CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 65-anyos na senior citizen nang bumangga ang sinasakyang L300 van na minamaneho ng kanyang anak sa isang nakaparadang trailer van sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Imus City nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Arnel Cruz, Sr. habang sugatan ang anak nitong si Arnel Joseph Cruz, 27, miyembro ng Philippine Air Force (PAF), na isinugod sa MCI Hospital. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilfred Guevarra ng Imus City Police Station, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang…
Read MoreAuthor: admin 2
Mga miyembro balik-loob sa gobyerno – Gen. Estomo PWERSA NG NPA, PALIIT NANG PALIIT
MABABAKAS ang unti-unting paghina ng pwersa ng New People’s Army sa sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro nito sa iba’t ibang probinsya ng Bicol Region partikular na sa Masbate, ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo. Ito ay matapos na sumuko ang isang ama na nagnanais magbagong buhay at maging ehemplo sa kanyang mga anak sa Brgy. San Antonio, Milagros, Masbate. Itinago ito sa pangalan “Tatay Caloy”, 63-anyos at isang magsasaka. Bakas sa mukha ng dating rebelde ang kasabikan na tahakin ang tuwid na landas at gayundin ang…
Read More6 MPD COPS INARESTO SA EXTORTION
NAHAHARAP sa kasong robbery extortion ang anim na miyembro ng Manila Police District makaraang sampahan ng reklamo ng isang SK chairman sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya. Dahil dito, agad iniutos ni P/Major General Vicente Danao Jr. ang malalimang imbestigasyon at kung positibo sa reklamo, inirekomenda nito na bukod sa kasong kriminal ay sampahan din ng kasong administratibo ang mga suspek na sina P/SSgt. Jeffrey Mejia, P/Cpl. Jigie Azores, P/Cpl. Kevin John Villanueva, P/Cpl. Johndee Toledo, Pat. Danny Rangaig, at Pat. Kenneth Cordova. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno…
Read MoreWATER DELIVERY BOY HINOSTAGE NG PWD
HINOSTAGE ng 46-anyos na lalaking pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip ang isang delivery boy kamakalawa ng hapon sa Quezon City. Gamit ang dalawang kutsilyo, hinostage ng 46-anyos na suspek na kinilalang si Universe Santos ang 21-anyos na water delivery boy na si Gabriel Espinosa sa Alpha Village, Capitol Hills sa Barangay Old Balara. Bahagya namang nagtamo ng mabababaw na sugat ang biktimang bihag ng suspek sa loob ng mahigit isang oras. Paniwala ni Lt. Arnold Bantanos na tumayong lider ng mga rumespondeng pulis, mental disorder ang nagtulak sa suspek na…
Read MoreP9-M SMUGGLED AGRI PRODUCTS NASABAT
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Valenzuela City ang P9 milyong halaga ng produktong agrikultural na ilegal na ipinasok sa bansa. Sinabi ni Customs Deputy Commissioner Raniel Ramiro, isang joint team mula sa Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) at Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana ang nanguna sa operasyon sa isang bodegang pag-aari ng Morehouse Marketing sa Barangay Ugong noong Oktubre 8. Nadiskubre ng pangkat ang 8,000 sako ng sari-saring produktong agrikultural na kinabibilangan ng pulang sibuyas, luya, at munggo nang inspeksyunin ang bodega…
Read MoreKANONG PEDOPHILE TIMBOG SA BI
ARESTADO sa mga operatiba mula sa Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang isang 48-anyos na Amerikano na wanted sa New York dahil sa sex-related crime sa menor de edad. Ayon sa report ni BI FSU Chief Rendel Sy, si Francisco Loreno ay inaresto noong Huwebes ng umaga sa isang hotel sa Ortigas, Mandaluyong City, sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente. Inihayag ng BI, ang order ay inilabas matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa nasabing kaso ni Loreno. “He is an undesirable…
Read MoreLAND TAX HIKE SA QC IBABASURA NI DEFENSOR
DAHIL dagdag na pasanin sa mga residente sa Quezon City, tuluyang ibabasura ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang dagdag na land o real estate tax kapag siya ang nanalong mayor ng lungsod sa susunod na eleksyon. “Our people are already struggling from the COVID-19 pandemic, with many workers finding it hard to support their families’ daily needs. We should not add to their financial burden,” ani Defensor. Sa ngayon ay ipinagpaliban lamang ni Mayor Joy Belmonte ang implementasyon ng dagdag na buwis sa mga lupain sa lungsod hanggang Disyembre 2022 sa…
Read MoreP3.00 DAGDAG PASAHE TABLADO SA COMMUTERS
HAYAGANG tinutulan ng isang grupong kumakatawan sa mga pasaherong Pilipino ang isinusulong ng mga tsuper na P3.00 dagdag pasahe sa minimum fare. Sa isang pahayag, nilinaw ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na hindi sila kontra sa petisyon para sa dagdag pamasahe lalo pa’t lingguhan na ang naitatalang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo. Gayunpaman, dapat umanong bigyang proteksyon at unawain ang kinasasadlakan ng mga pasahero. Matatandaang naghain ng petisyon ang ilang driver at operator sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para taasan…
Read MorePASSENGERS MULA SA ‘GREEN LANES’ NILUWAGAN PA
BINAGO ng Inter-Agency Task Force ang mga panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers epektibo Oktubre 14, 2021. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na para sa mga fully vaccinated foreign national, ang negative RT-PCR test ay required na isagawa sa loob ng 72 hours bago ang kanilang departure mula sa bansang kanilang panggagalingan. “Upon arrival, no facility-based quarantine will be required but the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day. On the other hand, for fully vaccinated Filipinos, they can choose…
Read More