PNP NAGBABALA KONTRA LOVE SCAM

pnp

NAGPALABAS ng babala ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng isang isang modus na bumibiktima sa mga naghahanap ng banyagang karelasyon sa iba’t ibang social media platforms, kasunod ng pagkakadakip sa dalawang Nigerians na pinaniniwalaang sangkot sa tinatawag na “love scam.” Partikular na pinag-iingat ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar ang mga “loveless” sa aniya’y modus kung saan karaniwang nakikipag-relasyon ang mga suspek sa mga Pinay na kalaunan ay nahuhuthutan ng libo-libong salapi sa paraan ng pamba-blackmail. Aniya, ang pagkakadakip kina Felix Aondowase at Emmanuel Abia sa entrapment operation ay…

Read More

MODEL LUMIYAB DAHIL SA COSTUME

fire

ISANG dalagita ang muntik nang lamunin ng apoy nang biglang magliyab ang suot nitong costume kaugnay sa modeling show sa isang youth activity sa Estancia, Iloilo. Dumanas ng first degree burns sa katawan ang 17-anyos na dalagita matapos magliyab ang kanyang costume habang naghahanda sa aktibidad ang grupo ng mga kabataan. Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Estancia Municipal Police Station chief, Police Lt. Joebert Amado, sinabi nito na may culminating activity ang Pag-Asa Youth Association of the Philippines na ginanap sa plaza sa nasabing bayan. Kasalukuyang umanong naghahanda ng kanilang costume…

Read More

Manifesto ng pagkakaisa nilagdaan DOKTRINA GIIT PARA SA MGA KANDIDATO

bible

PARA sa iba’t ibang sekta ng pananampalataya, higit na kailangan sa mga susunod na manunungkulan sa lokal na pamahalaan ang lideratong nakasandig sa dokrina ng pananampalataya – bagay na hindi tinugon ng mga kandidato, maliban sa dalawa. Sa idinaos na “Gabi ng Pagbabago” sa Rosmen Pavilion sa Barangay Parada sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan, sabayang nilagdaan ng mga kinatawan mula sa sektang Katoliko, born-again Christians at kapatirang Muslim ang isang manipesto nagsusulong ng isang tapat na panunungkulang base sa kani-kanilang relihiyon para sa mga susunod na…

Read More

BAGONG AFP AT PNP CHIEFS SABAY ITATALAGA NI DU30

pnp

INAASAHAN ang sabayang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang hahalili sa pwesto ng mga magreretiro sina Armed Forces Chief of Staff General Jose Faustino at Philippine National Police (PNP) Director-General Guillermo Eleazar. Sa hanay ng hukbong sandatahan, walong opisyal na may ranggong major general hanggang lieutenant general ang pinagpipiliang pamalit kay Faustino. Pag-amin pa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, may mga naisumite na siyang pangalang posibleng hiranging bagong AFO chief of staff bago pa man tuluyang bumaba sa pwesto si Faustino sa Nobyembre 12. Posibleng ito na rin aniya…

Read More

POSITIVITY RATE SA NCR BUMABA PA

NABAWASAN pa ang porsiyento ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa kalakhang Maynila na naitala na lamang sa 5%. Ang latest monitoring report ng OCTA Research Group, ay ibinahagi ni Dr. Guido David sa pamamagitan ng kanyang Twitter account nitong Sabado. Ayon sa OCTA,  ito na ang pinakamababang positivity rate na naitala sa rehiyon simula noong Hulyo 14, 2021. Sinabi naman ni David, ang 5% na positivity rate ay ikinukonsiderang mababa at katanggap-tanggap ng World Health Organization (WHO). “NCR positivity rate decreased to 5% as of 10/28/21.  The last time positivity…

Read More

PUV DRIVERS BIGYAN NG P5/LITER FUEL DISCOUNT – LTFRB

jeep

UMAPELA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kumpanya ng langis na  bigyan ng P5.00 discount ang PUV drivers kasabay ng sunud-sunod na pagtaas  ng presyo ng mga produkto ng langis sa bansa. “We learned that the fuel discount varies from P1-P3 per liter. Ang hiling natin, through the DOE (Department of Energy), na manatili itong discount na ito at kung pwede ngang maitaas up to P5 per liter…at specific for public transport,” ito ang apela ni  LTFRB chairman Martin Delgra sa government briefing nitong Sabado. Ayon pa…

Read More

DATING SAKSI REPORTER PATAY SA PAMAMARIL

MULING nadagdagan ang bilang ng mga pinaslang na Pilipinong mamamahayag makaraang barilin ng di pa nakikilalang salarin ang dating reporter ng Saksi na si Dondon Dinoy sa Bansalan, Davao del Sur. Sa paunang ulat ng pulisya, bandang alas 6:00 ng hapon nang pasukin ng di pa nakikilang hitman ang broadcast booth ni Dinoy sa kanyang tinutuluyang apartment, kung saan siya binaril nang malapitan. Dead on the spot ang biktima. Si Dinoy ay reporter ng Newsline.Ph at blocktime anchor ng Energy FM sa Digos City. Ayon sa National Union of Journalist…

Read More