SA pagtatapos ng taunang pagdiriwang ng International Women’s Month, binigyang pagkilala ng Bureau of Customs (BOC) ang kontribusyon ng mga makabagong Eba sa loob ng kawanihan. Sa temang ‘A Day Dedicated to Women’s Health and Well-Being,’ naglunsad ng kabi-kabilang serbisyong pangkalusugan ang BOC, kasama ang Philippine Red Cross at mga pribadong kumpanyang sumusuporta sa sektor ng kababaihan. Kasabay ring nagbigay ng balik-alindog program – libreng facial, spa, massage at hair treatment – ang 17 distrito sa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya. Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, hindi matatawaran ang…
Read MoreAuthor: admin 2
34th ASEAN Customs Conference MALUSOG NA KOMERSYO SA SABAYANG PAGKILOS
SA pangunguna ng External Affairs Office (EAO) ng Bureau of Customs (BOC), nagkaisa ang mga delegado mula sa mga bansang Asyano na isulong ang mahigpit na implementasyon ng mga panuntunan sa ilalim ng World Trade Organization – Trade Facilitation Agreement. Kabilang sa mga tinalakay ng mga delegado sa ginanap na 34th Meeting of the ASEAN Customs Procedures and Trade Facilitation Working Group (CPTFWG) sa bayan ng Mactan, lalawigan ng Cebu ang pagpapaunlad ng ASEA Customs Cooperation sa layuning paunlarin ang kalakalan sa mga bansang Asyano. Pasok din sa napagkasunduan ang…
Read MoreP1B KONTRABANDO HAGIP MULA ENERO HANGGANG MARSO
TUMATAGINTING na isang bilyong halaga ng kontrabando ang nasabat ng Enforcement and Security Service (ESS) sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, ayon sa kalatas ng Bureau of Customs (BOC). Sa talumpati ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio kasabay ng pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng tanggapan kung saan siya unang nagtrabaho, binigyan ng pagkilala ang ESS kaugnay ng 81 kargamentong nakumpiska mula Enero hanggang Marso. Kumbinsido naman ang BOC chief na epektibo ang mga nakalatag na reporma sa kawanihan. Katunayan aniya, halos mapantayan ng mga ikinasang operasyon kontra smuggling ang halaga…
Read More17 District Collectors pinulong ni Rubio DAGDAG ESTRATEHIYA BINALANGKAS NG BOC
SA hangaring isakatuparan ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr., pinulong ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio and 17 district collectors kasabay ng pagbalangkas ng mga bagong estratehiya para sa nalalabing siyam na buwan ng kasalukuyang taon. Sa Collectors’ Conference na pinatawag ni Rubio, kabilang sa mga tinalakay ang mga ulat ng 17 distrito sa ilalim ng pangangasiwa ng kawanihan at mga nakalatag na programa ng mga nakaupong district collectors. Bilang pambungad, pinuri ni Rubio ang ipinamalas na sigasig ng 17 district collection offices sa nalikom na pondo mula sa buwis at…
Read MoreBOC-ESS@35
PERSONAL na pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Enforcement and Security Service (ESS), kasabay ng pagkilala sa ambag ng naturang tanggapan sa kampanya ng pamahalaan laban sa malawakang smuggling sa bansa. Partikular na tinukoy ni Rubio ang papel na ginagampanan ng ESS sa mga inisyatibo sa pagbabantay ng mga hangganan (border) na saklaw ng mandato ng kawanihan. Sa datos ng BOC, nakasabat ng kabuuang 397 kargamento (katumbas ng P1.044 bilyon) ang ESS noong nakalipas na taon. Mula Enero hanggang Marso, pumalo na sa 81…
Read More2 PATAY SA ONSEHAN SA ILEGAL NA DROGA
RIZAL – Hinihinalang dahil sa onsehan sa illegal drug trade kaya pinagbabaril ng hindi kilalang lalaki ang dalawang umano’y drug personality sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang Taytay Police ang mga napatay na si Anthony Ramos Calvo at isang alyas “Potchay”. Ayon sa report, bandang alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang krimen sa China St., Sitio Bagong Pag-asa, Brgy. Sta. Ana. Ka-transaksyon umano ng dalawang biktima ang isang hindi kilalang suspek ngunit humantong ito sa mainitang pagtatalo. Pagkaraan ay bumunot ng…
Read MoreMISIS PATAY SA SAKSAK NI MISTER
LUCENA CITY – Patay ang isang 60-anyos na babae nang saksakin ng kanyang asawa habang nag-aaway dahil sa bisyo ng suspek at problema sa pera, sa kanilang bahay noong Linggo ng gabi. Kinilala ang Lucena City Police ang biktimang si Irenia Lopez Paraiso, residente ng Brgy. 10 sa nabanggit na lungsod. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi nang mag-away ang biktima at ang kanyang asawa na si Nestor Bacus Paraiso, 61, driver, dahil sa bisyo ng lalaki at sa kanilang problema sa pera. Humantong ito sa pananakit ng lalaki…
Read MoreJEEP BUMANGGA SA CENTER ISLAND, 8 SUGATAN
CAVITE – Walo katao ang sugatan makaraang bumangga ang isang pampasaherong jeep sa center island sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa CARSIGMA Hospital ang mga biktimang sina sina Princess Fiedelan y Aquino, 19; Marilyn Talagtag y Reyes, 53; Mark Delos Reyes y Cardines, 33; Mary Grace Laurente y Vilialba, 30; Aileen Muico y Rivas, 19; Annabel Dela Cruz y Mequiz, 51, apo nitong si Alex, 10, at ang driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DXE-751, na si…
Read MorePRESO KINURYENTE ANG SARILI
CAVITE – Naudlot ang pagpapakamatay ng isang preso nang makita ng kanyang kabaro habang nakahawak sa live wire sa loob ng comfort room ng Custodial Facility ng bayan ng Rosario ng lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Nilalapatan ng lunas at bantay-sarado sa Rosario Medical and Lying In Clinic ang biktimang si Enrique Ruiz y Bundal, 47, binata, preso sa Rosario Custodial Facility. Ayon sa ulat ni Corporal Ricardo Mendoza Jr., ng Rosario Police Station, dakong alas-5:45 ng umaga nang pumasok si Ruiz sa palikuran ng Rosario MPS Custodial Facility sa…
Read More