UNITEAM NANAWAGAN NA BANTAYAN ANG OIL PRICE HIKE DAHIL SA RUSSIA-UKRAINE CONFLICT

bbm

NANAWAGAN ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan upang mapigilan at bantayan ang posibleng pagsirit ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin kabilang ang pagkain na maaring maging epekto nang tumitinding digmaan sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine. Sinabi ng UniTeam na sa harap ng sunod-sunod na pagsubok ng mga mamamayan dahil sa pandemya, hindi makatwiran na madagdagan pa ang paghihirap ng mga Pinoy dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. “Masyadong magiging mabigat para sa ating mga kababayan kung lalo…

Read More

DAGDAG P378.4B NALIKOM SA FUEL-MARKING NG BOC

boc pera

HINDI bababa sa P378.4 bil­yon ang nalikom ng gob­yerno mula sa buwis at taripa ng mga inangkat na langis sa ilalim ng fuel-marking program ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng inilunsad na kampanya ng pamahalaan laban sa oil smuggling. Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez, higit pa sa nasabing halagang nalikom ng pamahalaan mula Setyembre 2019 hanggang Pebrero ng kasalukuyang taon ang kayang isampa ng BOC sa napipintong paglulunsad ng sistema ng kawanihan bago pa man sumapit ang takdang panahon inilatag ng kagawaran para sa implementasyon…

Read More

INOSENTENG BIKTIMA, INOSENTENG SUSPEK?

boc

MAKALIPAS ang halos tatlong buwan, nananatiling pala­isipan ang motibo sa likod ng serye ng pamamaslang sa hanay ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC). Giit ng mga nakaantabay na miron sa ahensyang kilala sa katiwalian, magkakaugnay ang mga nasabing insidenteng kinasasangkutan ng mga diumano’y sangkot sa korapsyon. Anila, target likidahin ang mga taong masyado nang maraming alam sa bulok na kalakaran sa nasabing kawanihan. Kung tutuusin, angkop lang naman ang linisin ang BOC, maging iba pang ahensya ng pamahalaan. Subalit tila kalabisan naman kung pati mga inosente…

Read More

P6.8-M DROGA SILAT, PINUSLIT SA NAIA, CLARK

boc droga

TUMATAGINTING na P6.8-milyong halaga ng droga ang timbog ng mga listong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa Clark, Pampanga at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay. Sa Clark, P5.4 milyong halaga ng ecstasy tablets na idineklarang “bass booster speakers” mula sa Brussels, Belgium ang natunugan ng mga alertong operatiba ng BOC-Port of Clark makaraang isailalim sa x-ray scanning ang kontrabando. Isinagawa ang pisikal na pagsusuri na humantong sa pagkumpiska ng isang speaker at 4 packs ng self-sealing plastic sachet na itinago…

Read More

BOC-NAIA BORDER CONTROL VS. DROGA, APRUB SA PDEA

boc

HINDI matatawaran ang kontribusyon ng Bureau of Customs (BOC) sa kampanya kontra droga ng administrasyon Duterte, ayon mismo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasabay ng paggagawad ng pagkilala sa pina­igting na border control sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Partikular na tinukoy ng PDEA ang Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Group (NAIA-IADITG) na anila’y nasa likod ng mga matagumpay na operasyong nagbigay daan sa pagsabat ng P122-milyong halaga ng iba’t ibang klaseng droga sa 57 magkakahiwalay na pagkakataon mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraan taon. Sa isang…

Read More

COCO MARTIN WITH AP PARTYLIST GOES TO CEBU

coco2

“Na miss namin kayo!” the “King of Primetime,” Coco Martin told Cebuanos in his first ever public appearance since the pandemic. It was an emotional and memorable visit to Cebu province for Coco Martin this March 1, Tuesday.  Martin led the grand rallies of the new partylist he supports all over Cebu. The actor is now leading #164 AP Partylist in advocating for the transport and livelihood sector. “Anuman ang hirap na ating pinagdadaanan, may kakampi na tayo. Ang AP Partylist ang tutulong magbigay ng trabaho at kabuhayan sa mga…

Read More

BBM BUBUHAYIN ANG ‘BICOL EXPRESS’

bbm

DETERMINADO si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na kailangang pagandahin at ayusin ang sektor ng transportasyon sa Bicol Region kaya ito ang isa sa magiging prayoridad niya sakaling manalo sa halalan sa Mayo 9. Aniya alinsunod ito sa kanyang adhikain na palaganapin at palakasin pa ang mass transport system sa bansa para na rin sa mas mabilis at maayos na biyahe ng mga tao at produkto na magreresulta naman sa mas maunlad na kalakalan at ekonomiya. “Madalas nating marinig noon ang salitang ‘Bicol Express’ patungkol sa mga tren na…

Read More

Sa paglabag sa Bayanihan 1 QUEZON COUNCILOR INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

NASASANGKOT sa panibagong kaso si Lopez, Quezon Councilor Arkie Yulde dahil sa paglabag umano nito sa ilang probisyong nakasaad sa Republic Act 11469, o mas kilala bilang “Bayanihan to Heal As One Act”. Ito’y matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Isaias Bitoin Ubana II, at inilahad ang mga pagkakataon na nilagay umano ni Yulde sa delikadong sitwasyon  ang mamamayan ng Quezon sa gitna ng pagkalat ng COVID-19 noong Mayo, 2020. Panimula ng nagrereklamo, nag-post si Yulde ng isang flowchart at tinawag itong “guidelines on the implementation…

Read More

Daulah Islamiya-Maute group target ng militar KUTA NG MGA TERORISTA SA LANAO, BINOMBA

KINUMPIRMA ni Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., pinuno ng AFP Western Mindanao Command, na naglunsad sila ng isang major military operation sa Barangay Ilalag, bayan ng Maguing sa Lanao del Sur. Ayon sa inisyal na ulat, matapos ang isinagawang air strike ng dalawang Philippine Air Force assets, sinalakay ng ground forces mula sa apat na infantry battalion, ang liblib na bahagi ng nasabing area kahapon ng madaling araw. Base sa inisyal na ulat, may 2 kasapi ng Daulah Islamiya-Maute Group ang napaslang habang isang sundalo ang napatay at apat ang sugatan…

Read More