TUMANGGAP ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng 28 bagong benepisyaryo ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022. Mula sa 28 ay 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon. “We wish to congratulate our new academic scholars as well as their parents. While the pandemic has brought about overwhelming challenges to our school sector, our scholars persevered and strived to excel in their studies. They truly deserve the educational aid they will be…
Read MoreAuthor: admin 2
23 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA
UMABOT sa 23 katao ang namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area habang 8,196 na ang active cases sa nasabing bahagi ng Metro Manila, batay sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Mula sa 1,319 noong Setyembre 8, tumalon sa 1,337 ang total COVID deaths sa Caloocan City o karagdagang 18 casualties noong Setyembre 10, habang naging 3,334 ang active cases mula sa dating 3,187. Pumalo na sa 50,622 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 45,951 na ang gumaling. Tatlo…
Read MoreKAHIT MAY COVID PWEDENG BUMOTO – COMELEC
Hindi mawawalan ng kapangyarihan ang sino mang Filipino na makapamili ng kanilang mga susunod na lider sa 2022 dahil maaaring makaboto pa rin ang mga ito kahit positibo sila sa COVID-19. Ito ang tiniyak ni Commission on Election (Comelec) Chairman Sheriff Abas sa pagdinig ng House Committee on Appropriation sa P26.7 billion na pondo ng komisyon sa susunod na taon. “If a registered voter is tested positive for COVID, can that registered voter vote in upcoming May 9 national and local elections?” tanong ni Zamboanga Rep. Manuel Dalipe, vice chairman…
Read MoreAPPOINTMENT NI PARLADE SA NSC IKINABABAHALA
HINDI na ikinagulat sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay ret. Gen. Antonio Parlade Jr. bilang Deputy Director General ng National Security Council (NSC). “Inaasahan ko na ang pagtatalaga ng pangulo kay Parlade sa ano mang posisyon sa gobyerno dahil mahilig naman si Duterte mag-recycle ng basura,” pahayag ni ACT Party-list Rep. France Castro. Si Parlade na dating South Luzon Command chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at miyembro ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagretiro sa serbisyo noong Hulyo.…
Read More3 TIKLO SA VALENZUELA DRUG BUY-BUST
SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police, ang mga arestado na sina Leandro Villegas, 36, company driver; Joel Solis, 40, scrap agent; at Joey Leccio, 29-anyos. Ayon sa ulat ni SDEU investigator P/Cpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU, sa…
Read MoreBugbog sarado bago ikinulong HOLDAPER KINUYOG NG TAUMBAYAN
BAGO makulong ay binugbog muna ng taumbayan ang umano’y notoryus na holdaper makaraang biktimahin ang isang saleslady sa Malabon City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni Malabon Police deputy chief, P/Lt. Col. Rhoderick Juan ang arestadong suspek na si Bryan Jame Eusebio, 33, residente sa Vicencio St., Brgy. Niugan. Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 chief, P/Maj. Patrick Alvarado, habang binabantayan ang tindahan na Margaux Footwear sa No. 315 General Luna St., Brgy. Baritan ng saleslady na si Samanta Santos, 18, dakong alas-5:00 ng hapon nang lumapit ang…
Read More16 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS
UMABOT sa 16 katao ang namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela batay sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, siyam ang namatay sa Valenzuela City at umakyat na sa 668 ang COVID death toll ng lungsod noong Setyembre 9, habang 1,820 ang active cases matapos na 273 ang gumaling ngunit 340 naman ang magpositibo sa virus. Pumalo na sa 29,270 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at sa nasabing bilang ay 26,782 na ang gumaling. Limang COVID patients naman…
Read More2 PATAY SA P1.5-B-SHABU BUY-BUST SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang umabot sa P1.58 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation na ikinamatay ng dalawang hinihinalang bigtime drug suspects at nadakip ang isang mag-asawa sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Sa unang operasyon, kinilala ang mga napatay na sina Basher Bangon, 50, tubong Cagayan De Oro City, at lider ng Basher Bangon drug group, at Danilo Untavar, 51, ng Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite. Habang sa ikalawang operasyon ay nadakip naman ang mag-asawang sina Aldwin Micoleta, 47, at Lani Micoleta,…
Read MoreMOTORSIKLO SUMALPOK SA TRUCK, 3 PATAY
BATANGAS – Tatlo ang patay makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa hulihan ng nakaparadang truck sa gilid ng national highway sa Tanauan City, noong Miyerkoles. Pawang idineklarang dead on arrival sa ospital ang mga biktimang sina Jayson Hilarion, nagmamaneho; at ang mga backrider na sina Christian Jay Mabalay, 18, at Lovely Bacus, 15-anyos. Batay sa report, dakong alas-2:00 ng madaling araw, tinatahak ng Yamaha Mio motorcycle ng mga biktima ang kahabaan ng JP Laurel National Highway sa Barangay Darasa nang bumangga ang mga ito sa hulihan ng nakahintong Isuzu aluminum…
Read More