SIMULA sa Martes, Marso 1 ay nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang National Capital Region. Inaprubahan kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang NCR simula Marso 1, 2022 hanggang Marso 15, 2022. Ang iba pang lugar sa Luzon na inilagay sa ilalim ng Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15, 2022 ay: • Abra, Apayao, Baguio City and Kalinga sa Cordillera Administrative Region; • Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I; • Batanes,…
Read MoreAuthor: admin 2
PAGGAMIT NG “DRONE” PINABUBUSISI NI ROBES SA KONGRESO
NAGHAIN ng resolusyon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes na humihiling na busisiin ang paggamit ng drone sa bansa upang matigil ang pag-abuso at hindi wastong paggamit nito ng mga walang konsensiyang indibidwal na lumalabag na sa pribadong buhay, tulad ng nangyari sa miyembro ng kanyang pamilya. Sa kanyang inihaing Resolution No. 2473, nanawagan si Robes sa House Committee on Transportation na magsagawa ng imbestigasyon bilang gabay sa paglikha ng batas upang matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng paggamit ng drone sa bansa sa gitna ng…
Read More4 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, 2 SA MALABON
SUMIPA sa 1,721 ang COVID death ng Caloocan City nitong Pebrero 26 mula sa 1,717 noong Pebrero 24, o karagdagang apat na casualties sa loob ng dalawang araw. Hanggang 5 pm ng nasabing petsa ay 111 ang active cases sa lungsod, habang umakyat na sa 74,010 ang confirmed cases, at sa nasabing bilang ay 72,178 na ang gumaling. Dalawang COVID patients naman ang binawian ng buhay sa Malabon City noon ding Pebrero 26, tig-isa sa mga barangay ng Catmon at Niugan. Walang naitalang bagong kaso ng COVID sa siyudad sa…
Read MoreSINDIKATO SINISILIP SA PAGKAWALA NG 31 SABUNGERO
ISA sa mga tinitingnang anggulo ngayon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga nawawalang sabungero ay ang grupo ng sindikato umano ng mga financier. Ayon sa isang imbestigador ng PNP CIDG, isa sa tinitignan nilang anggulo sa pagkawala ng 31 sabungero ay isang malaking sindikato na sangkot sa “panto-tyope sa online sabong na posibleng inonse naman ng mga nawawalang tao”. Gayunman, ayaw pang magbigay ng komento ng PNP hinggil sa nasabing anggulo maging sa pahayag ng isa sa mga ginang na dumulog sa Senado noong isang Linggo. Sa Senate…
Read MoreBAYANIHAN SA PANDEMIC-HIT SECTORS SA PAGSANJAN, LAGUNA
BUNSOD ng kanyang commitment na matulungan ang mas marami pang komunidad na matinding naapektuhan ng pandemya, nagpadala si Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa iba’t ibang sectoral groups sa Pagsanjan, Laguna kamakailan. Ang mga staff ng senador ang nag-organisa ng relief activity sa Laguna Sports Complex Gymnasium sa kalapit na bayan ng Sta. Cruz, kung saan nila tinipon sa maliliit na grupo ang may 947 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga bangkero, magsasaka at mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at Jeepney Operators and Drivers Association (JODA),…
Read MoreBARKADAHAN PARTY-LIST NAGSAGAWA NG MALAKIHANG RALLY SA QUEZON CITY
NAGSAGAWA ng grand rally ang Barkadahan Party-list, ang boses ng masa sa gobyerno, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa Quezon City sa pangunguna ng first congressional nominee nito na si Ren Pasco. Sinabi ni Pasco sa kanyang talumpati, na buong puso siyang naniniwala na walang Pilipino ang itinadhana na maging mahirap. Ang pag-ahon mula sa hirap ay mula sa sariling determinasyon, ngunit kailanman, walang sinuman ang nakaangat mula sa laylayan nang mag-isa, kailangan nya ng kasama. Sa kanilang ginawang pag-ikot noong mga nakaraang buwan, pakikipag-usap, pakikipag-kwentuhan, at pakikipag-damayan…
Read MoreP13.5-M MARIJUANA HULI NG PDEA
TINATAYANG nasa 113 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P13,560,000 ang nakumpiska ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva sa Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga noong Biyernes ng madaling araw Ayon sa ulat, nasabat ng PDEA sa inilatag na checkpoint ang 113 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, katuwang ang mga operatiba ng Cordillera Autonomous Region (CAR) bandang alas-4:00 ng madaling araw sa Sitio, Dinakan, Baranay Dangoy. Ayon sa natanggap na report ni DG Villanueva mula kay CAR Regional Director Gill Castro, ang bulto ng…
Read MoreJEEP NIRATRAT 1 PATAY, 1 SUGATAN
BATANGAS CITY – Isa ang patay habang isa ang nasugatan matapos na pagbabarilin ang sinasakyan nilang jeep sa national highway, Barangay Libjo sa lungsod na ito, noong Biyernes ng umaga. Napatay sa insidente ang 49-anyos na foreman na si Leonardo Arcoirez habang sugatan naman ang 43-anyos na si Efren Zapata, utility worker, na nadamay sa pamamaril. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-6:15 ng umaga, tinatahak ng mga biktima ang highway lulan ng Isuzu jeepney (Plate No. DVZ-319) nang bigla silang paulanan ng bala ng ‘di kilalang mga suspek. Natadtad ng tama…
Read MoreMISIS PATAY, MISTER SUGATAN SA AKSIDENTE
QUEZON – Binawian ng buhay ang isang 60-anyos na babaeng backrider habang sugatan naman ang asawang driver ng motorsiklo makaraan ang aksidente sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Biyernes. Ayon sa ulat ng pulisya, nakasakay sa likod ng motorsiklo si Susana Roda habang binabagtas ng kanyang asawang si Eutillo Roda, 57, ang national highway sa Barangay Abuyon bandang alas-6:10 ng gabi. Ngunit tumama umano ang motorsiklo sa tagiliran ng tricycle na minamaneho ni Sander Khan Calusin na aktong paparada sa tabi ng kalsada. Bunsod nito, nawalan ng…
Read More