SINALUBONG ng pagtutol mula sa hanay ng mga mangingisda mula sa baybaying lungsod ng Parañaque ang napipintong demolisyon sa mga istrukturang ginagamit nila sa hanapbuhay, kasabay ng pagkondena sa aniya’y pagpabor ng gobyerno sa malalaking negosyanteng binigyan ng pahintulot para tabunan ang ilang bahagi ng Manila Bay. Partikular na tinuligsa ni Gilbert Reyes, pangulo ng Pangisda sa Paranaque, ang panukalang demolisyong isinusulong ng Manila Bay Inter-Agency Task Force para sa demolisyon sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda sa darating na September 7. Giit ni Reyes, tutol ang kanilang hanay…
Read MoreAuthor: admin 2
NAIA PORT, DAPAT PAMARISAN – ARTA
KUNG may ahensiyang karapat-dapat pamarisan ng iba pang tanggapan ng pamahalaan, ito ay ang NAIA Port ng Bureau of Customs (BOC), tahasang pahayag ni Anti Red Tape Authority (ARTA) director general Jeremiah Belgica sa ginanap na virtual forum kamakailan. Ani Belgica, lubha siyang namangha sa mga repormang pinaiiral ni Port of NAIA district collector Carmelita Talusan kaugnay ng programa ng gobyerno kontra red-tape, kasabay ng pasasalamat sa dedikasyon ng mga kawaning agresibong nagsusulong ng reporma sa ahensyang dating lugmok sa katiwalian. Partikular na pinaksa ni Belgica sa kanyang keynote speech…
Read MoreHOSPITAL BEDS AT MEDICAL EQUIP’T SA SPMC
HINDI lang buwis mula sa pumapasok at lumalabas na kargamento sa bansa ang pakay ng Port of Davao na mas piniling ibahagi ang nalikom na kita sa laban kontra pandemya. Katunayan, 38 hospital beds at iba’t ibang medical equipment ang ibinigay ng Bureau of Customs (BOC) sa Southern Philippines Medical Center kung saan dagsa ang dumarating na pasyenteng tinamaan ng nakamamatay ng coronavirus disease. Sa isang pahayag, ng BOC-Port of Davao, tugon anila ito sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na una nang nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng patuloy…
Read MoreBOC high-tech na rin CURRENCY SMUGGLING DI NA MAKAKALUSOT
MAS pinaigting pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang pagbabantay sa mga money laundering activities sa pagdating ng 13 units ng multi-currency bill counter (MCBC) na siyang gagamitin ng nasabing kawanihan upang mapabilis ang pagpo-proseso ng mga papasok at palabas na salapi. Sa virtual event sa pagitan ng mga opisyales at kinatawan ng BOC at at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kapwa lumagda sina Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at BSP Governor Benjamin Diokno para sa isang kasunduang magpapatibay ng ugnayan ng dalawang tanggapan ng pamahalaan sa programa laban…
Read MoreWag makulit, ‘di lulusot! DROGANG IKINUBLI SA CAM BULILYASO
Ni JOEL O. AMONGO HINDI nakalusot sa sanib-pwersang pagbabantay ng (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang panibagong tangkang pagpuslit ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa. Sa mapanuring mata ng mga kawani ng BOC-Port of Clark at mainam na intelligence network ng PDEA, Enforcement and Security Service (ESS) – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), silat ang isang kilong shabu na sadyang ikinubli sa loob ng apat na CCTV cameras na nakatakda sanang ilipad patungo sa Auckland, New Zealand. Bukod sa…
Read MoreMARITIME POLICE DUROG SA TRAILER TRUCK
QUEZON – Patay ang isang miyembro ng Maritime Police matapos na magulungan ng trailer truck nang matumba ang sinasakyang nitong motorsiklo sa Quirino Highway, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Patrolman Alvin Taborda, 31, residente ng Payatas, Quezon City at nakatalaga sa PNP Maritime Group. Ayon sa report, binabaybay ng biktima ang Quirino Highway ngunit pagsapit sa Barangay Poblacion ay nawalan ito ng kontrol sa motorsiklo at natumba sa highway. Dahil sa biglaang pangyayari, hindi ito naiwasan ng kasunod na trailer truck na minamaneho…
Read More3 UMIWAS SA OPLAN SITA, SUGATAN
CAVITE – Sugatan ang tatlong kalalakihan nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad makaraang tangkang takasan ang isinasagawang Oplan Sita sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga suspek na sina Jose Pepito Rusco, 36; Abdul Samie, 33, at Domingo Macunay, nasa hustong edad, at pawang mga residente ng Moonwalk IV, Las Piñas City. Ayon sa ulat ni Pat. Roderik Bajado ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang…
Read MoreMAG-AMA PATAY, INA KRITIKAL SA RIDO
HINIHINALANG dahil sa rido o away ng mga angkan ang ugat ng pananambang sa isang mag-anak na ikinamatay ng isang paslit at ama nito habang kritikal naman ang ina sa lalawigan ng Maguindanao. Kinilala ang mga biktimang napatay na sina Eskak Esmail Mamo, 38; Datu Abdullah Mamo, 5-anyos, habang sugatan naman si Paiza Datua Mamo, 35, pawang mga residente ng Sultan Sabarongis, Maguindanao. Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Jibin Bongcayao, sakay ang mga biktima ng multicab para magtungo sa merkado. Ngunit pagsapit sa Barangay Gawnan, Rajah Buayan, Maguindanao ay…
Read More‘PUBLISHER’ SWAK SA EXTORTION
SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation-Cagayan Valley Regional Office (NBI-CAVRO) ang isang lalaking nagpakilalang publisher at news anchor ng pahayagang “Target News ” na nakabase sa Tuguegarao City, matapos mangikil umano ng halagang P30,000 sa isang negosyante nabanggit na lungsod kamakailan. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang suspek na si Rommel Dela Cruz Mendi. Ang suspek ay binitbit ng mga tauhan ng NBI matapos ilatag ang entrapment operation. Nag-ugat ang pagdakip sa suspek base sa reklamo ng isang hardware owner na hindi na binanggit ang…
Read More