULIS PATAY SA PAGSALAKAY NG NPA

ISANG tauhan ng PNP 504th Maneuver Company ang namatay nang salakayin ng communist New People’s Army ang himpilan nito sa Barangay Esperanza, sa bayan ng Pilar sa lalawigan ng Sorsogon dakong 6:54 ng gabi noong Lunes. Ayon sa report mula sa Sorsogon Police Provincial Office, tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng armadong rebeldeng grupo at ng mga pulis na agarang ikinamatay ni P/Cpl. Ryan M. Atos. Mariing kinokondena ng buong hanay ng PNP Bicol, sa pangunguna ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C Estomo, ang pataksil…

Read More

Sanggol sugatan GINANG, 1 PA NAPATAY NG ‘EX’ BAGO NAG-SUICIDE

LAGUNA – Patay ang isang ginang at isa pang biktima nang pagsasaksakin ng dating live-in partner ng una sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, sumugod sa bahay ng biktimang si Marissa Macunat Espinosa, 52, ang suspek na si Ruben Junneful Goden, sa Brgy. Macabling at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa. Humantong ito sa pananaksak ng suspek sa dating ka-live in na agad nitong ikinamatay. Tinangka naman ng manugang ni Espinosa na si Carol Bermundo Mamaril, na…

Read More