ISANG produktibong study tour ang ginawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Waste-to-Energy (WTE) plant ng kumpanyang AEB sa Amsterdam, The Netherlands kamakailan. Binisita ni Mayor Belmonte at ng iba pang mga alkalde ng Metro Manila ang Waste-To-Energy (WTE) plant sa nasabing bansa. Dito sila’y ipinasyal ng tagapangasiwa ng kumpanya, at ibinahagi sa kanila ang iba’t ibang mga proseso at makinarya na ginagamit sa kanilang planta. “Tiyak na maraming mga impormasyon mula sa WTE ng AEB Amsterdam ang maaaring implementahin sa ating lungsod dahil batid ng ating lokal na pamahalaan…
Read MoreAuthor: admin 2
Huwag maniwala sa fake news, GCash accounts are safe!
I-register ang SIM para tuloy-tuloy ang mga e-wallet transactions Hindi totoo ang mga kumakalat na mga post ngayon sa social media ukol sa di umano’y maaaring pagkawala ng laman ng GCash accounts dahil sa isasagawang “update” kaugnay ng pagtatapos ng SIM registration sa bansa sa darating na ika-26 ng Abril. Ayon ito sa GCash na mariin ding sinabi na hindi kailangang mag-panic at i-withdraw ang pera sa GCash dahil ligtas ang kanilang mga account. Hinihikayat din ng GCash at ng Globe Telecom na siyang parent company ng e-wallet ang pagpaparehistro ng kanilang…
Read MoreThe Winning Move: AirAsia Philippines unveils plans on NAIA Terminal 2 transfer
AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Country Head with MIAA GM Cesar Chiong, Senior Assistant General Manager Bryan Co, and NAIA Terminal Managers during the coordination meeting Manila, 24 April 2023 – AirAsia Philippines has announced its readiness to transfer all its domestic flights from NAIA Terminals 3 and 4 to NAIA Terminal 2 beginning 1 July 2023 as part of the Manila International Airport Authority’s (MIAA) schedule and terminal assignment rationalization (STAR) program. To ensure a smooth and hassle-free transfer for AirAsia guests, AirAsia Philippines’ Communications and Public Affairs…
Read MoreMGA ESTUDYANTE SA QUEZON SA LABAS NG CLASSROOM NAGKLASE
DAHIL sa matinding init ng panahon, sa labas na ng eskwelahan nagsagawa ng klase ang isang section ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lutucan, Sariaya, Quezon. Ayon sa kanilang guro na si Joel Casungcad, habang hindi pa anya mainit ang lugar, sa lilim sa labas ng classroom niya pinag-exam ang kanyang hawak na grade 12 students sa Lutucan Integrated National High School. Ito ay upang maiba naman daw ang experience at makalanghap ng sariwang hangin ang mga mag-aaral habang nag-e-exam at maiwasan na rin ang mainit at siksikang…
Read MoreBATANGAS MALL NABULABOG SA BOMB SCARE
BATANGAS – Nabulabog ang isang mall sa Tanauan City sa lalawigang ito nang may matagpuang abandonadong kahon noong Huwebes ng gabi. Ayon sa report ng Tanauan City Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa security office ng Victory Mall and Market sa Tanauan-Talisay Road, Barangay Poblacion 7, dakong alas-7:30 ng gabi. Isang kahina-hinalang kahon umano ang iniwan ng hindi kilalang may-ari nito sa isang bahagi ng mall. Agad kinordon ng mga tauhan ng Tanauan City Police ang lugar at pinalabas ang mga tao. Pansamantalang isinara rin ang mga kalsada sa…
Read MoreP.6 MILYON SHABU, NASAMSAM SA HVI
CAVITE – Tinatayang mahigit sa kalahating milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II. ng RA 9165 ang suspek na si Leonardo Francisco Bautista, 31, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit…
Read MoreSHUTTLE BUS DRIVER PATAY SA CENTER ISLAND
BATANGAS – Patay ang isang shuttle bus driver matapos araruhin ang center island sa JP Laurel Highway sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa report, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital sa Lipa City ang 44-anyos na biktimang si Edgardo Ocampo, residente ng Cabuyao City, Laguna. Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng umaga, patungo sa direksyon ng Lipa ang Kia DNL shuttle bus nang bumangga ito sa center island sa hindi pa malamang dahilan. Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng bus…
Read MoreCONG. TEVES, INOSENTE SA PAGKA-MATAY NI DEGAMO
Muling iginiit ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Governor Roel Degamo sa panayam sa kanya ng mga taga-media. Sa pagtatanong sa kanya (Teves), na kung may kinalaman siya sa pagpatay kay Gov. Degamo diretsahan nitong sinagot na wala. “Ganito kasi yan, pag may krimen, Ano yung motibo? Ano namang mapapala ko sa kanya? Di ba wala, wala akong…hindi na makakaupo kapatid ko, is nothing for us”, pahayag pa ni Teves. Ang alegasyon ng Senado, pagharang ng gobernador sa e-Sabong operation…
Read MoreDALAWANG MILYONG PUNONG NAPALAGO, IPINAGDIRIWANG NG ONE MERALCO KASABAY NG EARTH DAY 2023
Kasama ng One Meralco Foundation ang mga employee volunteer mula sa Meralco sa ginanap na tree planting activity sa Siniloan, Laguna bilang bahagi ng programang One for Trees. Kamakailan ay umabot na sa dalawang milyon ang kabuuang bilang ng mga punong nasa ilalim ng pangangalaga ng nasabing programa. Umabot na sa mahigit dalawang milyong puno ang naitanim ng One Meralco sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, isang tagumpay na ipinagdiwang ng grupo kasabay ng Earth Day ngayong taon. Pinangungunahan ng One Meralco Foundation (OMF), ang social development arm ng Meralco, ang…
Read More