APELA NG NEWSNET IBINASURA NG PALASYO

IBINASURA ng Office of the President (OP) ang apela ng News and Entertainment Network Corporation (Newsnet) na mabaligtad ang isang desisyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na nagbabalewala sa naunang pagbibigay ng ahensya ng “automatic approval” sa aplikasyon ng kumpanya na “mag-install, mag-operate, at mag-maintain” ng isang Local Multipoint Distribution System o LMDS. Ang Newsnet ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Mel Velarde. Kaugnay nito, pinagtibay ng Palasyo na hindi saklaw ng Republic Act No. 11032 o “The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018” ang…

Read More

64 iba pang pagpatay sisilipin DEGAMO ASSASSINATION PARANG PELIKULA LANG

PARANG pelikula kung ilarawan ng dalawang Kalihim ang kwento sa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo — mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasagawa ng pamamaslang. Kasabay ng isang pulong-balitaan, sabayang inihayag nina Sec. Benhur Abalos ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Sec. Crispin Remulla ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakakilanlan ng anila’y isa pa sa mga itinuturing na utak sa likod ng Degamo slay. Kinilala ang suspek sa pangalang Marvin Miranda, isang military reservist na nagsilbing chief security ni suspended Negros Oriental Rep.…

Read More

GOVERNMENT EMPLOYEE PATAY SA SALPOK NG VAN

HINDI umabot nang buhay  sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 22-anyos na kawani ng gobyerno makaraang masalpok ng isang Toyota Hi-Ace van ang sinasakyan nitong motorsiklo sa panulukan ng M. Dela Fuente at P. Florentino Streets, Sampaloc, Manila noong Linggo ng madaling araw. Idineklarang dead on arrival dakong alas-2:43 ng madaling araw ang biktimang si Nathan Rey Nulud, ng Sta. Cruz, Manila. Samantala, sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang suspek na kinilalang si Jess Selosa, 53, ng Mabuhay Roxas, Oriental Mindoro. Base…

Read More

TULOY-TULOY NA SERBISYO SINIGURO NG TINGOG

LINGID sa kaalaman ng karamihan, tuluy-tuloy ang pagtulong ng tanggapan ng Tingog Party-list, sa pangunguna ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez, sa mga nangangailangan. Katuwang ang administrasyong Marcos, walang sawang nagpapaabot ng tulong si Cong. Romualdez, maybahay ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa mamamayan ng bansa na naapektuhan ng iba’t ibang uri ng kalamidad. Matatandaang kamakailan lamang ay namahagi sila ng tig-P3,000 cash assistance sa may 600 oil spill victims sa Oriental Mindoro. Bukod sa tulong sa oil spill sa Mindoro, ilang kalamidad na rin tulad ng mga pagbaha sa…

Read More

SOCO TIME OUT SA CRIME SCENE PARA MAG-AMBAG NG DUGO

PANSAMANTALANG time-out sa crime scene ang may isang daan miyembro ng Cavite Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nakibahagi sa Bloodletting Event sa Cinema area ng Robinsons Place, Imus City, Cavite. Kabilang ang hanay ng Cavite Police, Cavite Provincial Forensic Unit, Non Government Unit at Volunteers sa nakiisa sa Bloodletting Event na inorganisa ng Cavite PFU katuwang ang Gamma Epsilon 1963 International Fraternity and Sorority Cavite Alumni Association, Ospital ng Imus at Las Pinas District Hospital. Pumalo sa halos 90% ng donors ang lumusot sa screening at interview, habang…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA STEEL RAILING

CAVITE – Hinihinalang dahil sa pagmamaneho nang nakainom kaya kamatayan ang sinapit ng driver ng isang motorsiklo habang sugatan ang angkas nito nang bumangga sa center island ng kalsada sa Imus City nitong Linggo ng madaling araw. Dead on the spot ang biktimang si Reynaldo y Dasig, 21, binata, ng Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, habang sugatan ang angkas nito na si Christian Gabiana, binata, 23, ng nasabi ring address. Ayon sa ulat ni Corporal Ryan Plaza ng Imus City Police Station, dakong alas-2:50 kahapon ng madaling araw nang…

Read More

JEEP NAHULOG SA BANGIN 3 PATAY, 6 SUGATAN

QUEZON – Tatlo ang patay habang anim ang sugatan matapos na mahulog ang isang service jeep na kargado ng mga niyog at sako-sakong kopra, sa bangin sa Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Macalelon sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Ayon sa report ng Macalelon Police, kabilang sa mga namatay ang dalawang menor de edad na lalaking estudyante na anak ng may-ari ng sasakyan, na sina Markus at Noel Mael Orillenida III, at isang pahinante ng jeep na si Alex Villaraza, 42-anyos. Sugatan din ang negosyanteng si Noel Orillenida II, may-ari ng…

Read More

PNP, PCG PERSONNEL PINAALALAHANAN NI ROMUALDEZ

“GAMPANAN nang mabuti ang inyong mga trabaho ngayong Semana Santa para iwas sa sakuna ang taumbayan.” Ito ang paalala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga otoridad tulad ng mga pulis at coast guard personnel ngayong long weekend dahil sa Holy Week. Aniya, “napapansin ko kasi na tuwing may mahabang bakasyon hindi maiwasan ang mga aksidente sa lansangan at sa ating karagatan”. “Paalala natin na masusing iniinspeksyon ng mga pulis ang mga public transport bago umalis ng terminal to check if safe ito bumiyahe,” ayon sa kay Speaker Romualdez.…

Read More

KASO NG MGA MANGGAGAWA, MAHIHIRAP TUTUTUKAN NG ACT-CIS

PRAYORIDAD ng ACT-CIS Party-list ang pagtutok sa mga kaso ng mahihirap at manggagawa sa bansa. Ayon kay ACT-CIS 1st nominee Cong. Edvic Yap, “dumarami ang mga lumalapit sa opisina namin na may mga suliranin sa trabaho at sa kanilang komunidad o barangay.” Aniya pa, “ang problema hindi nila alam saan lalapit dahil wala silang pera para magkonsulta sa abogado”. “We encourage doon sa mga salat sa buhay pero may mga kaso o walang malapitan dahil ang kalaban nila ay malaking tao o malakas, then punta sila sa ACT-CIS,” ayon kay…

Read More