P16-M ECSTASY NASABAT SA QC

UMANI ng papuri kay Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency, PNP Drug Enforcement Group at Bureau of Customs sa pagkakasabat sa mahigit P16 milyong halaga ng ecstasy sa joint anti-narcotics operation sa Quezon City. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang target ng isinagawang controlled delivery operation na kinilalang si Elisa Mae Ilas na naaresto sa Barangay Tatalon, Quezon City matapos tanggapin ang package na naglalaman ng party drugs na nagkakahalaga ng…

Read More

Pangalan ng mga politiko ginagamit PUBLIKO BINALAAN NG PNP VS SCAMMERS

BINALAAN ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang publiko laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng mga pulitiko at iba pang sikat na personalidad para makapanlinlang at magkamal ng salapi. “Nais kong paalalahanan ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta magtiwala sa mga taong gumagamit ng pangalan ng mga personalidad, kabilang ang mga pulitiko, upang humingi ng ano mang pabor o salapi,” pahayag P/Gen. Eleazar kasunod ng nabulgar na modus habang papalapit ang campaign period para sa May 2022 national election.…

Read More

SEKYU MAKAKATUWANG NG PNP SA PAGMANTINE NG PEACE AND ORDER – GEN. DE LEON

PINAPLANTSA na ng Philippine National Police (PNP) Civil Security Group ang mga alituntunin na gawing katuwang ng pulis ang mga sekyu sa paglaban sa krimen at pagmantine ng kaayusan o peace and order sa buong bansa. Ayon sa bagong hepe ng CSG na si Brig. Gen. Val de Leon, “kalahating milyon ang ating lisensyadong mga sekyu, at kahit saang sulok ng bansa ay may security guard”. “Dahil halos bawat kanto may sekyu na nagbabantay ng establisimyento, maari silang tumulong sa mga pulis natin sa emergency,” ayon kay Gen. de Leon.…

Read More

6TH EDITION NG FARM TOURISM BOOK INILUNSAD

UPANG patuloy na isulong ang farm tourism at farm schools sa bansa, inilunsad ni Sen. Cynthia A. Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, ang 6th Edition ng kanyang Farm Tourism Book para sa taong 2021. “The book, consisting of 2,805 listings, is a Directory of Farm Schools, Tourism Farms, Learning Sites, and TESDA Agri Centers in the Philippines. It contains in full color, photographs and contact details of these sites from all the country’s 17 regions,” ayon kay Villar. Kabilang din sa directory ang klasipikasyon ng mga bukid gaya…

Read More

CONGRESSIONAL CANDIDATE UMATRAS

NAGHAIN ng Statement of Withdrawal sa Commission on Elections si Councilor Allan Francisco bilang kandidato sa pagka-Kongresista sa ika-5 Distrito ng Quezon City dahil sa kanyang kalusugan. Nauna nang nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy sa nasabing posisyon noong Oktubre 7 si Francisco at makaraan ng ilang araw, siya ay sumailalim sa isang knee surgery. Sa isang press statement, sinabi ni Francisco na pinayuhan siya ng kanyang doctor na magpahinga at iwasan ang mga pagkilos hanggang sa maghilom ang sugat dala ng operasyon. Sinabi pa ng Konsehal na bunga ng…

Read More

9 CENTENARIANS TUMANGGAP NG P50K SA VALENZUELA

SIYAM na centenarians na kinatawan ng kanilang mga kaanak, ang tumanggap ng cash incentive mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela. Mula pa noong 2016 ay namimigay na ng insentibo ang pamahalaang lungsod sa mga centenarian na mga residente sa bisa ng Ordinance No. 300 o ang “Centenarian Ordinance of Valenzuela City”. Mula P 20,000 bawat isa, itinaas ng lungsod ang insentibo sa P50,000 noong nakaraang taon alinsunod sa pag-amyenda sa Ordinance No. 300 ng Ordinance No. 652. Ang nasabing cash incentive ay iba sa insentibong nakukuha ng mga centenarian mula…

Read More

DAYO BINURDAHAN NG SAKSAK, PATAY

HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpaslang isang lalaki na natagpuan sa isang iskinita sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Domingo Jake Baranda Jr. y Lim, 32, binata, ng Parola Compound, Tondo. Samantala, tikom ang bibig ng mga residente sa lugar hinggil sa insidente. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section upang mabatid kung ang biktima ay napagbintangang asset ng pulis o nakadispalko sa kinuhang ilegal na droga. Batay sa ulat na isinumite ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe…

Read More

BLACKHAWK HELICOPTERS DINEPLOY SA WESTMINCOM

ILANG bagong Blackhawk military helicopters ang dineploy sa nasasakupan ng Western Mindanao Command para lalo pang palakasin ang kanilang giyera kontra teroristang grupo at ang kanilang humanitarian and non- combat missions. Tinanggap ng Philippine Air Force Tactical Operations Wing-Western Mindanao (TOW-WM), isang major unit ng Air Force na nasa ilalim ng Command and Control ng Western Mindanao Command, ang ilang unit ng S70i Blackhawk Utility Helicopters. Gagamitin ang nabangit na military choppers sa combat operations at quick response for humanitarian aid. Ayon kay WestMinCom Commander, Maj. Gen. Alfredo Rosario, Jr.…

Read More

COVID CASES PATULOY SA PAGBABA SA CALABARZON

PATULOY ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon sa Department of Health. Naitala noong Oktubre 4 ang 474 pasyente na lamang na aktibong kaso habang nasa 1,331 ang mga gumaling sa sakit at 44 ang namatay. Nasa 2,580 ang aktibong kaso sa lalawigan ng Rizal, sunod ang Laguna na may 2,573; habang ang Batangas ay may 1,647; Cavite na may 1,490; Quezon, 1,449, at Lucena City, 207. Mayroong kabuuang bilang na 9,946 ang aktibong kaso sa buong…

Read More