2,389 NEW COVID CASES NAITALA SA CALABARZON

LAGUNA – Nakapagtala ng 2,389 bagong kaso ng COVID-19 ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) noong Setyembre 9, ayon sa ulat ng DOH Region 4A. Nabatid na umabot na sa 42,183 active cases ng coronavirus disease sa rehiyon habang 1,520 ang mga gumaling at 95 naman ang mga nasawi. Ang lalawigan ng Cavite ang may pinakamataas na aktibong kaso ng coronavirus sa bilang na 18,343; Laguna, 10,150; Batangas, 6,605; Rizal, 4,382; Quezon, 2,162, at Lucena City, 542. Samantala, matagal pa bago maabot ang herd immunity sa rehiyon dahil aabot…

Read More

50 mangingisda nasagip 14 DEATH TOLL KAY JOLINA, 7 PA MISSING

UMABOT na sa 14 katao ang iniulat na namatay habang pitong iba pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Jolina sa Visayas Region, ayon sa ulat na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ayon sa ulat ng NDRRMC, 20 katao naman ang iniulat na nasugatan dahil sa bagyo habang 109,680 indibidwal o 28, 444 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Soccsksargen, at National Capital Region. Nananatili naman sa 245 evacuation centers ang 9,797 katao o 2,580 pamilya. Samantala,…

Read More

RAPE SUSPECT NA DANCE INSTRUCTOR HULI SA PNP-PRO5

ISANG dance instructor na itinuturing na kabilang sa Sorsogon provincial most wanted persons ang arestado ng PNP-PRO5 dahil sa kasong 5 counts ng rape sa ikinasang law enforcement operation ng Sorsogon Police Provincial Office nitong Biyernes. Ayon sa report na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang suspek na si Rodel Gratela Bonos, 48, may asawa at naninirahan sa Purok 2, Brgy. Piot, West District, Sorsogon City. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Officer P/Major Malou Calubaquib, bandang alas-8:50 ng umaga nang isinagawa ang manhunt operation sa Purok 2, Brgy.…

Read More

4 TULAK LAGLAG SA PNP BICOL, PDEA

APAT na bigtime drug personalities ang nadakip ng mga operatiba ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni Regional Director Jonnel C. Estomo, at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilunsad na anti-narcotics operations. Kabilang sa mga nadakip ang umano’y notoryus na drug pusher sa probinsya ng Catanduanes na kinilalang si Godofredo Bagadiong y Guerrero Jr., 49, residente ng Phase 2, Brgy. Lictin, bayan ng San Andres. Si Bagadiong ay nahulihan ng 15 gramo ng umano’y shabu na P102,000 ang halaga, ng pinagsanib na puwersa ng San…

Read More

86% NG BICOL POLICE FORCE NABAKUNAHAN NA

DAHIL madalas natatawag sa tungkuling maglingkod sa bayan sa kahit anong oras at sirkumstansya, pinagsikapan ng hanay ng PNP na mabakunahan ang mga miyembro nito gaya sa nasasakupan ng PNP Police Regional Office 5. Ayon kay Regional Director Jonnel C. Estomo, ito ay upang matiyak ang pisikal na kahandaan ng mga tauhan nito sa mas epektibo at mabilis sa pagsasakatuparan ng mithiing gawing mas ligtas ang komunidad sa gitna ng hamon ng COVID-19. Sa rehiyong Bicol, ayon sa PNP Regional Health Service, 86.24% o 9,592 miyembro ng pulisya ang nakatanggap…

Read More

SHELL NAGLUNSAD NG VACCINATION PROGRAM

INILUNSAD kamakailan ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. (PSPC), sa pakikipagpartner sa lungsod ng Mandaluyong at Reliance United, ang vaccination program nito para sa kanilang staff at dependents ng mga ito. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) PSPC’s Serge Bernal, Vice President for Corporate Relations; Dr. Robert Castro, Medical Director of Reliance United; Dr. Marie Ishimura, Chief of Clinics of HealthFirst; Ricky Rivera, President of ActiveOne Health Inc.; Cesar Romero, PSPC President and CEO; David San Pedro, President of Reliance United at Dr. Rose Rivera, Country Health Manager ng Shell companies…

Read More

PARLADE BAGONG NSC DEPUTY GENERAL

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Antonio G. Parlade, Jr. bilang Deputy Director-General ng National Security Council. Tinintahan ng pangulo ang appointment paper ni Parlade nitong Miyerkoles. “We are therefore confident that his length of fruitful service in the military would immensely contribute in the crafting of plans and policies affecting national security,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “We wish DDG Parlade well in his new assignment,” dagdag pa nito. (CHRISTIAN DALE) 365

Read More

MEDICAL BOARD EXAM SA NCR IPINAGPALIBAN

WALANG magaganap na Physicians Licensure Examination (PLE) ngayong buwan sa Metro Manila, ayon mismo sa Professional Regulatory Commission (PRC) bilang tugon sa panawagan ng mga mag-aaral para sa pagpapaliban nito. Sa kanilang Facebook post, sinabi ng PRC na ang itinakdang pagsusulit ngayong darating na September 11, 12, 18 at 19 sa Metro Manila ay kanselado muna. Gayunpaman, tuloy ang pagsusulit sa ibang lugar kabilang ang Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga. Una nang nanawagan ang Philippine Medical Students Association at National Union of…

Read More

HERD IMMUNITY TARGET SA PINAS ITINAAS SA 80 -90%

ITINAAS na ng Pilipinas ang herd immunity target para protektahan ang mga Filipino laban sa mas nakahahawang COVID-19 Delta variant. Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez na makakamit lamang ng Pilipinas ang herd immunity kung 80 hanggang 90 porsyento na ng mga Filipino ang bakunado laban sa novel coronavirus. “Nakikita po natin na mostly baka po yung herd immunity, dahil kasi nga po doon sa Delta variant, baka iangat po natin ng 80 to 90 percent, yun po ang pagkakasabi ng maraming experts. Na para antas na maproteksyonan ang ating…

Read More