PAGTATAYO NG INFECTIOUS DISEASE HOSPITAL ISUSULONG

covid

MAS marami sanang naisalbang buhay kung mayroong infectious disease hospital sa Pilipinas noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ito ang iginiit ni Aksyon Demokratiko vice-presidential candidate Doc Willie Ong. Sa debate na isinagawa sa University of Santo Tomas nitong Sabado, itinanong sa pitong vice-presidential candidates na dumalo, kung ano ang kanilang mga gagawing hakbang sa pagsugpo ng pandemya sakaling mahalal sa Mayo 9. Ayon kay Ong, kinakailangang magtayo ng infectious disease hospital na laan para sa mga pasyente ng COVID-19. Bukod pa rito, mahalaga rin anya ang pagkakaroon ng Cancer Center…

Read More

TAPANG NG GAME FOWL INDUSTRY NGAYONG MAY PANDEMYA, KINILALA

PINURI ni Senator Cynthia A. Villar ang tapang ng mga organizer ng 8th International Gamefowl Festival upang mapanatiling nagliliyab ang gamefowl industry sa kabila ng coronavirus pandemic. “This opening of the game fowl industry doors this year hopes to bring together leading game fowl breeders, pigeon raisers, exotic animal hobbyists, veterinary and nutrition suppliers, gamefowl suppliers, pigeon suppliers, pigeon fanciers, incubators, feed manufacturers, and related products and services catering to game fowl, pigeon raising and exotic animals,” ayon kay Villar base sa mensaheng binasa ng kanyang anak na si Deputy…

Read More

PAGHAHANDA PARA SA TAG-INIT AT HALALAN 2022 Maayos na serbisyo ng kuryente, tiniyak ng Meralco

Napaka-importante ng pagkakaroon ng maasahan at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa paparating na tag-init lalo na’t nakatakdang ganapin sa ika-9 ng Mayo ang Nasyonal at Lokal na halalan. Bilang kasapi ng National Elections Task Force, nagpahayag ang Manila Electric Co. (Meralco) na handa itong aksyunan ang kahit na anong maging aberya sa halos 3,000 na polling centers at higit 100 na canvassing centers sa loob ng franchise area nito. Upang masiguro na nasa maayos na kundisyon ang mga pasilidad sa kuryente ng mga paaralang magsisilbing canvassing at polling centers,…

Read More

BBM 55%, No.1 pa rin sa OCTA Research Survey; Robredo 15%, Isko 11%, Pacquiao 10%, Ping 3%

bbm

PATULOY ang pangunguna at nananatiling si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang nais ng mga Pilipinong ihalal bilang susunod na pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 9, base na rin sa mga lumalabas na resulta ng ibat-ibang mga nationwide survey. Ayon sa pinakabagong OCTA Research Tugon ng Masa survey na inilabas nitong Linggo, nakakuha si Marcos ng 55% preference votes mula sa 1,200 respondents na sumali sa survey. Sa datos ng OCTA, sa kabuuang respondents ng kanilang survey, 97.5% ay registered voters na maaring bumoto sa darating na eleksiyon.…

Read More

INFANTA MAYOR INAMBUSH PAGLABAS NG SIMBAHAN

church

QUEZON – Sugatan ang mayor ng bayan ng Infanta sa lalawigang ito, matapos na tambangan ng hindi kilalang mga suspek habang lulan ng kanyang sasakyan nitong Linggo ng tanghali. Ayon sa inisyal na report ng pulisya, galing sa simbahan ang biktimang si Mayor Filipina Grace America at sakay ng kanyang SUV pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng mga suspek sa hindi kalayuan sa simbahan. Tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mayor na agad isinugod sa ospital. Mabilis namang tumakas ang mga suspek. Narekober ng mga…

Read More

“FAITH TOURISM” PINAGHAHANDAAN SA QUEZON

cross

LUCENA CITY – Sa pagsisimula ng Kuwaresma at kasabay sa bumababang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ang marami sa mga debotong Katoliko ay naghahanda na ng kanilang taunang pagdalaw sa mga simbahan at iba pang relihiyosong lugar na magpapalakas sa kanilang pananampalataya. Sa lalawigan ng Quezon, pinaghahandaan na ng provincial tourism office ang pagdagsa ng mga deboto sa inilunsad na “faith tourism program” upang muling palakasin ang lokal na industriya ng turismo pagkalipas ng dalawang taon na mahigpit ang restriksyon sa ilalim ng pandemya. “Faith tourism has…

Read More

P4.7-B LA UNION BYPASS ROAD 80.12% NANG TAPOS

INIULAT ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes na ang P4.7-billion bypass road project na magsisilbing alternatibong ruta sa Manila North Road para sa mga biyahero mula Bauang, San Fernando City, at San Juan, La Union ay 80.12% nang tapos. “A total of P4.697 billion is required to fully complete the whole stretch of the bypass road, of which, P2.026 billion (was) released from 2018 to 2022,” pahayag ng DPWH. “The bypass road project based on total released funds managed to reach an accomplishment rate of 80.12%,”…

Read More

120 COUPLES IKINASAL NANG LIBRE SA KASALANG BAYAN SA CSJDM

NASA 120 couples ang nakiisa sa “Kasalang Bayan” sa City of San Jose Del Monte Convention Center sa Barangay Sapang Palay, CSJDM, Bulacan nitong Linggo, Pebrero 27, 2022. Ang naturang kasalan ay pinangasiwaan ni Born Again Christian Rev. Neil Muñoz sa inisyatibo ni Bulacan Governor Daniel Fernando bilang major sponsor o ninong kasama ang mga co-sponsors na sina Mayor Arthur Robes, Congresswoman Rida Robes, 4th District Board Members Alex Castro, Jonjon Delos Santos, Councilors Ian Baluyot at Mario Batuigas. Kabilang sa mga bagong ikinasal ang 94-anyos na si Lolo Ponciano…

Read More

MAYOR PAREDES WANTED SA KASONG CHILD ABUSE

Naglabas ng Warrant of Arrest kamakailan si Judge Anthony B. Fama ng RTC Branch 277 ng Mandaluyong City para kay Mayor Bernardo “Totie” Paredes ng Cavite City kaugnay sa kasong Child Abuse. Ayon sa abogado ng biktima, masaya ang magulang ng bata dahil bahagya ng umusad ang katarungan sa isang menor de edad na minolestiya at ginahasa umano ng isang alkalde sa lalawigan ng Cavite. “Sa kabila ng pananakot at mga bantang pagpatay sa aming pamilya ay naninindigan pa rin kami sa kasong ito dahil naniniwala pa rin kami sa…

Read More