HAMON SA CUSTOMS BROKERS: ISUPLONG ANG MGA BULILYASO

MAS maraming kaalyado, mas madaling matutuldukan ang mga bulilyaso, ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio. Sa isinagawang panunumpa ng mga bagong upong opisyales ng Chamber of Customs Brokers Inc., hinamon din ni Rubio ang mga customs broker na makiisa sa kampanya ng Bureau of Customs (BOC) sa paglaban sa mga nandaraya sa taripa at buwis na kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Para kay Rubio, hindi matatawaran ang kapasidad ng mga broker na tinawag niyang katuwang ng kawanihan sa larangan ng kalakalan at kasangga naman sa kampanya laban…

Read More

BIGTIME MARIJUANA PUSHER HULI NG PDEA

LAGLAG sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang itinuturing na bigtime marijuana pusher sa Barangay Andres Bonifacio, Diffun, Quirino Province. Ayon kay Director III Levi S. Ortiz ng PDEA Regional Office 2, nahuli ng kanyang mga tauhan sa inilatag na buy-bust operation ang suspek na si Ryan Cabrina Butchayo, Jr. Batay sa report ni  Dir. Ortiz kay Director General Amoro Virgilio Lazo, nakumpiska mula kay Butchayo Jr. ang isang 30 ml na bote ng cannabis oil na tinatayang may market value na P3,000; Dalawang…

Read More

Augmentation sa Balikatan FIRE TRUCK BUMANGGA SA PUNO, 2 SUGATAN

CAVITE – Sugatan ang driver at pasahero ng isang fire truck na kabilang sa augmentation para sa BALIKATAN Exercises 2023, nang bumangga sa isang puno sa gilid ng kalsada sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Nilalapatan ng lunas ang biktimang si Raymond Rodriguez y Chua, driver ng fire truck na may plakang RCU 491, at pasahero nito na si Joshua Emmanuel Llvera y Lorenzo, dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat ni PSMSgt. Alfredo Guevarra Jr. ng Ternate Police Station, minamaneho ni Rodriguez…

Read More

LALAKI TUMALON MULA ROOFTOP NG ESKWELAHAN

LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na tumalon mula sa rooftop ng 4–storey building ng isang eskwelahan sa Cabuyao City noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Cabuyao City Police ang biktimang si Clomer Ignacio. Ayon sa report ng pulisya, batay sa pahayag ng isang saksi, umakyat ang biktima sa apat na palapag na school building ng Citi Global College na nasa Brgy. Uno, sa pamamagitan ng pagdaan sa fire exit steel ladder. Nang makarating sa rooftop, bigla na lamang umano itong tumalon at padapa na bumagsak sa lupa nagresulta sa daglian niyang…

Read More

Pumutok habang nililinis PULIS PATAY SA SARILING BARIL

BATANGAS – Nalagutan ng hininga ang isang pulis nang aksidente umanong pumutok ang kanyang baril habang nililinis sa kanyang resthouse sa Brgy. Bulacnin, Lipa City noong Linggo ng umaga. Wala nang buhay nang abutan ng kanyang mga kapamilya ang biktimang si PSSgt. Ronald Macalintal Silva, 46, miyembro ng Lipa City Police Station. Ayon sa report, nadiskubre ng anak na babae ng biktima ang wala nang buhay na pulis habang duguang nakahandusay at may tama ng bala sa ulo sa kubo sa likod ng kanilang bahay dakong alas-5:00 ng umaga. (NILOU DEL CARMEN)…

Read More

MAGDYOWA NADALE NG BUS, RIDER UTAS

LUCENA CITY – Patay ang isang lalaki, habang sugatan ang live-in partner nito nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na bus sa National Highway Diversion Road sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa QMC Hospital sa Lucena City ang biktimang si Nicanor Garido Corigal, 38, dahil sa grabeng pinsala sa kanyang katawan. Isinugod naman sa isang ospital sa Pagbilao ang 28-anyos na angkas nito na si Mary Jane Porenas Lagar. Batay sa report ng Lucena City Police, dakong alas-9:30 ng gabi, magkasalubong na tumatakbo ang…

Read More

FACE MASK MANANATILI SA LRT, MRT, PNR

MANANATILI pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng facemask sa lahat ng tren ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, ang pagsusuot ng face masks ay mananatiling mandatory sa loob ng mga tren bilang pag-iingat laban sa virus. Dagdag pa ni Aquino, mandatory din ang pagsusuot ng face mask sa loob ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 stations. Pero magiging opsyonal ang patakaran para…

Read More

BBM ‘estilong Makoy at Duterte’ – solon GEN. ACORDA HINIRANG NA BAGONG PNP CHIEF

TALIWAS sa inaasahan, isang dehadista ang itinalagang kapalit sa pwestong binakante ng nagretirong Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. Matapos manumpa bilang ika-29 na hepe ng pambansang pulisya, agad din sumabak sa trabaho si General Benjamin Acorda ng Philippine Military Academy (PMA) Sambisig Class of 1991. Sa ginanap na turn-over ceremony sa Camp Crame, inatasan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang itinalagang PNP chief na paganahin ang tinawag niyang ‘systematic approach’ sa paglaban kontra kriminalidad, pagpapanatili ng kaayusan at pagsusulong ng isang malusog na demokrasya. Tugon…

Read More

Para graduates madaling matanggap sa trabaho SKILLS DEVELOPMENT SAGOT NI NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) HINDI angkop na hayaan na lang ng pamahalaan ang kinakaharap na problema sa hanay ng mga nais magkaroon ng trabaho – subalit patuloy na nabibigo dahil sa kakulangan ng ‘soft at practical job skills’ na karaniwang hanap ng mga employer sa mga aplikante. Para kay Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na tumatayong chairman ng House committee on labor and employment, lubhang nakababahala ang sitwasyon ng mga aplikante sa kabila pa ng pagtatapos ng vocational course Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong kasagsagan ng pandemya.…

Read More