MGA OSPITAL SA STA. ROSA, PUNO NA RIN

LAGUNA – Wala nang pwede pang paglagakan ng mga pasyenteng tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa lungsod ng Sta. Rosa, kung saan puno na ang lahat ng mga pagamutan. Sinabi ni Mayor Arlene Arcillas na bukod sa puno na ang kanilang mga pasilidad, kulang na kulang na rin sila sa medical professionals dahil maging ang mga taong dapat sana’y kumakalinga sa mga may karamdaman ay naging pasyente na rin. Pag-amin ng alkalde, dalawang linggo nang hindi tumatanggap ng mga pasyente ang mga ospital sa kanilang lokalidad. “Maraming nagpa-positive na doctors…

Read More

NANGISDA NG MAUULAM BANGKAY NA LUMUTANG

BANGKAY na lumutang ang isang lalaking nangisda ng mauulam ng kanyang pamilya sa Navotas City. Kinilala ang biktimang si Jaymark Panganiban, nasa pagitan ng 25-30-anyos ang edad, residente ng Judge Roldan St., Brgy. San Roque. Ayon sa ulat, alas-7:20 ng gabi noong Agosto 31 nang matagpuang nakalutang ang bangkay ng biktima sa Dike Pondohan, Dulong Tangos, Brgy. Tangos North. Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng ilang residente ng Dulong Tangos bago magtanghali habang nangingisda sa Dike Pondohan. Isasailalim sa awtopsiya sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory Office ang…

Read More

6 PATAY SA COVID-19 SA NAVOTAS, VALENZUELA

NAKAPAGTALA ng tatlong namatay sa COVID-19 ang Navotas City habang tatlo rin ang binawian ng buhay sa nasabing sakit sa Valenzuela City, ayon sa ulat ng health offices ng nabanggit na mga lungsod. Bunsod nito, umakyat sa 444 COVID ang death toll sa Navotas City, habang 1,765 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Agosto 31 matapos na 88 ang makarekober at 158 naman ang nagpositibo sa virus.  Pumalo na sa 14,833 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at 12,264 na sa kanila ang gumaling. Pumanhik naman sa 639…

Read More

GUNRUNNING SYNDICATE NABUWAG PNP-NCRPO

PINAPURIHAN ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang PNP-National Capital Regional Police Office na pinamumunuan ni MGen Vicente Danao, sa pagkakaaresto sa lider ng kilabot na gunrunning syndicate at mga kasabwat nito sa Quezon City. Base sa impormasyon mula sa PNP-NCRPO, naaresto ng kanilang mga operatiba si Luis Espenilla Anabi, 40, sinasabing pinuno ng Espenilla gun running syndicate, sa ikinasang entrapment operation sa Novaliches. Bukod kay Espenilla, nadakip din ang iba pa niyang mga kasabwat na sina Rona Castañeda, 38, at Edmundo Salido, 45-anyos. Ayon…

Read More

DUQUE HAHABULIN NG BATAS DAHIL SA SRA DELAY

MAY pananagutan sa batas si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa pagbibitin nito o pag-delay sa pamamahagi ng Special Risk Allowance o SRA sa mga pampubliko at pribadong health workers. Ito ang inihayag ni Atty. Neri Colmenares, chairperson ng Bayan Muna kaugnay sa hindi pa maipamahagi ng DOH na SRA na nararapat makuha ng medical frontliners partikular ngayong panahon ng pandemya. “Criminally, pwede siyang kasuhan under Republic Act 3019, or the Anti-Graft and Corrupt Practices law for ‘causing any undue injury through gross inexcusable negligence.’ It is gross inexcusable…

Read More

OMBUDSMAN KINALAMPAG SA KASO NG GOVERNOR

NAGPASAKLOLO sa tanggapan ng Ombudsman ang bise gobernador ng Nueva Vizcaya para mabigyan ng aksyon ang reklamong isinampa nito laban sa gobernador ng nasabing lalawigan. Sa liham na ipinadala ni Nueva Vizcaya Vice Governor Jose Tam-an Tomas Sr. kay Ombudsman Samuel Martires na may petsang Agosto 26, 2021, noon pang Pebrero 2021 umano niya naisampa ang reklamo subalit tila hindi nabibigyan ng pansin. Tinukoy rito ang mga reklamong Grave Misconduct, Oppression, Abuse of Authority and Conduct Prejudicial to the Interest of the Service, paglabag sa Anti – Graft and Corrupt…

Read More

5 NCR MAYORS NANGUNA SA PERFORMANCE SURVEY

PINANGUNAHAN ng limang alkalde sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ang isang performance survey na isinagawa ng independent group kamakailan. Sa lima, si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nakakuha ng pinakamataas na approval rating kasunod sina Mayor Isko Moreno ng Manila City na pumangalawa sa puntos na 85%, pangatlo si Mayor Vico Sotto ng Pasig City na may 83%, Mayor Toby Tiangco ng Navotas City na may 78% at panglima si Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong City na nakakuha ng 76%. Bukod naman sa naturang performance survey, nabatid…

Read More

EURO AT U.S. BASKETBALL PAGSASAMAHIN NG GILAS

ISASABAK ang Gilas Pilipinas Men sa United States at European basketball tournaments bilang paghahanda ng koponan sa 2023 FIBA World Cup. Ito ang plano ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) project director at head coach Tab Baldwin upang lalo pang masanay ang men’s national team sa mga international tourney. “There will probably be some tours in the US, and gigs in Europe as well,” pahayag ni Baldwin matapos ang World Cup Qualifiers Draw noong Martes ng gabi. “What we need to do right now is to identify the possible tournaments…

Read More

COACH BALDWIN EXCITED SA GAMES KONTRA KOREA, NZ

NGAYON ay alam na ng Gilas Pilipinas Men ang mga koponang makakalaban nila sa 2023 FIBA World Cup Asia & Oceania Qualifiers. At excited na si Gilas program director at head coach Tab Baldwin na kabilang ang koponan sa Group A ng 2023 World Cup Asian Qualifiers kasama ang New Zealand, Korea at India. Naganap ang ­qualifiers draw nitong Martes sa ­Patrick Baumann House of Basketball sa Mies, Switzerland. Bilang host countries, ang Pilipinas at Japan ay awtomatiko nang qualified sa World Cup. Samantalang ang ikatlong host na Indonesia ay…

Read More