PAGPAPATULOY NG MIESCOR SA LEGASIYA NG KAHUSAYAN SA LARANGAN NG ENGINEERING

Magmula nag ito ay maitayo noong 1973, ang Meralco Industrial Engineering Services Corporation (MIESCOR) ay nakilala na sa mahusay at mataas na kalidad ng serbisyong hatid nito sa mga pinakamalalaki at pinaka-kilalang korporasyon sa bansa. Magmula noon, ito ay naging bahagi na ng mahahalagang imprastraktura ng kuryente, renewable energy, gawaing elektromekanikal, pati na rin sa mga imprastraktura ng telekomunikasyon, at konstruksyon. Nagsisilbing patunay dito ang ilan sa mga malalaking pangalang kabilang sa listahan ng mga kliyente ng MIESCOR tulad ng Manila Electric Company (Meralco), National Grid Corporation of the Philippines…

Read More

CRUZ ITINALAGANG ACTING SEC. NG DAR

malacanang

KINUMPIRMA ng Malakanyang na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Oktubre 28, 2021 ang appointment paper ni Bernie Ferrer Cruz bilang Acting Secretary ng Department of Agrarian Reform (DAR). Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kumpiyansa silang ipagpapatuloy ni Acting Secretary Cruz na tapusin ang mga programa at proyekto ng DAR sa natitirang buwan ng kasalukuyang gobyerno. “We wish Acting Secretary Cruz all the best in his new assignment,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE) 264

Read More

2022 HOLIDAYS INANUNSYO NG PALASYO

INANUNSYO ng Malakanyang ang listahan ng mga deklaradong regular holidays at special (working/non-working) days para sa taong 2022. Nakasaad sa Seksyon 1 ng Proclamation No. 1236 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga deklaradong Regular Holidays sa bansa gaya ng mga sumusunod: New Year’s Day – Enero 1 (Sabado) Araw ng Kagitingan – Abril 9 (Sabado) Maundy Thursday – Abril 14 Good Friday – Abril 15 Labor Day – Mayo 1 (Linggo) Independence Day – Hunyo 12 (Linggo) National Heroes Day – Agosto 29 (huling Lunes ng Agosto)…

Read More

ROMERO: NCR ECONOMY DAPAT NG BUKSAN

Tinutulak ngayon ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang todong pagbubukas ng mga negosyo sa National Capital Region (NCR). Hinimok nito ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ng buksan ang mga negosyo at establisimento sa Metro Manila sa mga fully vaccinated na mamamayan. “Ngayong higit ng 80% na ang mga bakunado na indibidwal sa NCR, we need now to open our domestic economy to its full scale,” pahayag ni Romero na kilala sa pagiging matagumpay sa larangan ng…

Read More

CURFEW HOURS SA NCR MAAARI NANG ALISIN

PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na alisin o i-adjust ang curfew hours sa National Capital Region (NCR). Sa katunayan, hiniling na ng MMDA sa mall owners na magbukas ng mas mahabang oras. Sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos, hihingi muna siya ng permiso sa NCR mayors na alisin o bawasan ang curfew hours. “Hihingi ako sa mayors (ng permission), dahil nga inaayos nga namin ito, na yung curfew baka mawala na yan o adjust na natin yan,” ayon kay Abalos. Nais din ni Abalos na i-adjust ang curfew…

Read More

BAGONG AFP AT PNP CHIEFS SABAY ITATALAGA NI DU30

pnp

INAASAHAN ang sabayang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang hahalili sa pwesto ng mga magreretiro sina Armed Forces Chief of Staff General Jose Faustino at Philippine National Police (PNP) Director-General Guillermo Eleazar. Sa hanay ng hukbong sandatahan, walong opisyal na may ranggong major general hanggang lieutenant general ang pinagpipiliang pamalit kay Faustino. Pag-amin pa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, may mga naisumite na siyang pangalang posibleng hiranging bagong AFO chief of staff bago pa man tuluyang bumaba sa pwesto si Faustino sa Nobyembre 12. Posibleng ito na rin aniya…

Read More

2 PATAY SA SUNOG SA VALENZUELA

PATAY ang dalawa katao kabilang ang isang 9-anyos na batang lalaki nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Valenzuela City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Addy Marahay, 23, at pamangkin niyang si Jairus Alvarez, 9, kapwa ng Little Tagaytay Serrano, Barangay Marulas ng nasabing lungsod. Batay sa nakalap na impormasyon sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7:00 ng gabi nang bigla na lamang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ng mga biktima ngunit hindi nakalabas ang mga ito. Umabot sa unang alarma…

Read More

3 BAYAN SA BATANGAS, ASF-FREE NA

batangas

BATANGAS – Tatlong bayan sa lalawigang ito ang muling idineklara ng Provincial Veterinary Office bilang African Swine Fever free na. Ayon kay Assistant Provincial Veterinarian Dr. Rafael Baculi, ang mga bayang ito ay ang Calaca, Mataas na Kahoy at Talisay. Aniya, malaking bagay sa kanilang lalawigan na mapuksa ang nasabing virus na kumalat sa mga alagang baboy dahil kabilang ang nasabing mga bayan sa pangunahing pinagkukunan ng mga karne ng baboy. Inaasahan ni Director of the International Training Center on Pig Husbandry Dr. Ruth Miclat-Sonaco ng National Livestock Program, na madaragdagan…

Read More

98.38% NG BICOL PNP BAKUNADO NA

UMABOT na sa 98.38% ang mga nabakunahan sa mga tauhan ng Police Regional Office 5. Ito ay resulta ng puspusang inoculation program ng organisasyon upang matiyak ang kaligtasan ng bawat miyembro nito habang ipinatutupad ang kanilang mga tungkulin bilang frontliners. Ayon sa talaan ng Regional Health Service 5, ang porsyentong nabanggit ay kinabibilangan ng 11,387 “fully vaccinated” at 1,280 na tauhan naman nito ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna. Ang datos na ito ay mula sa kabuuang pwersa ng yunit na 12,872. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief…

Read More