TUMATAGINTING na P7.8-bilyong pondo ang inilaan ng Kamara para pantustos sa ilalim ng 2022 national budget sa mga programang tugon sa problema ng malnutrisyon sa mga batang mula sa mga maralitang pamilya. Kasabay ng paggunita sa National Children’s Month ngayong Nobyembre, umaasa naman si committee on welfare of children vice-chairman Rep. Mike Defensor (Anakalusugan party-list) na isasakatuparan ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga bata. “We are counting on the national government’s targeted feeding programs to help improve the nutritional and overall health condition of children…
Read MoreAuthor: admin 2
Pinababasura ng solon CDE NG LTO ILLEGAL
IPINABABASURA ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Comprehensive Driver’s Education (CDE) ng Land Transportation Office (LTO) dahil wala umano itong legal na basehan. Sa House Resolution (HR) 2325 na inakda ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, sinabi nito na ang CDE ay dagdag na gastusin lang sa mga Filipino lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang CDE ay bagong requirement na itinakda ng LTO sa mga driver na magpapa-renew ng kanilang lisensya dahil ipatutupad na ang Republic Act No. 10930 o 10 taon na bisa ng driver’s license.…
Read More3 KOREANO HULI SA $840-M TELECOMS FRAUD
TATLONG South Koreans national na umano’y sangkot sa telecommunications fraud, ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Novaliches, Quezon City. Nabatid sa report, ang mga suspek na sina Jin Unghyeon, 29; Choi Sukhyun, 34, at Lee Seungsu, 23, ay nahuli sa aktong nangangasiwa at nagpapatakbo ng computer workstations para sa panloloko ng mga biktima sa pamamagitan ng voice phishing noong Oktubre 27. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang suspek na si Jin ay matagal nang wanted sa mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot din sa telecommunications fraud, at…
Read MoreHIGIT 9K BIYAHERO DUMAGSA SA MGA PANTALAN
MAHIGIT 9,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan sa buong bansa ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Undas. Sa datos ng PCG, nasa 5,607 ang bilang ng outbound passengers habang 4,151 ang inbound mula alas-6:00 ng umaga noong Linggo. Kaugnay nito, nasa 94 vessels at 119 motorbanca ang ininspeksyon ng PCG sa 15 distrito nito sa buong bansa. Nananatili ring nasa heightened alert ang lahat ng districts, stations, at substations ng PCG mula pa noong October 29 at tatagal hanggang November 4, ngayong taon para makontrol ang pagdagsa…
Read MoreMATATAONG LUGAR BANTAY-SARADO HANGGANG PASKO
MAS pinaigting na pagbabantay na may kalakip na pulis sa bawat matataong lugar ang direktiba sa hanay ng pulisya bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan. Giit ni Philippine National Police (PNP) director, General Guillermo Eleazar, tuloy-tuloy na ang kanilang pagbabantay sa malls, tourist spots, pamilihan at maging sa mga bahay sambahan sa hangaring tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa pinakamalaki at pinakamahabang pagdiriwang. Aniya, inatasan na rin niya ang lahat ng hepe ng pulisya at mga unit commanders na paigtingin ang police visibility sa mga matataong lugar na saklaw ng…
Read MoreARRIVAL OF PASSENGERS SA PINAS, BUMABA NG 72%
INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na 72% ang ibinaba ng bilang ng mga pasahero na dumarating sa bansa mula sa abroad sa panahon ng siyam na buwan bilang patuloy na negatibong epekto ng COVID-19 pandemic sa international travel industry. Sa isang pahayag, inihayag ni BI Commissioner Jaime Morente na nakapagtala lamang ng kabuuang 893,886 international travelers na dumating mula Enero hanggang Setyembre. Batay sa ulat noong 2020, may kabuuang 3.2 million ang dumating sa parehong panahon. “This is a far cry from our pre-pandemic figures, wherein we reached 12.6 million…
Read MoreQC FIGHT VS COVID-19 IPINASASALO SA DILG
HINILING ng apat na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Department of Interior and Local Government (DILG) na itake-over na mula sa Quezon City government ang paglaban sa COVID-19. Ginawa nina Quezon City Reps. Anthony Peter Crisologo, Precious Hipolito Castelo, Allan Reyes at Anakalusugan Representative Michael Defensor ang kahilingan matapos madismaya sa mataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod. Nahihinaan umano ang mga nabanggit na mambabatas sa pagtugon ng Quezon City government sa pandemya sa COVID-19 dahil sa patuloy na pangunguna ng lungsod sa may pinakamaraming kaso na naitatala araw-araw.…
Read More3 ARESTADO SA P1.5-M SHABU
BAGSAK sa kulungan ang tatlo katao matapos makumpiskahan ng mahigit sa P1.5 milyong halaga ng shabu makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina Jr. ang arestadong mga suspek na sina Jeffrey Feliciano, 43; Regie Rivera, 35, messenger, kapwa ng Sampalok, Manila, at Jeric Sy, 52, ng Brgy. 53 ng lungsod. Base sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) director, P/BGen. Jose Hidalgo Jr., dakong alas-12:05 ng madaling araw…
Read More“BLOODY SUNDAY” SEARCH WARRANT WALANG BISA – KORTE
IPINAWALANG bisa ng korte sa Batangas ang search warrant na ginamit ng mga pulis sa isa sa serye ng mga raid laban sa mga aktibista na tinaguriang “Bloody Sunday” operations na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na unyonista noong Marso 7. Sa inilabas na order noong Oktubre 25, at ini-release sa media nitong Lunes, pinawalang bisa ng Tanauan City Regional Trial Court Branch 6 ang search warrant laban kay Erlindo “Lino” Baez, spokesperson ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Batangas chapter. Dinismis din ng korte ang kasong illegal possession of firearms and explosives laban kay Baez.…
Read More